CHAPTER 113

195 19 1
                                    

JUNGKOOK'S POV

"Nagkaayos naba kayo ni Taehyung?" tanong sakin ni Namjoon habang nakain ng tinapay.

Nandito pa din kami sa may hotel at mamaya na daw ang balik namin sa may BigHit Ent

"Hindi pa" sagot ko Kay RM at napailing nalang siya.

"Mahirap hilumin ang sugat sa puso" dagdag niya pa at napatango nalang ako.

"Hi! Anong number ng room ni Kim Taehyung?"

Sabay na Napatingin kami ni Namjoon dun sa babaeng nagsalita at nagtanong ng room number ni Taehyung dun sa mga staff ng Hotel

"Wait... Si Eunice yun ah?" gulat na sabi ni Namjoon at tinitigan ko nga yung babae and yes it was EUNICE!

Hindi ko alam pero kusa nalang akong napatayo at naglakad ang mga paa ko papalapit Kay Eunice

Hindi na ko makakapayag na makalapit siya kay Taehyung

Kung kahapon ay hinayaan kong landiin at mahalikan niya si Taehyung. Pwes Hindi na ngayon

"Ahm... Room---" hindi ko na pinatapos magsalita yung staff para sagutin ang tanong ni Eunice dahil agad akong nagsalita.

"At bakit mo hinahanap ang room ni V?" inis na tanong ko at dahan dahan namang napatingin sakin si Eunice. At nung makita niya kami ni RM ay biglang nagliwanag ang mata niya.

Tss adik

"Omggggg! Namkook!!! Goodmorning!" bati niya at tsaka nakipag kamay kay RM sunod niyang inilahad ang kamay niya sa harapan ko pero di ko sinalo.

"Just answer my question then leave" may diin na sabi ko at parang nahiya naman sakin si Eunice at napatungo.

"Pinagtitinginan na tayo ng mga tao" bulong sakin ni RM kaya medyo hininaan ko yung boses ko dahil ayokong mag eskandalo.

"A-ano kasi..." Bigla namang tumingin sakin si Eunice at ngumiti. "I just want to see Taehyung, gusto ko lang tanungin kung para saan yung halik niya sa---" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Eunice dahil bigla na Kong nagsalita.

Hindi ko na kayang marinig pa ang mga sasabihin niya

"Lasing lang si Taehyung nun kaya ka niya na halikan, wag mo ng lagyan ng ibang meaning" inis na sabi ko at tsaka tumalikod na sa kanya at naglakad papunta sa kwarto ko.

Narinig ko pang kinausap ni Joonie si Eunice pero di ko na yun pinansin

Pagkadating ko sa kwarto ko ay napatalon nalang ako sa kama at tsaka pinaghahampas ang unan

"Bakit ba ang init ng ulo ko?!!" sigaw ko at tsaka binato yung unan sa sahig.

Alam kong nagseselos ako kaya ganto kainit yung ulo ko!

"Hays! Sobrang nagseselos ako!" Sigaw ko ulit at tsaka isinubsob ang mukha ko sa mga nagkukumpulang unan.

Napatigil naman ako sa pagwawala nung may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko

Agad akong bumangon para buksan yung pinto at bumungad sakin ang nakapikit na Jimin

Anong trip nito?

"Huy!" panggugulat ko kay Jimin tsaka siya hinampas ng mahina sa braso dahilan para magulat siya at imulat ang mga mata niya.

HAHAHAHA ang cute!

"A-ahm.. Jungkook" nasambit nalang niya at natawa naman ako.

"Anong trip mo?" natatawang tanong ko at napakamot nalang siya sa batok niya.

BOY IN LUV (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon