CHAPTER 80

221 17 0
                                    

JUNGKOOK'S POV

Nandito na kami ngayon sa may practice room at masayang nagkwekwentuhan

Pero tahimik lang kami ni Taehyung dahil sa bangungot na nangyari kagabi

"Ayos lang ba kayo Taehyung at Jungkook?" takang tanong ni Yoongi at napatingin naman ako sa kanya.

"Ah... Oo sumama lang yung pakiramdam ko" sambit ko at nag-aalang tiningnan naman nila Kong lahat.

"Tara ng umuwi at magpahinga na kung masama ang iyong pakiramdam, Jungkook" aya ni Jin at umiling naman ako.

"No, sige lang magkwentuhan lang kayo, magpapahangin muna ko sa rooftop 'kung saan nagbago ang lahat' may diin na sabi ko tsaka tumingin Kay Taehyung na ngayo'y nakayuko.

"Ha? Nagbago ang lahat?" tanong ni Jimin at nginitian ko naman siya ng pilit.

"Ah haha don't mind me na. Sige na magkwentuhan na kayo" sambit ko at tsaka na tumayo at umakyat ng rooftop.

Pagkadating ko sa rooftop ay agad Kong dinama ang sariwang hangin habang nakaupo ako sa sahig at nakapikit

"Sa rooftop na to. Nagbago ang lahat"

"Sa rooftop na to ako nasaktan ng todo" malungkot na sambit ko at dahan dahan ng tumulo ang mga luha ko.

Nagulat naman ako nung biglang may dumamping mga daliri sa pisnge ko at pinupunasan ang mga luha ko

Dahan dahan ko namang iminulat ang mga mata ko at napaatras ako nung makita si Taehyung na nakangiti ng unti habang nakatingin sakin

"T-taehyung" nasambit ko nalang.

"Sorry... Ayoko lang kasing nakikita kang umiiyak" sambit niya at napangisi nalang ako.

Tsaka ko tumayo mula sa pagkakaupo ko at tumingin ng diretso sa mga mata ni Taehyung

"Hindi ako iiyak kung walang mabigat na dahilan... Pati anong sabi mo? Ayaw mo Kong nakikitang umiiyak? Pero bakit mo ko sinaktan?!" at tuluyan ng tumulo ulit ang mga luha ko habang si Taehyung naman ay napayuko nalang.

"Sorry" sambit ni Taehyung at tumingin ulit sakin.

"Mawawala yung galit ko sayo dahil sa sorry mo pero yung sakit sa puso ko na ikaw ang dahilan ay hindi ko alam kung kailan hihilom"

"May dahilan ako kung bakit ko yun ginawa"

"ANONG DAHILAN MO?! ANONG DAHILAN MO PARA SAKTAN AT IPAUBAYA AKO NG BASTA BASTA NALANG SA IBA?! ANO! SABIHIN MO!!!...SABI MO MAHAL MO KO----" hindi ko na natapos ang sinasabi ko habang sumisigaw nung bigla Kong yakapin ng napaka higpit ni Taehyung.

"Oo mahal kita at ang mga pangarap natin. Kaya ko nga to nagawa e" naiyak na sabi ni Taehyung.

Umiiyak pa din ako ng umiiyak habang yakap ako ni Taehyung

'Yakap na ka'y higpit na ayoko ng kumalas dahil kapag kumalas ako ay baka sa isang iglap ay mawala kana sa piling ko'

Hinayaan ko munang yakapin ako ni Taehyung ng ilang minuto

Pero si Taehyung ang unang kumalas at tsaka ko tiningnan muli ng diretso sa mga mata

"Mahal na mahal kita Jungkook" sambit niya.

Hindi naman ako umimik dahil sa sakit na naman ng nararamdaman ko ngayon

"Intindihin mo muna ko sa ngayon please... Para naman to satin, pero hindi ako mawawala sa tabi mo lagi----"

Hindi ko na pinatapos si Taehyung sa sasabihin niya dahil agad akong nagsalita

"Sabi mo nga intindihin kita..." ngumisi naman ako ng pilit at tsaka bumuntong-hininga ng malalim. "Papayag na ko na ipaubaya mo ko Kay Eunwoo kung yan man ang desisyon mo kahit na 'ayoko'. Basta kapag nahulog ako Kay eunwoo, sana'y maintindihan mo din ako" nagaralgal na huling sambit ko at tsaka tumalikod Kay Taehyung at naglakad na papalayo habang naiyak.

TANGINA ANG SAKIT!

Napatakip nalang ang dalwang palad ko sa bibig ko at tsaka umiyak sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Wala kong magawa ngayon Kundi ang umiyak ng umiyak hanggang mawala yung sakit!

Sa sobrang sakit ay hindi ko namalayan na nasuntok ko ng malakas yung pader at dumugo na ng dumugo yung kanang kamao ko

Pero hindi ko dama yung sakit dahil ang sakit na nadadama ko ngayon ay nasa puso ko

Agad na Kong umuwi para makapag pahinga na ng maaga

Hindi muna kami pupunta ng bighit ent bukas dahil pahinga na namin

Dahil sa susunod na linggo ay ipapakilala na kami ng bighit ent sa Kpop Industry

Hindi ko magawang matuwa dahil nga sa nangyari samin ni Taehyung

'Walang magbabago sa relasyon natin kahit nasa Kpop Industry na tayo"

Ang pangako namin ni Taehyung sa isa't isa ay siya mismo ang nagpako

BOY IN LUV (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon