CHAPTER 102

194 15 0
                                    

JUNGKOOK'S POV

Pagka uwi namin sa BigHit Building ay agad na kaming nagpuntahan sa mga kanya kanya naming kwarto at tsaka na nagpahinga

Ako naman tong nakahiga lang sa kama at nakatulala sa puting kisame at nag-iisip ng malalim

Hayst. Kakausapin ko ba talaga yung Daddy ni Taehyung?

Nagsimula na Kong magpa gulong gulong sa kama ko at hindi na ko mapakali

Napatigil ako sa pag gulong sa kama ko nung biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko

"Sino yan?!" pasigaw na tanong ko pero walang sumagot.

Tsk mahirap bang sagutin yung tanong ko o di niya lang narinig?

Inis na tumayo na ko sa kama ko at naglakad na papunta sa pinto at tsaka binuksan

At bumungad sakin ang bagong ligong Taehyung

"Hi googie" nakangiting may lambing na sabi niya at napangiti na din ako.

"What are you doing here?" tanong ko.

"Pwede ba papasukin mo muna ko"

"Ah okay"

Parehas naman kaming natawa at tsaka na pumasok si Taehyung sa kwarto ko

Nagpalingon lingon pa siya sa bawat sulok ng kwarto ko bago umupo sa kama

"Ang gulo naman ng kwarto mo" sambit niya dahilan para kumunot yung kilay ko.

"Maglilinis palang kasi ako pero dumating ka kaya naudlot" sagot ko at tumingin naman siya sakin sabay ngiti.

Nag drugs ba to? Ngiti ng ngiti e wala namang dahilan

"Umupo ka dito sa tabi ko" sambit niya habang pinapagpagan pa yung pag uupuan ko.

"Okay" umupo na ko sa tabi ni Taehyung at tsaka yumuko dahil naiilang ako sa kanya dahil Nakatingin siya ngayon sakin.

Grabe! Mag boyfriend na kami pero bakit ganyan pa din ang epekto ng mga tingin niya sakin. Nakakailang

"Kinilig kaba dun sa sagot ko kanina?" tanong ni Taehyung dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Ha? Alin?" takang tanong ko at napaerap nalang siya.

Aba ang taray!

"Yung kung sino daw ang idedate ko sa inyo tas ikaw ang pinili ko" sagot ni Taehyung at napatango tango naman ako.

"Ah. Hindi naman" natatawang sagot ko dahilan para manlaki yung mata ni Taehyung at umerap na naman.

Kinilig talaga ko halos mamatay na nga ko sa kaba e pero ayaw Kong malaman niyang kinilig ako kanina HAHAHAHA!

HAHAYAAN KO SIYANG MAINIS

"ANO?!! Hindi ka kinilig?" sigaw ni Taehyung.

"Oo, wala namang nakakakilig sa sagot mo e. So corny"

"Hayst! Eh halos nga ng mga camera man, writers at si Felix ay kiligin dun tas ikaw? Di man lang kinilig?!" reklamo pa ni Taehyung dahilan para mas lalo Kong matawa.

"Hindi naman kasi ako sila. Di naman kasi talaga nakakakilig, sanay na ko sa mga paganyan mo"

"Tsk"

Tumalikod naman sakin si Taehyung at nag cross arms pa.

Aba! Gagalet?! HAHAHAHA

Lumapit naman ako ng unti Kay Taehyung at tsaka nag back hug sa kanya habang nakapatong ang ulo ko sa kaliwang balikat niya

BOY IN LUV (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon