September 01, 2013
JUNGKOOK'S POV
Maaga Kong gumising ngayon dahil pupunta kami ngayon sa MAMA Awards 2013 para magperform
Saktong Birthday ko pa! Oh yes
Agad akong naligo, nagbihis at lumabas na ng kwarto para kumain
Nakita ko namang busy sa pagluluto sila Jen at Mommy
"Ang bango ah" sambit ko habang inaamoy amoy pa yung Amoy ng niluluto nila Mommy sa hangin.
"Waaaaah! Gising na si Kuya. Happy birthda!" masayang sigaw ni Jen kaya natawa naman ako.
"Thank you" sambit ko.
"Happy birthday anak" bati din ni Mommy at tsaka niya ko nilapitan at niyakap.
SILA ANG NO.1 NA HINDI NAKAKALIMOT SA BIRTHDAY KO
Pumunta na ko sa Dining Table at tsaka umupo at tiningnan ang mga nakahain na pagkain
"Wow, eto po ba lahat ang handa ko?" namamanghang tanong ko.
"Of course Kuya, niluto lahat namin yan ni Mommy dahil nga birthday mo at ice celebrate na din natin ang pagpasok mo sa Kpop Industry" sagot sakin ni Jen at lalong lumawak yung ngiti ko.
Grabe! Mahirap lang kami pero ipinaghanda pa nila ko ng ganto
"Sige na kumain na kayo. Kung alin man ang kainin niyo dyan papaltan ko nalang" sambit ni Mommy at nagdasal muna kami tsaka kanya kanya ng kumuha ng pagkain.
"Papuntahin mo dito mamaya yung lima mong kaibigan ha" dagdag pa ni Mommy kaya mas lalo akong natuwa.
"Jinjaaaa?" Pagkumpirma ko pa at tumango si Mommy.
"Yun oh! Hahaha" at nakipag apir ako Kay Jen.
"Wait lang Mommy... Bat Lima lang? Dapat anim!" takang tanong ni Jen.
Takang tumingin din ako Kay Mommy
Oo nga!
Bigla namang ngumisi si Mommy at tsaka tumingin sakin kaya natigilan ako
"Eh hindi na naman kaibigan ni Jungkook si Taehyung e, diba boyfriend niya na?"
Dahil sa sinabi ni Mommy biglang nag-init yung dalwa Kong pisnge sa kilig at hiya
Hayst...
"Waaaaah! Oo nga pala HAHAHAHA" natatawang sabi ni Jen.
"Papuntahin mo si Taehyung dito mamaya ah. Gusto ko na ulit siyang makita" dagdag pa ni Mommy at tumango naman ako.
Pero pano? Eh magkatampuhan pa kami
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ko kela Jen at Mommy na aalis na ko
Pagkadating ko ng Bighit Ent ay marami ng staff ang nakakalat
"Oh Jungkook, hurry up! Memake upan ka pa" pagmamadali sakin nung staff kaya hindi ko na siya nagawa pang sagutin dahil agad na Kong tumakbo sa dressing room namin.
Pagkadating ko dun ay nadatnan Kong minemake upan na nga yung mga kaibigan ko habang si Taehyung ay binibihisan na
"Finally your here" sabi nung isang staff. Agad ko ng nilagay yung bag ko sa sofa at tsaka pumuwesto na sa salamin para make upan na.
"Bat ngayon kalang Jungkook?" tanong sakin ni Jimin na inaayusan din sa tabi ko.
Iimik na sana ko kaso naalala Kong ayaw Kong ipaalam sa kanila na Birthday ko ngayon. Hahayaan ko sila ang makaalala