TAEHYUNG'S POV
Nandito na kami ngayon sa isang beach dito sa Busan. Kakadating lang namin dito. Hindi ko na napansin yung pangalan nitong pinuntahan namin Basta maganda HAHAHAHA!
Nasa kanya kanya muna kaming mga kwarto namin dito sa hotel ngayon at nag-aayos ng gamit
Tatlong araw kami dito magbabakasyon at pagkatapos naming magpahinga maggagawa na ulit kami ng mga new songs namin para sa comeback namin
"Haysss!" Napahiga nalang ako sa kama ko nung matapos ko na maayos ang mga gamit ko.
Napagod ako sa byahe namin at sa pag-aayos ng gamit
"Taehyung! Huy gising!"
Nagising ako sa pagtawag ng kung sino at inuuga uga pa ko
Pagmulat ko ng mata ko ay bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Jhope
Napabangon nalang ako at Napatingin sa kanya
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko sa sobrang pagod
"Mahimbing ba ang tulog mo? Baby boy." May pang-aasar sa tono na tanong ni Jhope.
"Anong baby boy ka dyan! Tss" inis na sabi ko at natawa naman siya.
"Nasa beach na sila at naliligo habang yung iba nagluluto ng kakainin natin mamaya" paliwanag ni Jhope.
"Kanina pa sila nandun?"
"Hindi naman, kakapunta lang... Tas narealize namin na kulang kami at naalala Kong ikaw ang kulang kaya pinuntahan na kita dito"
"Hindi ba nakalock yung pinto?" Taka Kong tanong at tumango naman si Jhope. "Hayss lagi ko nalang nakakalimutan i-lock"
"Sa susunod huwag mo ng kakalimutang I lock yang pinto dahil baka pasukin ka ng mga babae dito sa hotel at pagnasaan ka" Biro ni Jhope at natawa siya sa sarili niyang Joke. Tss
"Maraming chicks dito! I entertain mo na sila" dagdag pa ni Jhope at kinindatan ako.
Napailing nalang ako at tumayo na sa kama
"Kahit gaano pa kadami ang mga babae dyan sa labas. Kay Jungkook lang ako titingin" nakangising sambit ko at tsaka na pumaunang maglakad Kay Jhope.
"Very Good Taetae!" rinig Kong sigaw pa ni Jhope.
Nung makarating na kami ni Jhope sa beach ay naabutan namin ang napakaraming tao na nandito din sa Beach
Yung iba sa kanila ay binati kami ni Jhope at tsaka nagpapicture. alam ata nilang mga BTS Members kami
Agad na kaming lumapit sa mga kaibigan namin
Nadatnan Kong nagluluto sila Jin, Jungkook at Namjooon habang si Suga at Jimin ay naglalalangoy na. Nakisali na din si Jhope at ako hindi ko alam ang gagawin ko
Balak ko sanang tumulong sa pagluluto kaso nakakailang dahil nandun si Jk
"Oh Taehyung, bat nakatayo kalang dyan?" medyo nagulat pa ko nung biglang magsalita si Namjoon na nasa gilid ko na pala.
"Ah haha, wala lang" nasambit ko nalang habang napapakamot pa sa batok.
"Lakad magswimming kana"
"Mamaya na. Nilalamig pa ko"
"Tss HAHAHAHA, tumulong kana lang samin sa pagluluto" aya ni Namjoon at naglakad na pabalik sa pwesto kung San sila nagluluto.
Aangal pa sana ko dahil di naman ako marunong magluto pero wala din naman akong gagawin kaya pumayag na ko