CHAPTER 83

219 19 1
                                    

JUNGKOOK'S POV

"Kapagod!" sigaw ni Jhope at tsaka humilata sa sofa.

Kakatapos lang kasi naming magperform sa Music Bank dahil ipinakilala na kami ng Bighit Ent sa Kpop Industry

"Ang sarap sa pakiramdam na sabay sabay tayong nagpeperform na pito sa harap ng madaming tao no?" Nakangiting sabi ni Namjoon nakangiting tumango tango naman kaming anim.

"Okay lang kahit hindi tayo sumikat ng sobrang sikat. Basta may maka appreciate lang satin ay okay na" sambit naman ni Jimin at napangiti ulit kaming lahat.

"Hoy Jungkook at Taehyung!" biglang tawag samin ni Suga at Napatingin naman ako sa kanya.

Alam na kasi nila na nagkatampuhan kami ni Taehyung pero hindi nila alam ang dahilan

"Kahit nasa Kpop Industry na tayo. Wala sanang magbabago sa relasyon niyo" nakangiting sabi ni Suga habang nang-aasar ang mga mata.

"Kaya nga! Hayaan niyo tutulungan namin kayong iparating sa lahat na merong kayo ayiiIeeee" pang-aasar pa ni Jin at nagkatinginan naman kami ni Taehyung pero agad akong umiwas.

Ramdam ko naman na uminit yung pisnge ko! Shhhhh

Gaganti ako sa inyo Suga at Jin dahil pinakilig niyo ko! Hmp

Nakangiting tumingin naman ako Kay Jin at Suga

"Kayo din Suga at Jin sana'y mahalin niyo pa din si Namjoon at Jimin kahit na nandito na tayo ngayon sa Kpop Industry" natatawang sabi ko at nanlaki naman yung mga mata nilang dalawa.

HAHAHAHAHAHA BLEH :>

"Oh edi kayo na may love team!" sigaw ni Jhope at nagtawanan naman kami.

"Jhope alam mo namang akin kalang!" Sagot ko at kunwari pang kinilig si Jhope sa kinauupuan niya.

HAHAHAHAHAHA! Edi nagtawanan na naman kaming lahat.

Nakita ko namang nagkatinginan sila Jimin at Yoongi ng matagal at tsaka sabay na nag iwasan ng tingin

Wiwot!

Tiningnan ko naman si Jin na ngayo'y nakatitig Kay Namjoon na busy sa pagkain

Aruyyyy! HAHAHAHA

Ang sarap sa feeling ng nakakapagmahal ka ng Malaya. Yung walang huhusga sayo kahit sinong mahalin mo

Pagkatapos naming mag-usap usap ay umakyat na muna ko sa rooftop para lumanghap ng sariwang hangin

Mas masaya sana ko ngayon kung magkasama kaming dalwa ni Taehyung at masayang nagkwekwentuhan

Bigla naman akong napayuko at laking gulat ko nung makita ko sa baba ng bighit ent na nag-uusap sila Eunwoo at Taehyung!

TAEHYUNG'S POV

"Anong ginagawa mo dito? Nakuha mo na ang gusto mo diba? May kailangan kapa ba?" inis na sunod sunod na tanong ko Kay Eunwoo.

"Wala na Kong kailangan dahil lahat ng kailangan ko ay hindi din naman nangyari" malungkot na sabi ni Eunwoo.

"What do you mean?"

Tumingin naman sakin si Eunwoo at tsaka pilit na ngumiti

"Sorry kung nasira ko ang relasyon niyo ni Jungkook. I'm sorry" sambit ni Eunwoo at namuo na ang mga luha sa gilid ng mga mata ko.

"Buti alam mo!" inis na sagot ko.

MASAKIT DIN NAMAN KASI PARA SAKIN TONG GINAWA KONG DESISYON. HUWAG LANG MASIRA ANG MGA PANGARAP NAMIN NI JUNGKOOK!

Tiniis ko lahat ng mga araw na hindi ko nakakausap o nakakasama man lang si Jungkook

Tiniis Kong hindi siya tawagan o I message

Tuwing magkikita kami ay lagi niya Kong ipinagtatabuyan na lalong nagpapabigat sa damdamin ko.
At lalong nakakapagpakonsensya sakin na dapat hindi ako natakot sa banta ni Eunwoo at dapat lumaban ako

HINDI KO NGA ALAM KUNG MAHAL PABA KO NI JUNGKOOK HANGGANG NGAYON EH

Tuwing aasarin kami nung Lima naming kaibigan. Ewan ko ba kung napipilitan nalang siyang ngumiti at sumang-ayon sa kanila

Pero baka ang totoo ay HINDI NIYA NA KO MAHAL!!!!

"Nung mga panahong ipinaubaya mo sakin si Jungkook ay ginawa ko lahat para mahalin niya din ako kaso ang paulit ulit niyang sinasabi sakin ay 'Si TAEHYUNG lang ang lamang ng puso ko' kaya dun ko narealize na loyal talaga siya sayo" paliwanag ni Eunwoo at Napatingin naman ako sa kanya.

Bigla Kong nabuhayan sa mga sinabi niya

So hanggang ngayon ay MAHAL PA DIN PALA KO NI JUNGKOOK?! T_T

"Matagal ko na talagang gusto si Jungkook e... Kaya nung malaman ko na may gusto si Jungkook na iba ay sobrang nainggit ako" malungkot na sabi ni Eunwoo.

Hindi naman ako naimik dahil hinahayaan Kong magpaliwanag muna ng side niya si Eunwoo

"Kaya ayun pinicturan ko kayo ng pinicturan at ipinopost ko sa social media ang mga litrato niyo para siraan kayo. akala ko ayun yung the best way para masira ang relasyon niyo... Kaya tinakot kita na kapag hindi mo ipinaubaya si Jungkook sakin ay ipopost ko yung litrato niyo na kita na ang mga mukha niyo"

Yes, tinakot ako ni Eunwoo.

Ayokong masira ang pangarap ni Jk ng dahil lang sa relasyon namin. Kahit ayokong gawin ay ginawa ko nalang

Dahil kapag nalaman ng mga tao na may relasyon kami ay ibabash nila kami at masisira pa ang mga pinaghirapan namin maging isang Korean Boy Group lang

Pati ang Bighit Ent ay madadamay. Kaya ako na ang nagsakripisyo para sa ikatatahimik ng lahat

Bumuntong-hininga naman muna si Eunwoo bago muling magsalita

"Akala ko mapaghihiwalay ko na kayo ni Jungkook at mapupunta na siya sakin nung ipaubaya mo na siya... Kaso narealize ko na ikaw talaga ang mahal niya kaya wala na Kong magagawa kundi tanggapin na hindi talaga kami ni Jk ang tinadhana dahil may ibang nakalaan sakin. Kahit na gustuhin ko man siya e iba ang mahal niya e"

Nginitian naman ako ni Eunwoo pero alam Kong pilit

Nakaramdam naman ako ng awa Kay Eunwoo dahil sa sinasabi niya

Yes may ibang nakalaan sa kanya kaya matuto siyang maghintay

Dahil sa akin lang si Jungkook.

"Hindi mo kailangang ipagpilitan sa ibang tao ang sarili mo para magustuhan ka niya. Kung kayo man sa isa't isa, ang Diyos na ang gagawa ng paraan para sa inyong dalawa" sambit ko at napangiti naman si Eunwoo.

"Thank you dahil hindi ka nagalit sakin kahit na nasira ko ang relasyon niyo ni Jungkook" sagot ni Eunwoo at tinanguan ko naman siya.

"Lahat ng tao nagbabago. Katulad mo"

"Eh paano kayo ni Jungkook? Pano kayo magkaka ayos?"

"Ako na ang bahala"

"Ah sige haha"

BOY IN LUV (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon