NAMJOON'S POV
Bilang tumatayo na Kuya sa aming grupo ay tungkulan Kong alagaan at ibigay ang buong pagmamahal ko sa kanilang anim
Ayoko ding nakikita silang nasasaktan at nalulungkot
Katulad ngayon naiyak na si Taehyung sa harap namin dahil sa sinabi sa kanya ni Jungkook
Ayoko din nung sinabi ni Jungkook Kay Taehyung kahit ako ay masasaktan kapag sakin sinabi yun
Nung una ayokong mangielam sa problema nila dahil wala Kong karapatan pati umasa Kong maaayos nila yun
Pero ngayon sa tingin ko ay kailangan ko ng mangielam at kausapin silang dalawa. Ako na ang gagawa ng paraan para magkabati sila
Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at dali daling naglakad palabas ng resto. Narinig ko pang tinawag ako nila Jin pero hindi na ko lumingon
Ang gusto ko lang ay makausap si Jungkook at pagsabihan siya
Agad akong nagpalingon lingon sa paligid at hinanap si Jungkook
Nagpunta ko sa Hotel at sa kwarto ni Jungkook pero wala siya dun. Sunod Kong pinuntahan ang Bar dito sa beach pero wala din siya
Napatigil ako sa paglalakad nung mapatingin ako sa may dagat at nakita ko si Jungkook na nakaupo sa white sand habang pinapanood ang mga masasayang tao na nagswiswimming sa dagat
Tumakbo agad ako palapit sa kanya at naghabol pa ko ng hininga bago ako magsalita
"Jungkook" tawag ko sa kanya at agad naman niya Kong nilingon at tsaka siya mabilis na tumayo.
Tinitigan ko siya at matamlay ang mukha niya
Alam Kong napilitan lang siyang sabihin ang mga sinabi niya kanina Kay Taehyung
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko at nagtaka naman yung mukha niya.
"Bakit?"
"Basta sumama ka sakin"
Naglakad na ko papunta sa isang kubo at ramdam Kong sumunod din naman sakin si Jungkook
Pagkadating namin sa kubo ay wala munang nagsalita at nagpapakiramdaman muna
Sa dagat pa din Nakatingin si Jungkook habang ako ay Nakatingin sa kanya at nag iisip ng sasabihin
"Jungkook" tawag ko ulit at tumingin ulit siya sakin.
"Ano ba talagang nangyari at bigla mo nalang hiniwalayan si Taehyung?" agad na tanong ko at hindi agad nakasagot si Jungkook.
Parang nag aalinlangan siyang sagutin yung tanong ko
"Sige ok lang kung ayaw mong sabihin sakin yung dahilan" dagdag ko at napayuko nalang si Jungkook.
"Ayoko nung ginawa mo kanina kay Taehyung" Napatingin naman ulit sakin si Jk nung sambitin ko yun. "Hindi mo alam kung gaano mo siya nasaktan"
"Hindi ko naman sinasadyang sabihin yun" sagot sakin ni Jk at nakita kong may pumatak na luha sa kaliwang pisnge ni Jk.
"Naiintindihan kita pero sana wag na yung maulit dahil ayokong nasasaktan niyo ang isa't isa ni Taehyung" tumango naman si Jk at muling tumingin sa dagat.
Namutawi ulit ang katahimikan sa pagitan namin
"Wala kana ba talagang pake kay Taehyung?" pambabasag ko sa katahimikan. Gulat na Napatingin naman sakin si Jk.
"H-ha?"
"Ang sabi ko wala kana ba talagang pake Kay Taehyung?" pag uulit ko at napa buntong-hininga naman si Jk.
"Wala na" mahinang sagot niya habang sa iba Nakatingin.
"Hindi mo naba siya talaga mahal?" tanong ko ulit at hindi agad sumagot si Jk.
"H-hindi na" sagot ulit niya pero mahina lang.
"Kung wala kana talagang pake o hindi mo na mahal si Taehyung e bat ka naiyak nung sinagot mo yung sinabi Kong nasaktan mo si tae kanina sa mga sinabi mo?" panghahamon na tanong ko Kay Jk at tumingin naman siya sakin.
"Ewan ko" maikling sagot niya.
"Hayss kahit hindi mo sabihin. Mahal mo parin siya at napilitan kalang talagang hiwalayan siya, dahil?"
Nagulat ako nung biglang umiyak si Jungkook sa harapan ko kaya agad akong lumapit sa kanya at hinagod ang likod niya
"Sige iiyak mo lang yan." sambit ko.
Mga ilang minuto din umiyak si Jk bago muling kumalma
"Tama ba ko? Mahal mo pa din si Taehyung?" tanong ko ulit at tumango naman si Jk.
Sabi na nga ba
"Hindi naman nawala yung pagmamahal ko sa kanya. At never yung mawawala" sagot ni Jk at napangiti naman ako.
"Pwede mo ba saking ikwento kung bakit mo hiniwalayan si Taehyung?"
Tumango naman si Jk at tsaka na nagsimulang magkwento
Habang nagkwekwento si Jungkook ay naiintindihan ko na kung bakit niya lahat yun nagawa at para naman yun sa kapakanan ni Taehyung
Pero yung desisyon niya ang ayoko. Pinakita kasi niya dun sa taong humadlang sa pagmamahalan nila ang kahinaan niya kaya siya inabuso
"Kung mahal mo talaga si Taehyung, ipaglaban mo siya. Huwag mong hayaang sirain kayo ng iba" pagpapayo ko pa at umiyak ulit si Jk.
"Natakot kasi ako e. Gusto Kong maging masaya si Taehyung kahit na ikasasakit ko, ayokong matulad siya sa pamilya ko na nagkawatak watak"
Agad Kong niyakap si Jungkook at naluha na din ako sa mga sinasabi niya
Maraming nagagawa ang love. Kahit ikakasakit mo Basta makita mong masaya ang mahal mo, magiging masaya kana din para sa kanya
"Sa desisyon bang ginawa mo ay nakikita mong masaya si Taehyung?" tanong ko ulit at Napa isip naman si Jk.
"Oo? Hindi?... Basta Ewan ko" sagot niya.
"Para sakin hindi. Lagi siyang malungkot at walang gana at alam Kong nakikita mo yun... So it means mas masaya sayo si Taehyung kesa sa taong gusto mong makasama niya" sambit ko at nalungkot lalo yung mukha ni Jk.
"Nagsisisi na ko sa mga ginagawa Kong pagtataboy sa kanya lagi at pagsasabi ng mga salitang alam Kong ikakasakit ng damdamin niya" si Jk.
"Then huminga ka ng tawad sa kanya. At I paliwanag mo lahat ng rason kung bat mo yun nagawa"
"Pero pano? Alam Kong galit na siya sakin dahil sa mga ginawa ko na hindi ko naman ginusto"
Napaisip naman ako at biglang napangiti
"Don't worry kami ang bahala"
Napatingin naman sakin si Jk at nginitian ko lang siya sabay kindat
We find ways HAHAHAHA!
Sana gumana yung plano ko para magkabati na sila at makapag usap ng masinsinan
Namimiss na kasi namin yung taekook e pati mga sweetness nila