TAEHYUNG'S POV
Tulala ko ngayon sa kawalan
Nakaupo ako ngayon sa swivel chair habang nakaharap sa may malaking glass na salamin pero bintana siya at nakatanaw ako ngayon sa mga building na kita mula dito sa kwarto ko
Naiiyak pa din ako sa mga pangyayari kagahapon. Tanghali na pero hindi pa din ako nalabas sa kwarto ko.
Tinawag na ko kanina nila Jimin at Suga para kumain pero sinabi ko na wala Kong ganang kumain kaya hinayaan nalang muna nila ko
Alam na din naman nila yung dahilan kung bakit ako nagkakaganito dahil nakita ko sila sa may hagdan ng rooftop na nakikinig sa usapan namin ni Jungkook kahapon
Tulala lang sila at hindi naimik nung makita ko sila
Hmm... Ang lamig ng paligid
Parang nakikisabay sa malungkot Kong nararamdaman ngayon
Hindi ko namalayan na unti unti na palang pumapatak muli ang mga luha ko sa pisnge ko at muli Kong naaalala ang mga sinabi sakin kahapon ni Jungkook
"Hindi na kita mahal, Taehyung"
"Matagal ng nawala ang feelings ko sayo"
"Hindi na kita mahal Taehyung. Kaya please lang, lumayo kana sakin at palayain mo na ko"
"Makakalimutan mo din ako Taehyung. Ako na ang lalayo sayo para mabilis mo Kong makalimutan"
"Hindi na ako masaya sa relasyon natin. Pati narealize ko na baka hindi tayo ang para sa isa't isa. Baka pinagtagpo lang tayo pero hindi itinadhana"
Napapikit at tungo nalang ako dahil sa muling pag iyak at bigat na nararamdaman ko
Bakit Jungkook? BAKITTTT!
Napakuyumos nalang yung dalwa Kong kamao at umiyak na ng todo
Napatigil ako sa pag-iyak nung biglang tumunog ang cellphone ko
Pinunasan ko muna yung mukha ko na basang basa dahil sa luha at tsaka kinuha yung cellphone ko na nakapatong sa maliit na mesa sa tabi ko
Si Kuya natawag...
Agad Kong sinagot yung tawag ni Kuya at pinilit huwag ipahalata na naiyak ako
"H-hello?" ako.
"Taehyung, salamat at sinagot mo" tugon ni Kuya.
"Bat ka napatawag?"
"Pinapapunta ka dito ni Daddy. Gusto ka niyang maka usap"
Natigilan naman ako sa sinabi ni Kuya at nagtaka
Para saan at gusto niya Kong makausap?
"B-bakit daw?" tanong ko at narinig ko namang napabuntong-hininga si Kuya.