JUNGKOOK'S POV
"W-what are you doing here?!" gulat na tanong ko pero nagpatuloy lang si Taehyung sa pagpupunas ng buhok.
"Akala ko ba alam mo?" taka niyang tanong kaya mas lalo akong nagtaka.
"Ha? Anong alam ko?"
Napailing nalang si Taehyung at tsaka kinuha yung damit niya na nakalagay pala sa isa sa mga upuan dito sa kwarto ko
Grabe di ko yun napansin
"Pinuntahan ko silang Lima at isa lang ang sinasabi nila sakin 'bawal, dun ka sa room ni jungkook maligo' " panggagaya pa ni Taehyung sa boses nung lima kaya medyo napangisi ako.
Namimiss ko tong ganto kami. Nagtatawanan at nag uusap ng masaya
Pero alam kong once na lumabas na siya dito sa kwarto ko, back to normal na naman. Walang pansinan
"Lumabas si Suga sa kwarto niya nung pumasok ako at sinabing ipapaalam niya daw ako sayo tas nung pagbalik niya sinabi niya saking pumayag ka daw at lalabas ka ng kwarto para makaligo ako" paliwanag pa ni Taehyung at tsaka pumasok ulit ng banyo para magbihis.
Hindi naman sakin nagpaalam si Suga ah? Tss. Pinagtutulungan talaga nila kami ni Taehyung
Siguro isa to sa mga plano nila para magkaayos kami ni Taehyung. Sige sasakyan ko na
"Sakto naman nung paglabas ko sa kwarto ni Suga e kakalabas mo lang ng kwarto mo kaya naniwala na Kong nagkausap nga kayo ni Suga" biglang sambit ni Taehyung na kakalabas lang pala ng banyo.
Bilis naman HAHAHAHA
Tinitigan ko siya at ang cute nung suot niya!
"So nagjoke lang pala si Suga na pumayag ka na dito ako maligo?" biglang tanong ni Taehyung kaya bumalik ako sa wisyo.
Napatitig kasi ako sa suot niya ang cute e pero mas cute yung may suot ;)
"Ah... A-hm..."
Ano ba! Bat nauutal ako
Makikisakay na nga lang ako sa plano nila para di naman maisip ni Taehyung na ayaw ko siyang paliguin dito
"A-ahm... Hindi ah! Totoo yun nakausap ko talaga si Suga. Medyo nagulat lang ako kasi lumabas ka ng banyo ng nakatopless tas nakatapis lang yung manipis na tuwalya sa baba mo" nakangiting sabi ko at tumango tango nalang si Taehyung at tsaka umiwas sakin ng tingin.
"Thank you sa pagpapagamit sakin ng banyo" mahinang sabi niya at tsaka na naglakad palabas ng kwarto ko.
"Your welcome!" Sigaw ko bago niya isara yung pinto.
Napahiga nalang ulit ako sa kama ko at tsaka bumuntong-hininga
"Hays... Kala ko dito na kami magkaka ayos ni Tae pero hindi pa pala" malungkot na sabi ko at tsaka na ipinikit ang mga mata ko.
Bigla Kong naimulat yung mata ko nung may tumamang liwanag sa mukha ko
Agad Kong kinapa ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko para tingnan ang oras
8:35am
Hindi ko namalayan na nagdire diretso na pala yung tulog ko kagabe. Di tuloy ako nakakain ng gabihan
Nakasimangot na bumangon ako at tsaka lumabas ng kwarto ko, nagugutom ako e wala man lang gumising sakin
Nadatnan Kong nasa kusina na sila Jin at Jimin habang nakaupo sa upuan at naghihintay ng makakain
Nagluluto naman si Suga at Jhope habang si Namjoon ay naghahanda ng mga Plato
Wow naghihintay lang ng makakain tong dalwa tsk
"Goodmorning JeyongJongkok!" pang-aasar sakin ni Jimin at sinamaan ko nalang siya ng tingin at tsaka naupo sa tabi niya.
"Goodmorning sa inyong lahat" matamlay na bati ko.
"Anong problema mo? Bat ang tamlay mo?" tanong ni Jin.
"Gutom na kasi ako e, hindi ako nakapag gabihan kagabe at WALA MAN LANG GUMISING SAKIN!" Pagpaparinig ko sa kanila at nag ngisian lang sila.
"Masarap naman yung tulog mo wag ka ng magreklamo dyan" sambit naman ni Jimin.
Nagpalingon Lingon pa ko dahil hinahanap ng mga mata ko si Taehyung pero di ko siya makita
"Si Taehyung ba hanap mo?" Napatingin naman ako Kay Namjoon nung magsalita siya at umupo sa tabi ni Jin na nasa tapat namin ni Jimin.
"Ahm... Oo, nasan siya?" mahinang tanong ko.
"Nasa kwarto nagpapalit ng damit, siya kasi ang nag grocery ng makakain natin ngayon" sagot ni Joonie at nagpatango tango ako.
Maya maya lang ay may pabagsak na nagsara ng pinto galing sa taas kaya medyo nagulat kami
"AYAN NA PABABA NA ANG HINAHANAP MO JUNGKOOK!" sigaw pa ni Jin at nilakihan ko naman siya ng mata.
Maya Maya nga lang ay bumaba na si Taehyung ng hagdan at tsaka nagpunta sa kusina. Napatingin ako dun sa kulay red na paper bag na hawak niya
"Ano yang dala mo Tae?" tanong ni Suga na kakatapos lang magluto at inilapag ang mga niluto nila sa lamesa.
"Banana milk" sagot ni Taehyung kaya bigla akong Napatingin sa kanya na Nakatingin na din pala sakin.
Lah?
"Para sakin ba yan?" Nakangiting tanong ni Jhope na umupo sa tabi ni Namjoon at katabi si Suga.
So ayon makakatabi ko ulit si Taehyung kasi iisang upuan nalang ang bakante at ayun yung katabi Kong upuan
"Tinatamad akong inumin kaya ibibigay ko nalang kay---- sa inyo" pag iiba ni Taehyung sa sasabihin niya at tsaka inilapag yung red na paper bag sa harap ko. Oo sa harap ko! At tsaka na umupo sa tabi ko.
"Uyyyyy! Kukuha na ko!" Sigaw ni Jhope at akmang kukuha na pero tinabig ni RM yung kamay niya.
"Ano kaba Jhope hindi tayo nainom nan" si Joonie.
"H-ha?"
Pinaglakihan siya ni RM ng mata at nagets naman niya yung gustong iparating ni Joonie kaya napanguso nalang siya
"Sayo nalang lahat Jungkook, ikaw naman ang mahilig dyan e" si Jimin.
"Kaya nga!" Si Jin.
"A... Sure kayo?" ako.
"Oo!" sabay sabay nilang sagot maliban Kay Tae.
"Ah sige" nahihiyang kinuha ko yung paper bag at tsaka inilagay sa ilalim ng lamesa sa tapat ko.
"Mag pray na tayo" sambit ni Suga at nagdasal na nga kami.
"Let's eat!" si Jimin.
Pagkatapos naming kumain ay nagliguan at bihisan na kami dahil may pupuntahan na naman kaming fanmeeting
FANMEETING --> FULL OF TAEKOOK SWEET MOMENTS.
THANK YOU SA MGA NAGVOVOTE SA STORY KO AT SA NAGBABASA AND COMMENT. I APPRECIATE IT :')