CHAPTER 101

192 15 1
                                    

JUNGKOOK'S POV

Nandito na kami ngayon sa lugar kung saan kami iinterviewhin. Hindi pa nagsisimula ang show kaya nagkukulitan muna yung mga kaibigan ko sa mga upuan kung San kami nakaupo habang kami naman ni Taehyung ay tahimik lang

Hindi kami magkatabi ngayon dahil nasa pinakagitna ako nakaupo at siya naman ay nasa dulo habang katabi si Jhope

"Huy Jeykey!" medyo nagitla naman ako nung biglang may tumawag sakin mula sa kaliwang gilid ko kaya agad Kong nilingon kung sino yun at si Jimin pala.

"Ang tahimik mo ah! May problema ba?" tanong ni Jimin pero umiling lang ako.

"Ah w-wala ah. Wala lang ako sa mood para magsalita" sagot ko pero mukhang hindi ko naman na kumbinse si Jimin.

"Cheer up! Hindi na kita pipilitin kung ayaw mong sabihin yung problema mo kung bat ka ganyan pero lagi mong tandaan na. We're here to cheering you up" pagpapagaan ng loob na sabi sakin ni Jimin at nginitian ko naman siya.

"Thank you so much" sambit ko at nginitian niya nalang din ako.

"Bakit kaya may sugat sa labi si Taehyung?" rinig Kong tanong ni Jin Kay Suga na nasa tabi ko ngayon kaya Napatingin ako sa kanila.

"Nadapa lang daw siya sa sahig at nauna yung mukha niya kaya daw pumutok yung labi niya" sagot ni Suga.

"Ha? Pano?"

"Ewan ko" napakibit balikat naman si Suga. "Ayun yung sinabi niya sakin nung tanungin ko siya kanina nung makita ko nga yung sugat niya sa labi"

Napatango tango naman si Jin at biglang napunta sakin yung paningin niya dahilan para matigilan ako

Alam Kong tatanungin nila ko about dun sa putok na labi ni Taehyung

Kung hindi man sinabi ni Tae ang totoo edi hindi ko na din muna sasabihin ang totoo sa kanila dahil baka ayaw ni Tae na malaman nila ang totoo

"Eh ikaw Jungkook?" sambit ni Jin at nanlaki naman yung mga mata ko.

Napatingin na din sakin si Suga

"H-ha? Anong ako?" kinakabahang tanong ko.

"For sure alam mo ang dahilan kung bakit putok ang labi ni Taehyung dahil boyfriend ka niya at ikaw dapat ang unang nakakaalam ng mga nangyayari sa kanya" si Jin.

"Yes. So ano nga bang nangyari? Ang sabi kasi sakin ni Taehyung ay nadapa lang daw siya. Is it true?" Tanong naman ni Suga at napalunok nalang ako ng dalwang beses.

Anong ipapalusot ko? Sasabihin ko ba na nadapa lang si Taehyung?

Pero kaibigan sila ni Taehyung kaya may karapatan silang malaman ang totoo

But--- kung hindi sinabi ni Tae ang totoo nung nagka usap sila ni Suga edi ayaw niya ngang sabihin ang totoong nangyari

Napabuntong-hininga naman ako ng malalim bago magsalita

"A-ah oo! Nadapa lang siya" sagot ko at mukha namang nakumbinse ko sila Jin at Suga dahil napatango tango sila.

"Hanggang ngayon pala ay lampa pa din ang ating kaibigan" natatawang sabi ni Jin at nagtawanan sila ni Yoongi.

"May boyfriend na't lahat. Nadadapa pa din Hayst!"

At nagtawanan sila ng malakas at ngumiti nalang ako ng pilit

Sana nga ay nadapa nalang si Taehyung para hindi naman masyadong masakit ang nararamdaman niya ngayon

May sugat na nga siya. Para ding tinutusok ng karayom ang puso niya dahil sa sakit na nararamdaman niya nung itakwil siya ng Daddy niya

BOY IN LUV (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon