FRIENDSHIP OVER?
JIMIN'S POV
"Sige na maupo na kayong dalwa" sambit ni Mommy pero hindi pa din kami umupo ni Jk.
Magkatitigan lang kami ngayon habang hindi makapaniwala sa mga nangyayari
Siya ang anak ng lalaking umagaw sa mommy ko kaya nasira ang pamilya namin!
"Jungkook at Jimin, okay lang ba kayo?" tanong ni JungHyun kaya bumalik ako sa wisyo.
Hindi ko na siya sinagot at labag sa loob na umupo nalang ako sa tabi ni Mommy
Gusto ko ng umuwi pero hindi ko magawa nanginginig lahat ng katawan ko
Bakit ikaw pa Jungkook?
"Umorder na tayo" tinawag na nila mommy ang waiter na lumapit naman agad.
"Anong gusto niyong orderin?"
"Wala Kong gana" may diin na sagot ni Jungkook Kay Mommy habang seryoso ng Nakatingin sakin ngayon.
"A-ah okay. Ikaw ba Jimin? Anong----"
Hindi ko na pinatapos si Mommy sa pagsasalita dahil agad na Kong nagsalita
"Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin. Ang dami niyo pang satsat!" galit na sambit ko dahilan para matigilan sila.
Ewan ko pero nagagalit ako ngayon
Nagagalit ako dahil bakit kailangan pa tong mangyari?
Bakit kailangan pa naming malaman ni Jungkook na ang mga magulang pala namin ang dahilan para masira ang kanya kanya naming pamilya
Sana hindi nalang ako sumipot
"Ahm... Okay, calm down" si JungHyun.
Umiwas na ko ng tingin kay Jungkook at tumingin nalang sa kawalan
Ayokong makipagtitigan pa kay Jungkook dahil nanghihina ako
Hindi ko alam kung anong mangyayari samin pagkatapos ng mga pangyayaring to
Nakita ko namang masayang naghawak-kamay sila Mom at JungHyun at tsaka nagsalita
"Buntis si Jimeya. Kaya magkakaroon na kayo ng bagong kapatid" Sambit ni JungHyun.
So what?
"Ayan lang pala ang sasabihin niyo? Pinapunta niyo pa ko dito? So nonsense" inis na sambit ko at tsaka hinampas yung lamesa ng malakas dahil para mapatingin na samin yung lahat ng tao dito.
"Jimin, wag ka ngang ganyan!" suway sakin ni Mommy at napangisi nalang ako.
"Busy akong tao, tas pinapunta mo ko dito sa Restaurant na to dahil lang sa walang kwentang sasabihin niyo na magkakababy na kayo? So what?!" sigaw ko at tsaka padabog na tumayo.
Wala Kong pake kung tingnan na kami ng mga tao dito. Gusto ko lang ilabas na ang mga sama ng loob ko
Ang hirap ng kimkimin e
Napatayo na din sila Mommy at JungHyun maliban kay Jungkook na nakayuko lang habang naka upo
"Jimin, kumalma ka" Sambit ni JungHyun.
"Bat niyo ba kami pinapunta dito? Tas sasabihin niyo samin na magkaka anak na kayo? Anong gusto niyong ipa mukha samin?!" sigaw ko at tuluyan ng bumagsak ang luha ko.
Akmang lalapit na sakin si Mom na naiyak na din pero sinenyasan ko siya na huwag lalapit at ginawa niya naman
"Wala kaming gustong ipamukha sa inyo. Ang gusto lang namin ay malaman niyo na magkakaroon na kayo ng kapatid at sana tanggapin niyo siya" sambit ni Mommy.