CHAPTER 87

241 15 1
                                    

JUNGKOOK'S POV

Magkatitigan pa din kami ngayon ni Taehyung habang yung Lima naming kaibigan ay todo tili at asar

"A-ahm... Akala ko ba umuwi kana?" takang tanong ko at inilapag muna ni Taehyung sa mesa ang cake at tsaka nakangiting tumingin ulit sakin.

"Hmm... May binulong kasi sakin ang hangin na Birthday mo daw hehe" Biro pa ni Taehyung at natawa naman ako.

"Sus! Apakasweet niyo na naman!" Biro din ni Suga at nakita ko namang siniko siya ni Jimin kaya masamang nagtinginan sila.

"Happy Birthday my Googie! I miss you too" sambit ni Taehyung at uminit na naman yung pisnge ko.

Kainis! Kinikilig ako

"Thank you, akala ko nakalimutan mo na e" malungkot na sabi ko.

"Si Taehyung ang nagpaalala samin na Birthday mo ngayon" sabat ni Suga.

"Kaya nga! Kaya nakapaghanda pa kami haha. Kahapon niya pa sinabi" sang-ayon ni Jin.

Napatingin naman ako Kay Taehyung at agad ko siyang niyakap ng mahigpit!

"Aaaaaa wiwot! Bati na sila!" si Jhope.

"Happy Birthday Jungkook!" si Namjoon.

"Narinig ko lahat ng wish mo" bulong ni Taehyung sa tenga ko.

"Ah hahaha nakakahiya! Kala ko naman kasi e umuwi kana kaya sinabi ko yun ng malakas" sagot ko.

"Hayaan mo na! Napasaya mo naman ako dahil nalaman ko na namimiss mo pala ko nung mga panahong hindi tayo nagpapansinan"

"Eh ako ba namiss mo?"

"Namimiss kita bawat araw na lumilipas na hindi tayo nagkakasama at nag iimikan man lang"

"Sus hahaha"

"Oh tama na yang yakap niyo! May bukas pa!" sigaw ni Jimin.

Natatawang naghiwalay naman kami ni Taehyung mula sa pagkakayakap namin

"Guys, gusto daw pala kayong imbitahan ni Mommy sa bahay namin ngayon para icelebrate yung birthday ko" masayang sabi ko at nanlalaki naman ang mga mata nilang tumingin sakin.

"Jinja?" si Jin at tumango naman ako.

"Yun oh! Sige ubusin muna natin tong cake tas punta na tayo kela Jungkook haha" sambit ni Suga at nagkuhanan na nga kami ng Cake.

"Susubuan nalang kita" bulong ni Taehyung at nanlaki naman yung mga mata ko.

"Ah eh... Huwag na, a----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Taehyung pagkatapos sumandok ng cake.

"Susubuan kita sa ayaw at sa gusto mo. Kaya pumayag kana" sambit niya at wala na Kong gumawa kundi pumayag.

"Okay fine!"

Maya Maya lang ay ibinuka ko na ang bibig ko para subuan na ni Taehyung ng cake! Cake! Ah! Wag GM! HAHAHAHAHA

"aaaaaa" sambit pa ni taehyung at tsaka ko sinubuan.

"Ahem!" kunwaring ubo ng mga kaibigan namin kaya Napatingin kami sa kanila.

"Waeyo?" takang tanong ni Taehyung.

"Wala lang, sana ol may jowa!" sagot ni Suga at natawa nalang kami.

"Bilisan na nating kumain. Gusto ka ng makita ulit ni Mommy" bulong ko ulit Kay Taehyung at napangiti na naman siya.

NAMISS KO ANG MGA NGITING YAN :>

Habang nasa byahe kami sakay ng mga kanya kanya naming kotse ay nag uusap kami ni Taehyung sa headset ko na nakaconnect sa cellphone ko

Nakasunod silang lahat sakin papunta sa bahay namin

"Ang bagal mong magpaandar" angal pa ni Taehyung kaya natawa naman ako.

"Wala kang magagawa dahil sinusundan niyo lang ako" sagot ko.

"Alam ko naman yung bahay niyo kaya pwede na Kong mauna"

"Tss, bahala ka dyan"

"Lah galit na agad yung boyfriend ko"

"Tss, HAHAHAHA"

"By the way, sorry nga pala dun sa ginawa Ko sayo kaya tayo nagkatampuhan" biglang lumungkot ang Tono ng boses ni Taehyung kaya nag-alala ko.

"It's okay. Alam ko na ang dahilan kung bakit mo yun nagawa. Basta huwag mo ng uulitin" sagot ko at alam Kong magtataka si Taehyung kung pano ko nalaman ang dahilan niya.

"Ha? Pano mo nalaman?"

Sabi na e HAHAHAHA

"Secret basta kalimutan na natin yun. Ang mahalaga nagkaayos na tayo"

"Hahaha okay"

Maya maya lang ay nakarating na kami sa may bahay namin at sinalubong naman kami ni Jen

"Awieeee nandito na sila. Sige tuloy kayo!" masayang sabi ni Jen at pinagbuksan kami ng gate, tumabi naman ako Kay Jen at pinatuloy ang mga kaibigan ko sa bahay.

"Uy! Si Jen! Yung ex mo haha" rinig Kong Biro ni Suga Kay Taehyung nung dumaan sila sa harap ko at nagtawanan pa sila.

Nalungkot naman ako sa narinig ko at pilit nalang na ngumiti Kay Jen at inaya na siya papasok ng bahay












BOY IN LUV (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon