JUNGKOOK'S POV
Nagpophoto shoot kami ngayon sa loob ng bighit building para sa susunod na concept ng kanta namin
By partner ang pagpipicture sa una
Magkapartner ang NamJin, Yoonminseok at kami ni Taehyung
Hindi pa din kasi kami nagpapansinan at nagkakahiyaan pa kami kaya medyo awkward mamaya yung photoshoot naming dalawa
"Okay next, Tae and Kook!" tawag samin nung photographer at lumapit naman kami agad.
Pagpunta namin sa unahan ni Taehyung ay malayo kami sa isa't isa at naghihintay ng instruction ng photographer
"Magdikit kayong dalwa" utos nung photographer at sinunod naman namin siya.
Pero hindi pa naman kami masyadong magkalapit namin ni Taehyung. Medyo 1 meter pa yung pagitan namin
"Lapit pa! Yung magdidikit yung mga braso niyo!" utos ulit nung photographer at napabuntong-hininga nalang ako ng malalim at ako na ang kusang nagdikit ng sarili ko Kay Taehyung.
Naramdaman ko namang nagitla siya dahil sa biglaang pagdikit ko
Napatingin naman ako sa mga kaibigan namin na ngayo'y tinitingnan kami ng nakakaasar na tingin
—_—
"Then next! Taehyung!" tawag nung photographer.
"Yes po?" tanong ni Taehyung.
At sinenyasan naman nung photographer na akbayan daw ako ni Taehyung? Ey naman.
"Aakbayan ko si gguk?" takang tanong ni Taehyung.
"Yap! Tapos magtinginan kayo tas kunwaring natatawa kayo" dagdag pa nung photographer at wala kaming nagawa kundi sundin siya.
Naramdaman ko naman na dahan dahan akong inaakbayan ni Taehyung kaya dahan dahan ko na din siyang tinitingnan
At nung magtama ang paningin naming dalawa ay parehas nanlaki ang mga mata namin
Shongina nakakailang!
Gusto ko mang iiwas sa kanya yung paningin ko pero baka malaman ng mga staff dito na may something samin ni Taehyung
Ngayon ko nalang ulit natitigan ng malapitan ang mukha ni Taehyung. Simula kasi nung nag-away kami e wala na talagang pansinan
"AyiEeeeeee" rinig Kong pang-aasar samin nung mga kaibigan namin sa gilid kaya mas lalo Kong nailang.
Punyemas naman oh!
Tinitigan namin ni Taehyung ng maigi ang isa't isa at tsaka ngumiti na parang tawang tawa
"Okay! Perfect!" Sambit nung photographer at tuluyan na kaming pinicturan ni Taehyung.
"Okay next pose!"
Humiwalay kami ni Tae sa isa't isa nung banggitin yun nung photographer
Woooooooh! May next pose pa! Hayst.
Sana kayanin ko pa no
"Jungkook!" tawag naman sakin nung photographer at napatingin agad ako sa kanya.
Grabe tong photographer na to! Tatawagin palang yung name mo parang may masama nang mangyayari e! Hahahahahaha
"Pumunta ka sa likod ni Taehyung" agad ko namang sinunod yung utos nung photographer.
"Ikaw naman Taehyung. Umupo ka sa chair dyan sa harap ni Jungkook"
Nung magawa na namin ni Taehyung yung mga inutos nung photographer ay pinagpost niya na ko ng dalwang peace sign sa kamay habang nakatapat yun sa dalwang tenga ni Taehyung at tsaka kami pinicturan
Buti walang kakaba kaba tong last shot namin huhuhuhu
Pagkatapos ng photoshoot namin ay agad na kaming nagsiuwian para magpahinga na dahil maaga pa ulit ang bangon namin bukas para magpractice ulit ng kanta at sayaw para sa next song namin
By the way, Marami ng fans ang nanood ng 'No More Dream MV' namin. Keep streaming ♥
~Lumipas pa ang maraming araw at marami ng nangyari samin~
Nagkaroon na kami ng first concert namin sa Korea at bilang palang ang taong pumunta pero it's okay atleast kahit papaano ay may nakaka appreciate pa din samin
Nagkaroon na din kami ng fan meeting kung saan maraming fans na ang dumadalo habang tumatagal
May mga nagshiship na din sa kanila samin ni Taehyung at sa Namjin, Sope at Yoonmin
Oh boys!
Habang tumatagal ay dumadami na ang mga 'ARMY' fans namin at sobra nila kaming napapasaya
Sa pagdami ng kanta namin ay siyang pagdami din ng mga fans namin
At matatawag ko na itong BTS JOURNEY IN KPOP INDUSTRY IS NOW STARTING.....
Bigla Kong naalala habang nasa fanmeeting event kami with our fans ay bukas na ang Birthday ko.
Hindi ko muna ipapaalala sa mga ka BTS Members Ko na Birthday ko bukas dahil kung mahalaga ako sa kanila. Sila mismo ang makakaalala hehe
Lalo na si Taehyung. Kahit magkatampuhan pa din kami ay maaalala niya yun dahil mahalagang araw ko yun e :>
Sana nga maalala niya