JUNGKOOK'S POV
Ngayon yung araw na sa Bighit Ent na kami titira habang nasa Kpop Industry pa kami kaya sobrang namimiss ko sila Jen at Mommy
"Kuya, dadalaw ka minsan dito ah" malungkot na sabi ni Jen at tsaka ko niyakap.
"Oo naman" sagot ko at tsaka ko sila niyakap na dalawa ni Mommy.
"Mag-iingat ka, sige na ihahatid kana namin" malungkot na sabi ni Mommy kaya niyakap ko ulit siya.
"Dadalaw ako dito mommy kasama si Taehyung, promise"
"Hmmm"
Hinatid na ko nila Jen at Mommy sa may gate at tsaka ko na muna inilagay yung mga gamit ko sa likod ng kotse ko at kumaway na ko kela Mommy bilang paalam
Pagdating ko sa Bighit Ent ay kakadating lang din ng mga kaibigan ko kaya inintay ko na sila
Nakita ko naman na inihatid si Jhope ng kapatid niyang babae at si Taehyung naman ay inihatid din ng Daddy niya
Sana lang talaga kasama ko pa ngayon si Daddy :<
"Oh Jungkook. Tara na sa taas, excited na ko haha" masayang sabi ni Jimin at nginitian ko naman siya.
"Let's go" sambit ko at tsaka na kami sabay naglakad ni Jimin papasok sa Bighit Building.
Pagdating namin sa practice room namin ay may mga staff na sa loob kaya agad kaming nagbow
"Annyoeng" bati namin ni Jimin sa kanila at binati din naman nila kami.
Kasunod na naming pumasok ng pinto sila Jhope, Jin at Namjoon. At si Suga at Taehyung naman ang pang huli
Nung makumpleto na kami lahat ay pumasok na si Bang Pd-nim dito sa loob at tsaka nakipag usap ulit samin
"So ngayon kumpleto na kayo. Gusto ko lang sabihin na, by partner ang kwarto dito kaya pumili na ko ng mga magkakasama sa bawat rooms" paliwanag pa ni Bang Pd.
Ows by partner hshshs
Napatingin naman ako Kay Taehyung na nakikinig sa bawat sinasabi ni Bang Pd.
"So eto yung magkakapartner. 1st Room ay sina RM, Jin at Hoseok"
At masayang nag apiran naman sila Jin, Joon at Jhope
"Yown!" Nakangiting sabi ni Jhope.
"2nd room ay sina V at Suga at 3rd room sila Jungkook at Jimin" sambit ni Bang PD.
Nalungkot naman ako bigla na hindi kami ang magkapartner ni Taehyung sa Room
"Yes! Magkasama tayo!" masayang sabi ni Jimin at ngumiti din ako.
Happy din naman ako dahil yung best friend ko ang partner ko! So wala na Kong dapat ikalungkot
Tumingin naman ako Kay Taehyung na ngayo'y masaya ding umapir Kay Suga
"Sayang naman!" biglang sambit ni Jin kaya Napatingin lahat kami sa kanya.
Alam Kong kami ni Taehyung at ang Yoonmin ang pinaringgan niya HAHAHAHA!
"OKAY Sige na ihatid niyo na sila sa mga kwarto nila" Utos ni Bang PD sa mga staffs na agad namang sumunod.
Inihatid na kami nung naka assign saming staff sa kwarto namin ni Jimin
"Ayan na yung kwarto niyo" sabi nung staff at iniwan na kami.
Nagkatinginan naman kami ni Jimin at tsaka sabay na napangiti dahil na eexcite na kaming makita yung itsura ng kwarto