CHAPTER 116

221 17 1
                                    

JUNGKOOK'S POV

'My eyes are always on you, I love you'

Napatalon nalang ako sa kama ko at nagpagulong gulong sa kilig.

Hindi ko akalaing sasabihin yun ni Taehyung sa harap ng maraming tao tas sinabi niya pang nagseselos siya kapag sweet ako sa iba

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaah!" sigaw ko at tsaka ulit gumulong sa kama.

Kakauwi lang namin galing FanMeeting at syempre dahil sa sinabi kanina ni Taehyung, inasar na kami ng mga kaibigan namin sa Van

*TOK *TOK *TOK

Napatigil ako sa paggulong sa kama ko nung biglang may kumatok sa pinto

"Sino yan?" sigaw ko pero walang sumagot kaya napilitan na Kong bumangon at buksan yung pinto.

Nanlaki yung mata ko nung bumungad sakin si Taehyung

"T-taehyung" sambit ko.

"Magbihis ka"

"Ha? Bakit?"

"Magdedate tayo"

Natigilan ako sa sinabi niya pero agad ko naman siyang sinunod

Naghintay lang siya sa labas ng kwarto ko habang nagbibihis ako

Magdedate daw kami? So it means. Napatawad na niya ko?! Lah T_T

Pagkatapos Kong magbihis ay lumabas na ko ng kwarto ko at naglakad na kami ni Taehyung palabas ng BigHit Building

Sa Kotse ni Tae kami sumakay

Wala kaming imikan buong biyahe. Gusto ko man siyang kausapin pero nahihiya ako dahil hindi ako sure kung galit pa din ba siya sakin

Nakatanaw nalang ako ngayon sa bintana ng kotse niya at hindi ko alam kung saan kami ngayon pupunta

"Nagugutom kaba?" biglang tanong ni Taehyung kaya Napatingin ako sa kanya.

"Ahm... Medyo" sagot ko at tumango naman siya.

Okay tahimik ulit

Awkward naman nito

Maya Maya lang ay tinigil ni Taehyung ang kotse niya sa isang sikat na Restaurant dito sa Korea

Bumaba na si Taehyung ng kotse pero akmang bubuksan ko na yung pinto ng kotse pero si Taehyung na ang nagbukas nun

Wew gentleman

"Let's go" sambit niya ulit at tsaka na nagpama unang maglakad.

Pagkapasok namin sa restaurant ay umupo kami ni Taehyung sa may bandang gitna nito at agad namang lumapit samin yung waiter at binigyan kami ng Menu

"Anong order mo Jk?" tanong ni Tae at namili naman ako ng mga masasarap na pagkain na nasa menu.

"Ahm... Tig iisang Tteokboki, Budae chigae at Gimbab" sambit ko at tsaka ibinigay dun sa waiter ang menu at nilista niya naman yung order ko sa isang papel.

"Takaw" Napatingin ako Kay Taehyung nung sabihin niya yun at nilakihan ko siya ng mata habang siya naman e nakangisi.

"Gutom ako e" nakangusong sabi ko.

"Sayo sir, anong order niyo?" Tanong naman nung waiter Kay Tae.

"Kung anong inorder ng boyfriend ko, ayun na din ang order ko" sagot ni Taehyung na nagpatigil samin.

BOY IN LUV (SEASON 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon