TAEHYUNG'S POV
KRING... KRING... KRING...
Bigla akong nagising dahil sa sobrang lakas ng tunog ng alarm clock ko! Grabe inaantok pa ko e
Inis na pinatay ko na yung alarm clock ko at bumangon tsaka na nagtungo sa banyo para magtoothbrush at maghilamos
Nandito na ko ngayon sa sofa. Para na rin kasing bahay tong BigHit Ent. Kumpleto sa gamit
Naabutan Kong nanonood ng TV sila Jimin at Jhope, siguro tulog pa yung iba
Hmm... Siguro tulog pa si Jungkook, gisingin ko kaya siya? Ayts wag nalang baka magalit HAHAHA
Umupo na ko sa tabi nila Jimin at Jhope at tsaka na din nakinood ng anime na pinapanood nila
"Oh Taehyung, gising kana pala" sambit ni Jhope.
"Kanina pa haha" sagot ko pero sa TV Nakatingin.
"Nakita naming umalis kanina si Jungkook" sambit ni Jimin at nanlaki naman yung mga mata ko at dahan dahan akong nilingon siya.
"Ano?! Umalis si Jungkook?" gulat na tanong ko at tumango naman si Jimin.
At saan naman yun pupunta? Wala naman siyang nabanggit kahapon sakin na aalis siya ngayon
"Don't worry Taehyung, baka dadalaw lang si Jungkook sa bahay nila" si Jhope habang tinatapik tapik yung likod ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag at nagpatuloy na ulit sa panonood
Baka nga... Pero dapat sinama niya ko
Hayst!
Tanghali na at nakain na kami ngayong anim pero wala pa din si Jungkook
"Ahm... Guys, lalabas muna ko at magpapahangin" pamamaalam ko at tiningnan naman nila ko ng nagtatakang mukha.
"Ha? Mamaya na. Kumain kana muna" si Jin.
"Nakakain na naman ako ng kahit kunti, mamaya nalang ulit ako Kakain"
"Sige, tirhan kana lang namin" si Suga.
Tinanguan ko nalang sila at tsaka na ko lumabas ng BigHit Building para sundan si Jungkook sa bahay nila
Ewan ko ba. Tuwing maaalis sa paningin ko si Jungkook e grabe na yung kaba ko at hindi na ko mapakali
Pasakay na sana ko ng kotse ko nung biglang may tumigil na kotse sa harapan ko at kotse yun ni Jungkook!
Napangiti naman ako nung lumabas na siya sa kotse niya at Napatingin siya sakin
"San kaba----" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nung makita ko ang pugto niyang mga mata na halatang umiyak ng sobra at namumula din yung kanang pisnge niya.
Shit! What happened to him?!!
Agad Kong nilapitan si Jungkook ang hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge at tiningnan siya ng nag-aalalang tingin
"Anong nangyari?! Bakit pugto yang mga mata mo?" Sunod sunod na tanong ko at nagulat ako nung tanggalin ni Jungkook yung dalwang palad ko na nakadikit sa pisnge niya at lumayo siya sakin.
"Wala to." Maikli niyang sagot pero hindi sakin Nakatingin kundi sa kotse niya.
"Anong wala?!! Eh pugto yang mata mo! Halatang umiyak ka! Sinong nagpa iyak sayo?!!" sigaw ko dahilan para mapatingin sakin si Jungkook.
"Wala nga, bat ba ang kulit mo?!" sigaw niya din dahilan para matigilan ako at iniiwas na agad ni Jk ang paningin niya sakin.
Nagulat ako nung bigla niya Kong sigawan
Ngayon niya lang ginawa sakin yun. Anong nangyayari sa kanya?
May ginawa ba Kong masama? Ang saya saya naman namin kahapon. Pero bat ngayon? Para siyang galit.
"Sorry" mahinang sambit ni Jk at nginitian ko naman siya ng pilit.
"O-okay lang." Sagot ko at namutawi ang katahimikan saming dalwa ng mga ilang minuto.
"Nag-aalala ko kasi pugto ang mata mo. Ano bang nangyari?" pagbabasag ko sa katahimikan.
"Tara na sa loob" sambit ni Jk at akmang lalakad na pero hinawakan ko agad siya sa braso dahilan para mapatigil siya.
"Ano bang problema? May nagawa ba Kong Mali? Pero ang saya saya naman natin kahapon. Bat ka nagkakaganito ngayon?" Hindi na ko mapakali ngayon sa kinatatayuan ko dahil nag-aalala na talaga ko Kay Jk.
"Pati sinong sumampal sayo? Bat namumula yang kanan mong pisnge?!" Inis na tanong ko pero hindi niya ko sinasagot.
"Ano ba! Sumagot ka naman!" inis na talagang sabi ko kasi wala siyang kibo at hindi sinasagot ang mga tanong ko.
Maya Maya lang ay narinig Kong humihikbi na siya dahilan para iharap ko siya sakin at kitang kita ko ang pagdaloy ng mga luha niya sa pisnge niya ng tuloy tuloy
Ang sakit na makita siyang umiiyak
Bakit ba siya nagkakaganito?
Agad Kong niyakap si Jungkook at hinagod ang likod niya para patahanin siya
"Hindi ko alam kung bat ka nagkakaganito ngayon pero yayakapin muna kita hanggang sa mabawasan ang bigat na nararamdaman mo at tsaka ka sakin magkwento" sambit ko at hinayaang umiyak si Jk habang yakap ko siya.
Mga ilang oras ding umiyak si Jungkook at Maya Maya lang ay siya ang kusang kumalas mula sa pagkakayakap ko sa kanya at pinunasan ang basa niyang mukha dahil sa pag iyak niya gamit ang panyo niya
"Tell me. What happened?" mahinahong tanong ko pero hindi pa din ako sinasagot ni Jk.
Bat ba ayaw niyang sumagot. Sobrang nag aalala na ko dito oh
"Galing kaba talaga sa bahay niyo? Pinagalitan kaba ng mommy mo?" tanong ko ulit at dahan dahan ng tumingin sakin si Jk.
Sobrang pugto na ng mata niya dahilan para mas lalo akong masaktan
"Hindi na kita mahal, Taehyung" sambit ni Jk na nagpaguho sa mundo ko.
Natulala na ko sa kinatatayuan ko at parang paulit ulit na tinutusok ng karayom ang puso ko sa sobrang sakit
Nag echo ng paulit ulit sa tenga ko ang sinabi ni Jungkook
"Hindi na kita mahal, Taehyung"
"Hindi na kita mahal, Taehyung"
"Hindi na kita mahal, Taehyung"