“No! Maawa ka sakin,” umiiyak na sabi ng kawawang babaeBakas sa ngiti ng lalaki ang kakaibang saya ng marinig niya ang palahaw ng babae. Slowly, the man walk to reach the girl. He smiled evily. Itinaas niya ang hawak na patalim at walang awang pinagsasaksak ang babae. Bumulwak ang napakaraming dugo. Halos hindi na makilala ang itsura ng babae. Durog durog na ang mukha nito. Halos hindi mo na din maaninag ang mata niya dahil pati ito ay durog na di-----
“ANO BA ELLA HINDI KA BA BABABA DIYAN!?”
Naputol ang panonood ko ng marinig ko ang sigaw ni Themarie. My step mother.
Halos mag-ngitngit ang ngipin ko sa inis. Hindi talaga siya pumapalya sa pang-iistorbo sa panonood ko ng movie. Kahit kailan talaga epal ka Themarie.
“ITO NA PO BABABA NA!”
Dali dali kong itinago ang mga pirated horror CD movie.
Tanging pag-irap nalang sa kawalan Ang nagawa ko ng marinig ko ang sunod sunod na pag-sigaw niya.
“Alam mo bang pagod kami!? maulan pa sa labas! Tapos ganito maaabutan namin!” tinabig niya ang kalderong walang laman
“Pasensiya na Them-- Tita Themarie. Nakatulog po kasi ako,”
Pinulot ko ang tinabig niyang kaldero. Kahit asar na asar na ako sa ngisi ng kambal ay pinilit ko pa ring maging maamong tupa sa harapan nila at simulang magluto kahit sa isip isip ko ay pinapatay ko na sila.
Kalma, yan ang kailangan ko ngayon. Malapit ko na rin naman na magawa ang mga plano ko. Ang kailangan ko nalang ay konting konti pang pasensiya.
Galing sila sa dog’s shop para bilhan ng magarang damit ang alaga nilang aso na si Mickey dahil bukas ay icecelebrate ang 18th birthday ni Anna at Driz. Ang kambal na anak ni Themarie.
Ibinalik ko nalang ulit ang tingin ko sa ginagawa at lihim na napangisi. Tingnan ko lang kung makangisi pa kayo sakin ng ganyan kapag natanggap niyo na ang ibibigay kong regalo. Gusto kong humalakhak sa kinatatayuan ko ngayon ngunit hindi ko magawa dahil baka lalo lang nila akong pag initan. Hindi pa ako pwedeng magpaka-sama dahil hindi ko pa nakukuha ang gusto ko. Mamaya nalang siguro ako hahalakhak kapag nasa kwarto na ako
May pagkakahawig ang kwento namin ni Cinderella. Pareho kaming namatayan na ng ama. I also have a evil step mother ang two evil step sisters but unlike Cinderella, my story is not a fantasy. Ang pinagkaiba namin ni Cinderella ay masyado siyang mahina at mabait. Kabaliktaran ko.
Matapos kong maluto ang lahat, hinanda ko na ang pagkain nila. Nag-tabi ako ng para sakin dahil gaya nga ng sinabi ko, hindi ako kasing tanga ni Cinderella. Hindi ako papayag na ubos ubusan lang ako ng pagkain na ako naman ang naghirap gumawa tss. Poor cinderella.
Habang hinahandaan ko sila ay panay ang ikot ng mata ng kambal sakin. Napahawak ako ng mahigpit sa kutsara’t tinidor na dala ko. Naglalaro sa isip ko kung gaano kaya kasarap na tuhugin ang mata nila gamit ang tinidor at kunin gamit kutsara hmmmm
“Ella!”
Aalis na sana ako para pumunta sa kwarto ko ng marinig ko ang nakakainis na boses niya. Sa sobrang sakit sa tenga, minsan kahit sa panaginip ko naririnig ko siya. Hindi ako makatulog, isa siyang bangungot. Gustong gusto ko ng dukutin ang dila niya at pagsasaksakin ang lalamunan niya, punyeta siya.
“ELLA! NAKIKINIG KABA?!”
Napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang sigaw niya “A-ah pasensiya na po Tita Themarie,” sabay kunwari yuko ko
BINABASA MO ANG
Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)
Horror"It doesn't suit to me to be a princess...or to be a damsel in distress. My profession is to kill, so why not to be a........ psychopath,"