Chapter 12

38 1 0
                                    

Wala akong ibang naramdaman kundi nag-uumapaw na saya. Ang mga palahaw nila at paghihinagpis ay nagmistulang musika sa pandinig ko. Gusto kong maiyak dahil sa wakas-- nakuha ko na ang hustisya na matagal ko ng hinahangad.

Kapwa tulala nalang sa kawalan si Lovely at ang bunso nitong kapatid, samantalang puro pag-ungol nalang ang tanging nagagawa ng naka-busal na si Jason at ang ngayoy wala ng dila na si Mariel.

“Gusto niyo bang waksan ko na ang paghihirap niyo?” nakangisi akong lumapit kay Jason at marahas na tinanggal ang busal niya.

“Please! I’m begging you! Tama na! Maawa ka samin. Nagmamakaawa ako sayo,” desperado niyang sabi “kahit ako nalang please! Wag na ang mga anak ko at asawa ko! Ako nalang! Ako nalang!”

“Okay sabi mo eh. Madali akong kausap,”

Nanlaki ang mata ni Mariel. Pilit siyang nag pupumiglas ngunit huli na siya. Gumulong na sa harapan nila ang ulo ng pinaka mamahal nilang padre de pamilya. Bumulwak ang malagkit na dugo niya sa sahig. Nagtalsikan pa ang ilan niyang laman sa mukha ko. Inis ko itong pinahid.

Lalo silang nag-iyakan dahil nasaksihan nila kung paano dilat na mawalan ng hininga ang ama nila.

“Hay. Putol na nga ang ulo sa baba, putol pa ulo sa taas,” napahagikgik ako

Nanlilisik ang mga mata ni Mariel na nakatingin sakin na parang gusto niya akong saktan na kinatawa ko. “Ano Mariel? Papatayin mo ko? See this? Ikaw ang dahilan kung bat nangyari ang lahat ng to!” idinuro ko ang ulo ni Jason

Lumapit ako sa kanya at walang pakundangang sinaksak ang mata niya. Sumama pa ang mata at konting laman niya pagka hugot ko kay Luci. Umagos ang dugo sa butas ng mata niya. Halos makita ko na ang utak niya.

“Hindi pa kita tuluyang bubulagin Mariel. Gusto kong saksihan mo kung paano ko patayin sa harap mo ang mga anak mo!”

Gigil kong sinabunutan si Lovely. “Ito ba Mariel! Ito ba!? Itong pinalit mo sakin? Ako na tunay na galing sayo pinabayaan mo pero itong dalawang to naalagaan at napalaki mo! Napag-aral pa!” hindi makapaniwala akong natawa “Kung binalikan mo lang sana ako. Hindi sana mangyayari to,”

Sinaksak ko ang bunbunan niya. Hindi pa ako nakuntento at sinaksak siya ng paulit ulit ng may halong gigil. Sumuka na siya ng dugo. Hindi rin nagtagal ay nangisay na siya. Halos mag kulay pula na ang dress na suot ko pati na rin ang gloves ko. Hindi ko na ang alintana ang dugo nilang malagkita na nakadikit sa balat ko.

Sunod ko namang nilapitan ay ang bunso nila. Hindi na ako nagpa-tumpik tumpik pa at ginilitan na siya sa leeg. Tumagas ang dugo. Kung noon ay ang paborito kong kulay ay violet, ngayon pula na. Ang sarap sa mata na makakita ng pula lalo na kung nanggagaling sa mga taong naging sanhi ng paghihirap ko.

Halos mabaliw na ang naghihinang si Mariel. Paulit-ulit siyang umiling ng umiling.

Ngunit sa huling pagkakataon ay niyakap ko siya. Napangiti ako ng mapait. Matagal ko ng gustong maranasang mayakap ng isang Ina. Kahit kailan sa buhay ko hindi ko pa naramdaman ang kahit kaninong bisig na yumakap sakin. Gustuhin ko man siyang mabuhay ngunit huli na ang lahat.

“Tapusin mo na siya Ella,”

“Wag ka ng umiyak Mariel dahil makakasama mo na rin sila,” ngumisi ako sa kanya.

Hinawakan ko siya sa balikat at sinaksak ng sinaksak sa sikmura ngunit bago siya tuluyang mawalan ng hininga ay nabasa ko ang huling katagang binigkas niya ng may lungkot na ngiti sa mga labi.

Nawala ang ngisi ko kasabay ng pag tulo ng butil ng luha sa mata ko.

“Patawarin mo si mama………anak,”

********

“Itinuturing na isang massacre ang nangyari sa buong pamilya ni Mayor Orillo. Nagtataka daw ang mga kapamilya nito kung bakit walang sumasagot sa loob ng bahay nito kaya naman ay tinawagan na nila si Mayor ng paulit -ulit, gayundin ang asawa at mga anak nito ngunit ang tanging pag riring lamang ang kanilang naririnig bagay na pinagtaka ng mga kaanak, kaya naman nagpasya na ang kapamilya na puntahan at pasukin na ang bahay at ganon nalang ang bigla sa naabutan. Karumal dumal umano ang sinapit ng pamilyang Orillo. Agad silang tumawag sa otoridad. Hanggang ngayon ay wala pa ring lead ang mga pulis kung sino ang salarin ngunit mayroon na silang primary suspect, isa lang ang nasisiguro nila sa ngayon, ayon sa CCTV footage ay isa umanong babae ang killer. Ang akala ng lahat ay patay na ang hinihinalang Cinderella psychopat ngunit nagkamali ang lahat. Napag alaman din na mayroong ugnayan ang biktimang si Mariel Orillo sa pamilyang Viex na naunang biktima ng Cinderella psychopath. Patuloy pa rin itong iniimbestigahan ng mga kapulisan----,”

Hindi ko na tinapos ang panonood ng TV at agad itong pinatay. Alam kong ako ang primary suspect nila kaya naman sinunong ko na ang lahat ng ebidensiya. Yung motor na ginamit ko naman ay itinago ko sa ilalim sa bodega kung saan naroroon ang secret door ko. Pansamantala ko namang inilibing si Luci para walang makakita sa kanya.

Prente lang akong nakaupo habang sumisimsim ng wine. Hindi mawala wala ang ngisi sa labi ko. Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Nawala ang mabigat na palagi kong dala dala sa dibdib.

For the first time in my life I feel at peace. Parang nabunutan ako ng napakalaking tinik, pero bat ganon? Masaya ako pero parang---parang Arrgh!

Is this guilt? O dahil lang sa huling salita na binitiwan ni Mariel? Aish!

“Dapat masaya lang ako. Tama! Dapat masaya lang,”

Tinungga ko na ang lahat ng laman ng baso ko at umakyat na sa kwarto ko. Nanghihinayang ako dahil nasunog ko ang pinakapaborito kong dress. Iyon lang ang tanging damit na pinaghirapan kong bilhin. Hay. Di bale, bibili nalang ako ulit.

Pinatay ko na ang ilaw at napagpasyahan ng matulog dahil bukas ay kailangang nasa kundisyon ako para sa gagawin kong acting.

Ngunit kahit anong pilit kong pag-pikit ay hindi ako makaramdam ng antok. Paulit ulit na nagrereplay sa utak ko ang lahat ng ginawa ko. Mula kay Papa, Themarie,Anna, Driz, Aling Bebang at sa buong pamilya ni Mariel.

Idinilat ko ang mga mata ko at natulala sa kisame.  

“Bakit ganon? Pinatay ko na silang lahat pero parang feeling ko ako pa rin ang kawawa? Na kahit papano masaya pa rin sila dahil ako nalang ang naiwang mag-isa. Parang tadhana ko na yata ang laging ma left behind. Bakit kahit wala na sila pakiramdam ko masaya pa rin sila dahil magkakasama-sama sila? ” mapait akong napangiti “ang unfair nga naman talaga ng buhay. Ano pa bang bago? Mag-isa na rin naman talaga ako kahit noon pa. Ang pinagkaiba nga lang…..wala na ang mga taong nagpapahirap sakin. “I should be happy right?”

Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon