Napasulyap ako sa natutulog niyang maamong mukha. Hindi naging maganda ang kinalabasan ng paghalik ko sa kanya dahil pareho lang kaming nag-init dalawa. Napakahimbing ng tulog niya. Ako? Hindi ko magawang makatulog dahil maraming mga bagay na bumabagabag sa utak ko. Marami na namang tanong na kahit kailan hindi ko mabigyan ng sagot
Bumaba ako sa kama at isinuot ang roba ko. Dala ang cellphone ko ay napagpasyahan kong panoorin muna kung ano ng nangyayari sa bahay. Masyado akong napagod kahapon kaya hindi ko na nacheck ang CCTV.
Naupo ako sa veranda. Matiyaga kong pinanood ang buong kuha ng CCTV sa cellphone ko. Mukhang wala namang kakaibang nangyari sa umaga kaya finast forward ko na ito sa mga bandang alas sais . Akala ko walang kakaibang mangyayari but--nanliit ang mga mata ko. Mga bandang 11 ng gabi ay may naaninag akong gumalaw banda sa may likod ng bahay. Kung hindi mo mapapansin ay mapagkakamalan mo lang itong isang itim na pusa but I know better than this. Ni-view ko ito para mas makita ko ng maayos ang isang lapastangang gustong pumasok sa bahay.
“Gotcha!”
Mas nilakihan ko pa ang mukha niya. “Sinasabi na nga ba! Kahit anong tago mo sa mukha mo, kilalang kilala kita,” nag ngitngit ang ngipin ko sa galit
Kitang kita ko ang dahan dahan niyang pag akyat sa bintana malapit sa kwarto ni Themarie. Inilipat ko ang CCTV na malapit sa pinasukan niya. Sinuyod niya ang lahat ng bahay lalong lalo na ang mga cabinet at closet.
Kasabay ng lamig ng hangin ay ang panlalamig ko ng makita ko siyang tumapat sa basement ko. No! Hindi pwede! Dahil……..nandon pa ang isang mata ni Driz na nakalagay sa wine glass ko! Shit! Fuck! Bakit ba hindi ko pa tinapon yun!? masyadong biglaan ang pag-aya sa akin ni Ian kaya hindi ko na nalinis ang mga kalat ko sa basement!
Lumingon lingon siya sa paligid na parang alam niyang nanonood ako. Mas lalo akong dinalaw ng kaba ng makita ko ang kinaiinisan kong ngisi niya. Sinira niya ang door knob ko at pumasok sa loob. Hindi ko na alam ang nangyari sa loob dahil tanging ang kwarto lang na iyon ang hindi ko nilagyan ng camera. Iniisip ko rin kasi na paano kapag kinalkal ni Ian ang cellphone ko? Baka makita niya ang mga nakalagay sa basement kaya hindi ko na nilagyan ng camera sa CCTV----si Ian! Right!
Mas lalo akong nanlamig ng maalala ko ang pamumutla niya nakaraan ng gabi habang may kausap siya sa telepono. Hindi kaya---Oh my god!
Bumalik ako sa loob at tahimik na naglakad papalapit sa kanya. Mahimbing pa rin ang tulog niya. Tahimik kong hinanap ang cellphone niya. Nakita ko ito sa kailaliman ng bag niya.
Nanginginig ang mga kamay ko habang isa isa kong chinecheck ang mga message niya “Oh my god!” parang nawalan ng kulay ang mukha ko ng makita ko ang isa sa mga mensahe niya
D.C:
Keep an eye to her. My suspection is right. She’s a killer. I found a one eye in her basement and when we examine it, it’s confirm that it is from Driz Viex, her step sister. Don’t let your guards down.D.C stands for Detective Choi
Mas lalong nanlamig ang kamay ko. Fuck! All this time alam na niya?! but why he still confess to me!? para mapikot ako? Para mas maging kapani paniwala siya sakin? Shit! Tama nga ang bulong! Dapat pala una palang pinatay ko na siya!
Gigil kong pinahid ang luha ko. Mahimbing pa rin siyang natutulog. Wala na akong inaksaya pang oras. Nagbihis na ako. Kinuha ko ang sling bag ko kung saan nakalagay si Luci. Si Luci ang higit na kailangan ko ngayon dahil siya lang ang binigay na tigabantay ko ng bulong.
Mahigpit kong hinawakan si Luci. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha.I should kill him before I leave----but everytime na susubukan kong saksakin siya ay hindi ko magawa! Inis kong binaba si Luci. Bakit hindi ko siya kayang patayin!? Arrgh!
Imbis na saksakin siya ay mas pinili kong halikan siya sa noo. Tumulo ang luha ko. Dahan dahan akong naglakad palayo sa kanya. Palabas na sana ako ng pinto ng marinig kong lumangitngit ang kama. Nanlaki ang mata ko
“Where are you going?”
Kinusot kusot niya ang mata niya na parang naalimpungatan siya ngunit agad ding nagising ng tuluyan ang diwa ng makita niya ang cellphone niya sa tabi niya. “Oh Shit!”
Agad tumulo ang luha ko. Tama nga ako…alam na niya. Tumakbo na ako. Rinig ko ang pagsigaw niya sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon. Hindi niya kaagad ako nahabol dahil hubo’t hubad siya
Halos nanlabo ang paningin ko habang tumatakbo dahil sa mga pesteng luha. Fuck that detective! Siya na ang isusunod ko! Tangina niya!
Tumakbo lang ako ng tumakbo sa kalagitnaan ng gubat. Wala akong pakeelam kahit na madilim. Ang importante sakin ngayon ay ang makalayo.
Natanaw ko na ang kalsada. Patakbo na sana ako doon ng makarinig ako ng sirena ng pulis. Nanlaki ang mata ko. Agad akong nagtago sa isang puno. Shit! Siguro kung huli ko ng nalaman baka sa mga oras nato ay nakuha na nila ako! Hayop ka Ian! Pinagkatiwalaan pa naman kita pero ipinagkanulo mo ako! Kaya ba dinala niya ako sa ganitong lugar? Para wala na akong ibang mapuntahan? He set me up!
Nasa limang police car ang nakita ko. Panigurado akong kagagawan ito ng punyetang Detective na yon! Magkasabwat sila ni Ian! Ang tanga tanga ko! Dapat una palang hindi na ako sumama dahil alam ko ng mangyayari to!
Ilang minuto pagkatapos makalagpas sakin ng mga police car ay pinagpatuloy ko ang pagtakbo. Takbo lang ako ng takbo sa kalagitnaan ng madilim na daan. Wala akong pakeelam kahit na halos mamanhid na ang paa ko. Dala na rin siguro ng adrenaline rush. Hindi ko na alam kung nasaan na ako o kung gaano na kalayo na ang tinakbo ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay kailangan kong makatakbo! Kailangan kong makalayo! Nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa hilo at pagod pero tumakbo pa rin ako ng tumakbo.
“HINDI KA KASI NAKINIG SAKIN!”
Mas lalong kumirot ang ulo ko ng marinig ko ang bulong. Nasusuka na ako sa sobrang pagod. Dagdag pa ang sobrang init na nararamdaman ko. Hindi ko na malaman kung anong gagawin ko! Gulong gulo na ako! Napahawak ako sa ulo ko. Napahinto ako sa gitna ng kalsada para makapag pahinga saglit.
Ngunit agad na nanlaki ang mata ko ng makakita ako ng liwanag na paparating. Abot abot ang kaba ko. Halos manikip ang dibdib ko. Gusto kong tumayo at tumakbo ulit kaya nga lang ay namamanhid na ang mga tuhod ko sa sobrang pagod.
Ito naba ang katapusan ko?
Naiiyak akong pumikit nalang at inantay ang papasalubong na humaharurot na sasakyan.
BINABASA MO ANG
Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)
Horror"It doesn't suit to me to be a princess...or to be a damsel in distress. My profession is to kill, so why not to be a........ psychopath,"