Inis kong binato ang alarm clock ko. Kanina pa ako naiirita sa tunog.
Sobrang antok na antok pa ako arrghh!
Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng kirot. Kahit puyat ay pinilit kong bumangon dahil ngayon ang party nila Anna at Driz at paniguradong pinaghahanap na ako ng hampaslupang si Themarie.
Sinulyapan ko ang hinanda kong regalo para kay Anna. May ginawa din akong regalo para kay Driz siyempre! Panigurado akong magugustuhan niya yun dahil mahilig siyang kumain.
Pagbaba ko ay napaka-dami ng tao ang abala sa paghahanda.
Nakasalubong ko naman si Aleng Bebang. Nakakunot ang noo nito sakin.
Ano naman kaya ang problema ng matabang to?
“Diba ikaw si Ella?” masungit na tanong nito sakin.
Parang biglang nangati ang kamay ko at gustong pumatay ng isang Aling Bebang hmmmm
“Ah opo,”
“Ano pang inaantay mo!? Pumunta kana sa kusina! Kanina ka pa namin hinahanap dahil sabi ni Madam Themarie ay ikaw daw ang tutulong samin magluto!”
Kahit antok pa ay pinilit kong tumulong sa kusina. Rinding rindi na ako sa bunganga ni Aleng Bebang dahil kung makautos ito ay laging nakasigaw. Nagtitimpi lang ako dahil ayokong masira ang party nila Anna at Driz. Pasalamat siya…..
Ilang oras ang ginugol ko sa pagtulong sa kusina. Halos inabot na kami ng tanghalian bago natapos sa pagluluto. Nagkanya kanya na ang lahat para kumain muna sandali.
Umakyat ako sa kwarto ko para doon nalang kumain, masyadong maraming tao sa baba. Nakakairita sila sa paningin lalo na si Bebang.
Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay inutusan din akong tumulong sa pag aayos ng catering. Kahit inis na inis na ako ay nagtitiis nalang ako dahil nasa akin naman ang huling halakhak mamaya.
Tagaktak ang pawis ko ng matapos namin lahat lahat. Sobrang sakit ng buong katawan ko dahil sa dami ng utos sakin ng punyetang si Bebang. Ayos dito! Ayos doon! Walis doon! Walis dito! Tapon mo to! Kuhang tubig! Arghh! Halos lahat nalang halos iutos na sakin!
Hindi ko nasulyapan ang mag-iina. Marahil busy sa pagpapaganda at paghahanda para sa party nila.
Hapon na kami natapos. Pagkatapos kong tumulong ay umakyat ako sa kwarto para kunin ang regalo ko kay Anna at Driz. Isinama ko ito sa mga iba pang regalo malapit sa stage.
Dumami na rin ang mga bisita. Umalis na ako dahil paniguradong malalagot ako kapag nakita ako ni Themarie na pakalat kalat sa party nila.
Pumuslit ako ng isang wine at dinala ito sa may balcony kung saan tanaw ko ang mga nagkakasiyahang tao. Pasalamat sakin si Themarie at pinahihiram ko sa kanya ang bahay ko tsk.
Sa paglubog ng araw ay nag umpisa na ang event. Nauna ang 18th roses.
Nakatanaw lang ako sa masayang mukha ni Anna at Driz. I wonder if ganyan pa rin sila kasaya kapag nakita na nila ang regalo ko. Poor Mickey tsk tsk, nakalimutan na ng kanyang mga amo. Napahalakhak ako.
Halos makalahati ko na ang wine na iniinom ko ng matapos silang sumayaw. Sunod naman na naganap ay ang cutilon. Sobrang bored na bored na ako dito sa balcony kakapanood sa walang kwenta nilang pagsasayaw.
Nang sa wakas ay oras na para sa 18th gift ay sobra akong nakaramdam ng pagkagalak. Nagtaka pa sila ng makitang sobra ang mga regalo.
“Mukhang may secret admirer ang kambal,” masayang sabi ng MC. “For my beloved Anna and Driz,” basa nito sa nilagay kong gift card. “At dahil mukhang espesyal ito ay ihuhuli natin ito,” naghiyawan ang mga bisita. Pffftt
BINABASA MO ANG
Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)
Terror"It doesn't suit to me to be a princess...or to be a damsel in distress. My profession is to kill, so why not to be a........ psychopath,"