Chapter 10

42 2 0
                                    


Ipinarada ko ang sasakyan ko ilang kilometro ang layo mula sa tapat ng bahay nila, sapat lang na distansiya para matanaw ko sila. Ilang oras din ang inantay ko sa labas bago ko makitang isa-isa na nilang pinapatay ang ilaw sa buong kabahayan.

Nang maramdaman kong tulog na sila ay kinuha ko ang dress na nasa ilalim ng compartment ko. Luminga linga muna ako sa paligid. Nasa tagong parte ako at madilim, tiyak na wala naman sigurong makakita sakin.

Nagsimula na akong maghubad at magpalit. Isinuot ko na rin ang maskara ko at white gloves. Mahirap na at baka sumabit ako dito. Hindi biro ang taong papatayin ko ngayong gabi

Mayor Jason Orillo

Sounds billionaire hmmm. Ngayon naalala ko na kung bakit kami iniwan ng magaling kong ina.
Napakuyoma ng kamao ko. Nalala kong ng minsan na narinig ko sila na nag tatalo ni papa dahil sa pera at dahil na rin kay Themarie.

“PABAGSAK NA ANG KUMPANYE PERO NAGAGAWA MO PA RING MAGBIGAY SA KABIT MO!?” nakita ko ang pag aagawan nila sa isang bagahe.

Inilalabas na ni mama ang mga damit niya. Wala akong magawa kundi tahimik lang na humagulgol sa isang tabi.

“Mariel mag-usap tayo ng maayos,” pagmamakaawa ni papa “Kailangan lang talaga niya ng pera dahil nasa hospital ang anak niya. Please don’t give a malice about that,”

“BAKIT TAYO!? HINDI RIN BA NATIN KAILANGAN NG PERA! HUH!? AKALA MO BA HINDI KO MALALAMAN NA NAG BOOK KAYO NG KABIT MO SA ISANG FIVE STAR HOTEL! HOW COULD YOU---HOW C-- HAYOP KA!!” kitang- kita ko ang pag bagsak ng luha sa mata ni mama. Gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako na baka mas lalong lumala ang away nila. Im so weak and fragile kid. “AYOKO NA ROMULDO! HINDI KO NA KAYA! I WANT A BREAK!”

Lalong nanlumo ang mukha ni papa “What about Ella huh!? iiwan mo nalang ang anak natin?” saglit na natigilan si mama ngunit pinagpatuloy pa rin niya ang pagsisilid ng mga damit niya sa isang luggage bag. Lagay siya ng lagay ng damit habang si papa naman ay pilit ibinabalik sa aparador

“ANO BA ROM!!!!”

“Ano ganon ganon nalang ba Mariel!? talaga bang yun lang ang dahilan kaya gusto mong umalis? O DAHIL GUSTO MO NG MAG-SAMA NA KAYO NG LALAKI MO!?”

Nanlaki ang mata ni mama sa gulat. Mas lalo pa siyang napahagulgol. Napaiyak na rin si papa “Akala mo hindi ko alam? NA KINAKALANTARI MO SI JASON! THE REASON WHY I GET ALONG WITH THEMARIE DAHIL SIYA LANG ANG NAPAG SASABIHAN KO NG PROBLEMA KO! AND REALLY? KAIBIGAN KO PA MARIEL!”

Napapikit ako ng ihagis ni papa ang isang flower vase “THE REASON WHY I’M IN THAT FUCKING FIVE STAR HOTEL WAS BECAUSE I SAW YOU ENTER IN THAT FUCKING HOTEL FIRST WITH JASON!!! DINAMAYAN AKO NI THEMARIE THAT’S WHY HINDI KO NA INAKSAYA ANG BINAYAD KO AT SINULIT KO NA RIN! YOU KNOW WHY HUH? DID YOU KNOW HOW IT PAINS ME TO HEAR YOU FUCKING MOAN!? GANYAN KA NA BA KAKATI!?”

Napatakip ako sa bibig ng lumagapak ang kamay ni mama sa pisngi ni papa kitang kita ko ang galit sa mata ni papa “AKALA MO BA NA HINDI KO ALAM NA IKAW ANG AMA NG ANAK NI THEMARIE!!? HAYUP KA!!!”

Kita ko ang pagkaputla ni papa “Habang kasal tayo nandon ka sa iba nangangabayo!! hayup ka! Si Jason lang din ang karamay ko Rom kaya wag mo akong sisihin!” ipinagpatuloy ni mama ang pag empake ng gamit niya.

“DAHIL NALAMAN KONG SI JASON ANG NAKAUNA SAYO!! AT MAY NANGYARI SA INYO SA MISMONG ARAW BAGO TAYO IKASAL!” sigaw ni papa “KAYA KO NAGAWA YUN MARIEL! HINDI KO NAMAN ALAM NA MAY MABUBUO. PERO IKAW AALIS KA KASI WALA NA AKONG PERA AT SI JASON MARAMI! ANONG KLASE KANG BABAE,”
“Tapos na akong isalba ang walang kwentang relasyon na to. Hindi ko aakalain na nagpakasal ako sa isang gold digger at slut na kagaya mo. No wonder maluwag kana ng nag honeymoon tayo,”

Namutla si mama.

Kinuha ni papa ang lahat ng damit niya at ihinagis sa pagmumukha ni mama “GO! LEAVE! I DON’T WANT TO SEE A FUCKING SLUT HERE IN MY HOUSE. YOUR DISGUSTING.”

So she leave us for the sake of fucking money. How pathetic. Indeed, she’s a slut gold digger bitch.

I was just 5 years old back then when I understand all. Pareho silang may mali. Hindi man lang nila naisip kung anong mangyayari sa akin na nag-iisa nilang anak. Napaka selfish nila!

Paano niya nasisikmurang mag alaga ng ibang anak samantalang sarili niyang anak pinabayaan niya!

Lalo akong nag-ngingitngit sa galit. Wala siyang karapatang sumaya! Kung hindi dahil sa kakatihan niya edi sana maayos pa ang buhay ko at buo pa ang pamilya ko--sana hindi ako naging ganito.

Mahigpit ang kapit ko kay Luci. Buong ingat kong inakyat ang mataas na gate nila. Iniiwasan kong makagawa ng kahit anong ingay lalo na’t may napakalaking aso ang natutulog sa malapit. Dahan-dahan ang ginawa kong hakbang.

Napangisi ako ng hindi man lang nagigising ang alaga nilang aso. Sunod ko namang inakyat ang balkonahe nila. Mabuti nalang at meroong isang puno ng mangga malapit sa balcony kung saan nakalagay ang isang tree house.

Nang tagumpay akong nakapasok ay dumaan ako sa isang basement at kung siniswerte ka nga naman! Nakakita ako ng mga lubid. Mayroon na akong dalang duck tape kaya hindi ko na kailangan pang mamroblema.

Habang nililibot ang buong bahay ay kaagaw agaw pansin ang mga baseball bat na nakadisplay sa isang glass cabinet. Napangisi ako. Kinuha ko ang isang baseball bat na pinaka maganda sa lahat. Gawa ito sa bakal at solid ang tigas. Tiyak na basag ang bungo ng kung sino mang mahahampas nito.

Habang paakyat sa engrandeng hagdan ay pinagmamasdan ko ang mga litrato sa dingding. Masayang masaya sila sa bawat litrato. Si mayor, Mariel, dalawang babae-- , isa sa kanila ang naging kaklase ko ng kinder, sayang lang at agad siyang nilipat ng school ng malaman ni Mariel na isa ako sa mga kaklase nito --at isang batang lalaki.

Mga kapwa sila nakangiti ng abot tenga. How sweet and a very adorable happy family. Sayang lang at hindi na nila masisilayan pa ang araw dahil wawakasan ko na ang maliligayang sandali nila ngayon.

Una kong nadaanan ay ang isang kwarto na kulay pula ang pinto. Kinuha ko ang hair pin na nakaipit sa buhok ko at sinimulang kalikutin ang butas. “Gotcha!” napangiti ako ng marinig ko ang tunog ng lock.

Dahan dahan kong pinihit ang pinto at tumambad sakin ang isang napakagandang kwarto. Halos mamahalin lahat ng muwebles. Pinagmasdan ko ang dalawang dalagita na mahimbing na natutulog.

Dahan dahan akong lumapit sa kinaroroonan nila. Bago pa sila magising ay pinaamoy ko na sa kanila ang hawak kong panyo na may pampatulog

“Sisiguraduhin ko na ito na ang huling payapang pag-tulog niyo dahil mamaya, all of you will sleep………..forever.”

Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon