Chapter 3

69 6 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula ng mangyari ang insidenteng iyon. Hindi nila napatunayan kung sino ang gumawa. Sa galing nang pag-arte ko, wala man lang nakahalata na ako ang may sala nun. Wala silang nakuhang sapat na ebidensiya laban sakin kaya nakalabas din ako agad.

Kaya nga lang, nang dahil sa nangyari ay mas lalo akong pinag-initan ng mga impaktang kasama ko sa bahay. Naniniwala pa rin sila na ako ang bmay gawa ng lahat. Halos gawin na nila akong katulong sa sarili kong pamamahay.

Natutulad na talaga ako sa kwento ni Cinderella.

Habang naglalakad ako pauwi ng bahay ay may nadaanan akong isang costume store. Galing akong palenggke dahil inutusan akong bumili ng uulamin namin ngayon.

Naagaw ng pansin ko ang costume dress ni Cinderella.

Nagkalat na ang mga nagtitinda ng costume dahil nalalapit na rin ang Holloween. Ang kaarawan ko.

Pumasok ako sa tindahan. Simula bata ako, hindi ko pa naranasang makapag Trick or Treat tuwing sumasapit ang Holloween.

Pumasok ako sa loob ng store at nilapitan ang dress. Wala namang pinagka-iba ang kwento namin ni Cinderella kaya para na rin akong siya, at isa pa halos magkahawig na rin ang pangalan naming dalawa, Ella. Natawa ako sa naisip. Dulo lang pala

Hinawakan ko ito at pinag-masdan. Binilang ko ang natira kong pera, nang masigurado kong kakasya naman, kinuha ko na ito at binayaran.

If my story is same as Cinderella, why not I portray her right?

Habang pauwi ako ng bahay, kitang kita ko ang mga taong abala sa pag aayos sa labas ng kani-kanilang bahay. Naglalagay sila ng mga nakakatakot na dekorasyon. Nadaanan ko pa nga ang bahay nila Aleng Bebang at busy rin sila sa pagdidisenyo sa labas ng bahay nila.

Pagkauwi ko ng bahay, ang maingay na bunganga agad ni Themarie ang sumalubong sakin. Tss

“Ba’t ngayon kalang? Kanina ka pa umalis tapos ngayon kalang nakabalik!? bilisan mo lutuin mo na yan!”

Itinago ko kaagad sa likod ko ang binili kong dress. Paniguradong sasabihin nanaman ng punyetang to na ninakaw ko sa kanya ang pambili.

Napairap nalang ako sa kawalan. Ilang araw nalang ang titiisin ko sayo Themarie.

Hindi ko na siya sinagot at nilagpasan nalang siya. Nadaanan ko pa sa sala ang hanggang ngayo’y tulalang si Anna at Driz. Laman kasi ng buong bayan ang nangyari sa kanilang supposed to be best day of their life but it turns out, naging nightmare pa para sa kanila. Poor Anna and Driz HAHAHAHA

Ang iba nagalit sa kanila lalo na yung mga nakakain ng laman ni Mickey. Ang iba pa sa kanila ay nag punta ng hospital at si Themarie ang sumagot ng bills pffft.

Is Mickey that bad? Nung tinikman ko ang dog food niya, lasa namang biscuit. Hay sayang. Dapat pala tumikhim din ako para naman hindi ako nacoconfuse kung ano ba talaga ang lasa ng imported na aso. Kung siguro sa mga manginginom ko ibinigay yun matutuwa pa sila. I mean, mayroong mga taong kumakain ng aso right? Pasalamat pa nga ang mga bisita nila Anna at Driz dahil espesyal ang aso na kinain nila, may breed HAHAHAHA.

Umakyat muna ako para itabi sa kwarto ko ang nabili kong costume dress ni Cinderella.

Pagkatapos kong magluto ay siyempre hinandaan ko muna ang mga kamahalan.

Nakairap nanaman sakin ang mga punyeta. One of these days, I promise that I will gonna stab that eyes of yours.

Pagkatapos ko silang handaan ay umakyat na ako sa kwarto ko dahil sukang suka na ako sa pagmumukha nila. Matutulog nalang ako dahil may importante akong gagawin mamaya at paniguradong mapupuyat nanaman ako.

Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon