Chapter 13

40 1 0
                                    

“Miss Viex. As you can see,Ikaw ang primary suspect sa nangyari. Between sa family niyo, ikaw lang ang natitirang buhay at maaring posibleng may galit para gawin ang karumal dumal na bagay na iyon,”

Napakunot ang noo ako sa sinabi ng isang police officer. “I’m sorry to ask this but--do you have evidence? Akala ko ba tapos na ang issue about kay Tita Themarie?”

Hindi nagkamali ang hinala ko kahapon. Ngayon ay nandito kami sa sala at kasalukuyan akong tinatanong ng kung ano anong bagay na wala namang kwenta. Isang detective at dalawang police ang nasa harap ko. Mukhang kailangan kong galingan ang acting ko dahil masyadong mapagmasid ang detective na ito.

Nagkatinginan sila sa sinabi ko. Halatang naguguluhan. “What your talking about? This case is not about your stepmother, it’s about your biological mother,”

Kunwaring bumalatay sa mukha ko ang gulat. “W-what are you talking about? Matagal ng patay ang mama ko,” pinilit kong maluha kahit gustong gusto ko ng palakpakan ang sarili ko sa sobrang galing kong umarte “Yun ang sabi ng papa ko--”

Mataman akong tiningnan ng isang detective. “So your saying that you didn’t know that your biological mother is alive?” kunot noo nitong tanong

Umiling ako “Can you please explaine to me what really is happening?”

“Your biological mother, who is Mariel Viex or should I say Mariel Orillo, nag devorce sila ng papa nung bata kapa right?” tumango ako “When was the last time you see her?”

Kunwaring napaisip ako “I think siguro mga 5 years old palang ako. Hindi ko na maalala sa sobrang bata ko pa. Ni hindi ko na nga matandaan kung anong itsura niya. My dad burn all of her picture so that’s why I don’t have any idea about her since dad said that she’s already dead,” napahikbi na ako “all this time..b-buhay pa pala siya?”

“Matapos maghiwalay ng papa at mama mo ay nagpakasal ang mama mo kay Jason Orillo, dating kaibigan ng papa mo at ang kasalukuyang mayor ng Bario Pagampang. Natagpuan silang patay sa loob ng bahay at sa karumal dumal silang pinatay,”

Nanlaki ang mata ko“P-pinatay? B-but wait s-so your saying na ako ang suspect sa nangyari!?”

“Ayon sa imbestigasyon namin ay ikaw lang ang maaaring may malaking galit sa kanila--”

“How could you say that!? eh hindi ko nga sila kilala! Ikaw na rin ang nag sabi na isang mayor ang biktima! Maraming kaaway ang mga kagaya niyang politician! So how could you say na ako lang ang may malaking galit sa kanila!? is it because about my situation huh!?”

“Huminahon po kayo Miss Viex.” pagpapakalma sakin ng isang pulis. “Mukhang may point siya Detective Choi, hindi natin siya pwedeng gawing suspect dahil hindi naman niya kilala ang pamilyang Orillo,”

Gustong gusto ko ng ngumisi ngunit pinigilan ko lang. Akala ko ay aalis na sila ngunit napakunot nalang ang noo ko ng may ilabas si Detective Choi ng mga larawan. Hinagis niya ito sa lamesa. Lihim na nagtagis ang panga ko.

“Kuha yan sa CCTV sa labas ng bahay ng mga Orillo,”

Pinagmasdan ko ang mga larawan. Ito ay noong inakyat ko ang gate nila. Nagkunwari akong naguguluhan. “What about this?”

“Kanina ko pa pinagmamasdan ang katawan mo Miss Viex.” Dahan dahan siyang lumapit “you have the same body built of that girl wearing a Cinderella’s costume dress,” mataman nitong sabi sabay sulyap sa kabuuan ko

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Labis labis ang bilis ng tibok ng puso ko ngunit hindi ko pinahalata “Baka nakakalimutan mo Detective, I’m not the only one who have a body built like that,”

Ipinakita niya sa akin ang isa ko pang kuha na kung saan ay una kong binili ang dress. Napakuyom ang kamao ko. Unti unting namuo ang pawis sa noo ko but I keep my cool exposure
“Nilibot namin ang mga tindahan na mga nagtitinda ng costume gaya ng kay Cinderella, at isa ka sa mga bumili nito noong bago mag halloween, ang araw bago namatay si Attorney Chavez at ang step mother mo,”

“Wala kang sapat na ebidensiya Detective. I’m innocent until proven guilty, diba yan ang batas niyo? Patunayan mo muna ang mga kuda mo detective bago mo ako paghinalaan,”

Nawala ang ngisi niya. “Mag hintay kalang Miss Viex dahil malalaman ko rin kung sino ba ang nasa likod ng patayang ito. At sisiguraduhin kong ako mismo ang maglalagay sa kanya sa rehas.” mahinanag sabi niya na puno ng pag babanta “Let us inspect your house,”

“Show me your warrant then,” taas kilay na tanong ko

Umigting ang panga niya. Kitang kita ko ang inis sa kanyang mata. Mas lalo pa siyang nainis ng makita ang ngisi ko “What? You don’t have? Kung ganon makakaalis na kayo,”

Wala na silang magawa kundi umalis nalang. Nang masara ko ang pinto ay agad akong napahawak sa dibdib ko. Kalmado lang akong tingnan kanina pero sobra sobra ang kabog ng dibdib ko. Ang akala ko ay mahuhuli na ako. Mabuti nalang at magaling akong umarte ngunit sa tinginan ng detective kanina ay para bang nababasa niya ang nasa isip ko at ang mga kilos ko. Parang nababasa niya ang nasa loob ko dahil kitang kita ko ito sa paraan ng pag-ngisi ngisi niya.

Nararamdaman ko na na ang detective na iyon ang magiging hadlang sa akin. Alam kong simula ngayon ay babantayan na niya ang lahat ng kilos ko kaya kailangan kong mag doble ingat at dapat ko ng simulan ito ngayon.

Nagpapasalamat ako kanina dahil hindi nila mahahalughog ang bahay ko ngayon.

Ipinusod ko ang buhok ko. Ngayong araw ay maglilinis ako ng bahay, lalong lalo na sa bodega. Kailangang wala akong maiwan na kahit anong ebidensiya. Kung pwede lang na sunugin ko ang bahay ko ay gagawin ko eh.

Kailangan kong maunahan ang detective na iyon. Isusunod ko na rin siya sa death list ko.

Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon