“SANDALI!!!!”
Nagising ako sa paulit-ulit na pag-tunog ng doorbel. Lagi nalang akong naiistorbo ng punyetang doorbel na yan! Akala ba ng mga pumipindot niyan mahina ang tunog non!? diba nila alam na nakakarindi kapag ikaw ang nasa loob!? okay ng isang pindot eh! Pero yung paulit-ulit!? Ugh! Sa susunod tatanggalin ko na talaga yang doorbel na yan!
Napatingin ako sa orasan. Halos tatlong oras lang pala ang tinulog ko. Bumangon na ako at naglinis ng mabilisan
“WAIT LANG SABI EH!!!”
“kung sino man tong bwisit na to mapapatay ko siya---OH!” napatulala ako sa kanya “Anong ginagawa mo dito?”
“U-uh nakalimutan mo na ba yung sinabi ko nung huli tayong lumabas?” aniya niya sabay ngiti
Siyempre naalala ko yun! Yun nga ang dahilan kung bakit halos ilang gabi akong walang tulog eh!
“Kung pwede sana ngayon tayo lumabas dahil day off ko ngayon hanggang bukas,”
“A-ah a-ano kasi…hindi pa ako nakakaligo. Teka lang! U-uh pasok ka muna!”
Shit! Mabuti nalang at naisipan kong linisan agad yung ginawa ko kagabi. Ang biktima ko pa naman kagabi ay yung anak na malandi ni Mang Joseph (kilalang siga dito sa Hangsten)na si Mary. Nadaanan ko siya kagabi at hindi sinasadyang bungguin--ok siguro…sinadya ko rin. Nagalit siya sakin at binato ako ng bato sa ulo. Sa sobrang inis ko, pinukpok ko siya ng mas malaki pang bato sa ulo din, ayun tulog siya……. forever.
Pinapasok ko siya sa bahay at pina-upo muna sa sofa. Paakyat na sana ako sa kwarto para mag-ayos ng pigilan niya ako
“Bring extra clothes,”
Napakunot ang noo ko “Huh?”
“Balak ko kasing pumunta tayo sa rest house namin sa Batasan. Isasama kita doon,”
“Mag s-stay ba tayo dun?” pinamulahanan ako ng pisngi ng maglaro sa isipan ko ang senaryo na kaming dalawa lang……sa isang kwarto
Suss Ella para namang wala pang nangyayari sa inyo
“Yes. Don’t worry uuwi rin naman tayo the day after tomorrow. Magugustuhan mo dun promise,”
Wala akong gaanong magagandang damit kaya naman mas pinili kong kumuha ng iilang damit sa closet nila Anna at Driz. Halos pag-pawisan pa ako sa kaba dahil hindi ako makapagdecide kung anong dadalhin ko. Shit! Kumalma ka Ella, isasama kalang naman niya at wala ng iba at tsaka nandiyan naman si Luci kung sakaling may mangyaring hindi maganda
Pagkatpos kong mag-impake ng ilang damigt ay naligo na ako at nagsuot ng isang simpleng off shoulder yellow dress na above the knee. Ito lang kasi ang nakita kong medyo pormal sa mga damit ni Anna at Driz, yung iba kasi ay masyadong revealing. Nagsuot lang din ako ng flats dahil dito ako komportable
Laglag ang panga niya ng makita niya akong bumaba. Pinamulahanan naman ako ng pisngi
“P-pangit ba?”
Napakurap kurap siya “N-no no no! Ofcourse not,” tinitigan niya ako sa mata “Your beautiful,”
Halos magkulay kamatis na ang mukha ko sa sobrang pula. Tumikhim ako para maibsan ang kabang nararamdaman. I feel something crumbled in my stomach. Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili ko.
“Let’s go?”
Tumunog ang tiyan ko. Mas lalo akong pinamulahanan ng mukha.
“I think we should eat first,” sabay halakhak niya
Ugh! Nakakahiya!
Inilock ko ng mabuti ang buong bahay bago kami umalis. Sinulyapan ko ang mga CCTV camera na nakalagay sa sulok sulok ng bahay. Nakakonekta ito sa cellphone ko kaya naman makikita ko kung anong nangyayari sa bahay. Mahirap na at baka may may makita sila sa bahay……lalong lalo na sa bodega sa taas.
Dumaan lang kami sa drive thru at sa sasakyan na namin kinain. Limang oras din daw kasi ang biyahe kaya mas magandang sa sasakyan nalang kami kumain kaysa huminto pa sa kainan.
“Okay lang ba na isama mo ako? Hindi ba..nakakahiya?” sabay kagat ko sa burger na hawak ko
“Ofcourse! Sila Manang Teresita at Mang Cardo lang naman ang nandon. Sila yung nag babantay at naglilinis ng rest house namin. Wala na rin kasi kaming mga kamag-anak don, lahat nagsiluwas na,”
“Nasan ang parents mo?”
“They’re both murdered,” bahagyang nagsalubong ang kilay niya. Humigpit din ang kapit niya sa manibela
“S-sorry,”
“Nope it’s okay,”
Napaiwas ako ng tingin. Halos hindi ko na malunok ng maayos ang kinakain ko. Kaya ba galit na galit siya sa mga taong pumapatay?……gaya ko. He said he like me. Pero pano kung malaman niya na masama akong tao? Na marami na akong pinatay? Hindi lang isa kundi marami! i’m sure he will hate me. Iiwan din niya ako--or worse! Baka siya pa ang humuli sakin! Why not diba? I’m wanted now. Nagkalat na ang mga poster na nagsasabing bibigyan nila ng malaking pabuya ang makakahuli sakin. Sigurado akong hindi siya magdadalawang isip na hulihin ako.
Napatingin ako sa maamo niyang mata. Tama ba na pagkatiwalaan kita? Matatanggap mo pa kaya ako?
“I will tour you there. Marami silang mga pasyalan. Sabi ng kakilala kong doctor, makakatulong yung pag unwind para mabawasan yung stress. Hindi biro ang mga pinagdaanan mo kaya makakatulong to sayo,” he smile genuinely
Iniwas ko ang tingin ko dahil sa nagbabadyang luha. See? He’s so nice. Ako pa rin ang iniisip niya kahit na day off niya to. Hindi ko naman siya kaano-ano pero heto siya at nag-aalala para sakin. Kailan lang naman kami nagkita.
“Thank you,”
Buong biyahe ay nagpanggap akong tulog. Habang nakapikit ako, maraming mga what if’s ang bumabagabag sa utak ko. What if nakilala ko siya ng maaga? What if hindi ko inuna ang galit ko? What if nag-hintay pa ako? What if--
But, there’s no turning back! Nagawa ko na! Hindi ko na kaya pang ibalik ang lahat! Tapos na! Kung hindi niya ako matatanggap, wala akong magagawa but…I need to kill him too. Pero kaya ko ba? Ito na ba yung sinasabi ng bulong na sisirain niya ang lahat ng plano ko? Na siya ang sisira sakin? Na dapat una palang eh dapat pinatay ko na siya?
“Ella were here. Hey,” malumanay niya akong tinapik
Hindi ko alam na nakatulog na pala ako ng tuluyan. Kinusot kusot ko ang mata ko. Nauna siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. As usual. Inalalayan niya pa akong bumaba
Halos mapanganga ako ng makita ko ang kabuuan ng lugar. Sobrang peaceful. Tanging ang pag-galaw ng mga dahon at huni ng ibon ang maririnig mo. Halos puro green ang nakikita ko. May mga bulaklak din at puno ng mangga. Nilanghap ko ang sariwang hangin. This is relaxing! I think for now…..mag-eenjoy muna ako!
BINABASA MO ANG
Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)
Horror"It doesn't suit to me to be a princess...or to be a damsel in distress. My profession is to kill, so why not to be a........ psychopath,"