Epilogue

53 5 0
                                    

“Wow naman Chief! Bihis na bihis tayo ngayon ah!”

“Mukhang may date ka Chief ah,”

Nginitian ko lang ang kantyaw nila. Paglabas ko sa HQ ay nakita ko si Detective Choi na naninigarilyo. Tinabihan ko siya at nagsindi na rin

“Pupuntahan mo siya?” aniya niya

“Oo,”

Bakas pa rin ang peklat sa pisngi niya. Mas lalo tuloy siyang nagmukhang misteryoso dahil sa pilat na nasa pisngi niya.

“Sabay na tayo,”

Pagka-ubos namin sa isang stick ng sigarilyo ay sumakay na kami sa kanya kanyang sasakyan.

Nang makarating kami ay kinuha ko ang dalawang bouquet ng bulaklak sa likod ng sasakyan.

Sabay kaming naglakad papunta sa puntod niya. Sabay naming inilapag ang bulaklak sa lapida nila

“I wish I could save her. I didn’t even know that she’s suffering a Psychotic Disorders,” malungkot kong saad

Psychotic disorders, also called Psychoses are severe mental disorders that cause abnormal thingking and perceptions. People with psychoses like her lose touch with reality. The symptoms are delusions and hallucinations. Delusions are false beliefs, such as thingking that someone is plotting against you or that the TV is sending you a secret messages. Hallucinations are false perceptions, such as hearing, seeing, or feeling something that is not there. Ang akala niyang bulong na nag-uutos sa kanya at ang Luci na kaibigan niya ay gawa gawa lang ng Delusion at Hallucinations niya.

“Naaawa ako sa kanya. Sa sobrang pag-iisa niya, unti-unti na palang naaapektuhan ang pag-iisip niya.” Detective

Sa umpisa palang ng makita namin ang pangalan ni Detective, alam na naming babalikan siya ni Ella para patayin. Alam naming hindi siya titigil hanggat hindi niya natutupad Ang nakasulat sa death list niya.

Yun ang isa sa mga napansin namin sa diary niya. Lahat ng isinusulat niya ay talagang tinutupad niya. Lahat.

Kaya nag plano agad kami. We didn't know if where or when will she appear that's why sinigurado namin na palaging nakakabit ang tracking device kay Detective na kapag pinindot mo ay makakapag bigay ng signal sa amin na nasa emergency siya

Kaya namin nalaman na nasa abandonadong building sila ng araw na yun.

3 years ago na ang nakakalipas pero sariwa pa rin sa ala-ala ko ang lahat. Sinisisi ko ang sarili ko dahil ako mismo ang pumatay sa kanya at sa anak namin. She’s a week pregnant. Halos mabaliw ako ng malaman ko iyon. Gusto ko ng sumunod sa kanya pero nagpakita siya sa panaginip ko at sinasabing ituloy ko ang buhay ko dahil wala akong kasalanan dahil naging masaya na siya sa wakas.

I rehab myself dahil sa araw araw siya lang lagi ang nakikita ko. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang pag-haplos niya sa mukha ko.

“Sinisisi mo pa rin ba ang sarili mo sa nangyari?”

Hindi ako sumagot. Sometimes, nakakaramdam pa rin ako ng guilt, pangungulila. I’m mad at myself.

“Don’t. Malulungkot siya kapag nalaman niya yan. She’s now at peace. Nagpapasalamat din ako sayo dahil iniligtas mo ang buhay ko. And also……you save her Ian. Tinapos mo na ang paghihirap at pagdudusa niya. Sa tingin mo ba kung nabuhay siya magiging payapa pa ang buhay niya? No, You know what punishment is waiting for her, habang buhay na pagkakakulong. And She will suffer even more,” tumingala siya sa langit at ganon din ang ginawa ko

Napapikit ako ng humangin, na parang niyayakap niya ako.

Tama siya. Hindi ko rin maipapangako na mararanasan pa niya ang payapang buhay kung nandito siya. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako. Nasasaktan ako dahil hindi man lang niya nagawa ang mga gusto niya at mga pangarap niya.

When I first met her. I know that it’s love at first sight. For me she’s the most innocent woman in the world. Biktima lang siya. Kung sana lang maaga ko siyang nakilala. Edi sana hindi na umabot sa ganito. Kung sana lang mas maaga kong nalaman…

Napapikit ako ng mariin. Mahal na mahal din kita Ella. I hope you find now the peace in your heart. Alam kong hindi ka nag-iisa dahil kasama mo ang anak natin. Balang araw magkakasama sama rin tayo. Hintayin niyo ako….

Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon