Kinurap kurap ko ang mata ko. Patay naba ako? Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ng sobrang kirot. Pilit kong inalala kung ano ang huling nangyari. Tumatakbo ako tapos masasagasaan na sana ako pero hindi, huminto sila sa harapan ko pero nawalan na ako ng malayBumangon ako dahil nakaramdam ako na parang hinahalukay ang tiyan ko. Agad kong tinanggap ang kung sino mang naglahad ng plastick sa harapan ko. Sumuka ako ng sumuka. Napahinga ako ng malalim.
Isang babae ang nagbigay sakin ng plastick. Marumi ang suot niya. Pinagmasdan ko ang lugar kung nasan ako. Mistula kaming nasa loob ng isang kahon na gawa sa kahoy, bahagya ding gumagalaw galaw ang dito na para kaming inaalon alon. Pinakinggan ko ang labas. Nakakarinig ako ng tunog ng tubig. Nasa barko kami! Kaya pala nasusuka ako at nahihilo. Masyado ring kulang ang nalalanghap kong hangin.
Sabay sabay kaming napatingala sa itaas ng may isang lalaki na nilaglag.
“PALABASIN NIYO AKO!! MGA HAYOP KAYO!!”
Tinawanan lang siya ng mga tao sa taas. Pasalampak siyang umupo. Agad akong napakapit ng maramdaman ko ang pag-andar ng barko at ganon din ang iba. Hindi ako nag-iisa. Marami kami. May bata at mga matatanda. Mistula kaming mga bihag.
Wala na ang sling bag ko kung saan nandon si Luci. Wala ring kahit anong bintana sa kinalalagyan namin at masyadong mataas ang pintuan na nasa taas, imposibleng maabot, at kung maabot man ay tiyak na mahihirapan akong buksan
“Nasaan tayo?”
Malungkot na ngumiti ang babaeng nag-abot sakin ng plastick. “Ang pagkakarinig ko sa kanila, dadalhin nila tayo sa isang abandonadong hospital. Doon nila kukunin ang internal organs natin at ibebenta sa black market,”
Napakuyom ang kamao ko lalo na ng napasulyap ako sa dalawang batang walang kamuwang muwang na natutulog sa isang gilid “Kailangan nating makatakas dito,”
“Yan din ang kauna-unahang nasa isip namin kaya lang mga armado sila,” sagot ng isang binatilyo
“James,” sabay lahad niya ng kamay
Tinanggap ko ang kamay niya “Ella,”
13 kaming lahat. Sa dami nilang nagpakilala ay tatlo lang ang natandaan ko.Si James 17 years old, yung babae namang nag-abot sakin ng plastick ay si Donna 21 years old. At yung nilaglag kanina ay si Pablo na kanina pa pinagsisipa ang dingding tss
Pinagmasdan kong maiigi ang buong kwarto na kinalalagyan namin. Gawa lang ito sa kahoy pero kung hahawakan mo ay napakatigas at talagang napakatibay. Mahihirapan kaming sirain. At kung susubukan man naming sirain ay tiyak na maririnig kami ng mga bantay sa taas. Kapwa din kaming hirap huminga dahil napaka konti lang ng pumapasok na hangin galing sa taas kung saan nandon ang isang parisukat na pintuan.
“Sinong may relo sa inyo?” isa isa kong sinulyapan ang lahat
Nagtaas ng kamay ang isang bata. Ipinakita niya ang hello kitty na relo. Nginitian ko siya. Tiningnan ko ang relo niya. “Gumagana ba ito bata?” nginitian ko siya
“Opo,”
Pasado alas tres na ng madaling araw. Siguro sa mga oras na ito ay tulog na ang mga bantay. Bahagya rin kasing huminto ang sinasakyan namin, panigurado akong nagpapahinga na sila. Ito na ang tamang oras para tumakas.
“Psst Pablo!”
Agad namang napabaling sa akin ang iritable niyang mukha “Ano?”
“Sa tingin mo ilang bantay ang nasa taas,”
Napaisip siya “Sa tingin ko pito silang lahat na nasa taas kasama na yung driver nitong barko,”
Pinagmasdan ko si Paulo. Matangkad siya. Tiningnan ko ang pinto sa taas. Maabot ko siguro kung tutungtong ako sa balikat niya. “Paulo. Kaya mo bang ipahiram ang balikat mo?”
“Kung maiaangat man kita, paano mo naman mabubuksan yan?” sabay turo niya sa pinto na gawa sa bakal na parang rehas
Nakangisi kong pinakita sa kanya ang mini toolkit ko ng mga screw driver. Lagi ko itong dala incase na may mangyaring gaya nito. Nakasuksok lang to sa ginawa kong bulsa sa gilid ng panty ko
Nagliwanag ang mata niya at ganon din ang iba. Sineniyasan ko silang manahimik dahil bahagyang nag-ingay ang iba sa kanila dahil sa tuwa. Inalalayan nila akong makasampa sa balikat ni Paulo. Sanay na akong mag balanse dahil sanay akong umakyat akyat. Akala ko ay hindi ko maabot, mabuti nalang at matangkad si Paulo.
Kinalikot ko ang anim na screw. Dahan dahan ko itong ginawa para hindi makagawa ng ingay. Bawat natatanggal ko na screw ay inilalagay ko sa bulsa ng hoodie na suot ko. Isa nalang sana ang tatanggalin ko ng may dumaan sa gilid. Napatigil ako. Tumutulo na rin ang pawis ko sa kaba.
“Brandon, tara muna sa loob.”
“Walang magbabantay sa mga bihag,”
“Hayaan mo nayan. Hindi naman sila makakalabas diyan,”
Napabuga ako ng hininga ng umalis na sila. Sinamantala ko ang pagkakataon na tanggalin ng mabilisan ang natitirang huling screw. Nang matanggal ko na ito ay dahan dahan ko itong tinanggal.
Sineniyasan ko si Paulo na itulak ang paa ko para makaakyat ako sa taas.
“Babalikan ko kayo. Promise,” tinanguan nila akong lahat
Dahan dahan kong binalik ang bakal na pinto. Nakakita ako ng isang lubid sa gilid. Madilim na sa buong barko. Ang tanging may ilaw nalang ay ang kwarto sa ibaba. Agad akong nagtago ng makita ko ang isang lalaki na may katawagan. Dahan dahan akong lumapit sa likod niya at sinakal siya gamit ang lubid. Masyado siyang malaki sakin kaya naman inilagay ko ang nararamdaman kong inis,gigil at galit na nararamdaman ko sa lubid hanggang sa malagutan siya ng hininga.
Kinapa ko ang bulsa niya. May nakuha akong isang baril. Kinuha ko na rin ang cellphone niya. Bumaba ako sa ibaba kung saan naririnig ko ang kasiyahan nila. Pumasok ako sa isang kwarto na nakita ko. Mayroong dalawa na tulog na, amoy alak sila pareho
Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Agad na nagliwanag ang mata ko ng makita ko ang sling bag ko. Napangiti ako ng makita ko si Luci. Agad ko siyang hinalikan. Parang nanumbalik ang lakas ko. Oh poor boys. Hindi niyo alam kung sinong dinampot niyo.
Wala na akong inaksaya pang oras at agad na pinagsasaksak ang dalawa. 3 down. 4 more to go
Sinilip ko ang isa pang kwarto kung saan nandon ang apat na masayang nagkukwentuhan. Hindi ako pwedeng basta basta nalang pumasok dahil tiyak na papaulanan nila ako ng bala.
Nag-paalam ang isa sa kanila. Agad akong nagtago sa gilid. Pumunta siya sa banyo. Sinundan ko siya doon. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at sinaksak siya sa leeg. Agad siyang nangisay. 4 down
“Parang antagal naman atang bumalik ni Gin,” rinig kong sabi ng isa sa kanila
“Baka nakikipag loving loving pa sa asawa niya sa cellphone,” sabay halakhak nila
“Silipin mo nga dun!”
Umakyat ang isa sa kanila. Agad ko siyang sinundan. Nang nasa hagdan na siya ay kinalabit ko siya. Sinalubong ko siya ng nakangisi. Buong pwersa kong tinarak sa ulo niya si Luci. 5 down.
Pinatunog ko ang leeg ko. I guess dito talaga ako magaling. Ito na ang talent ko. Ang pumatay.
Bumalik na ako sa baba para tapusin na ang dalawa. Nangako ako sa iba na itatakas ko sila.
BINABASA MO ANG
Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)
Horor"It doesn't suit to me to be a princess...or to be a damsel in distress. My profession is to kill, so why not to be a........ psychopath,"