Malalim na ang gabi ngunit halos hindi pa rin ako makatulog. Halos 4 na oras na ata akong nakatulala sa kisame.
“AAARRRRHH! BA’T NIYA BA KASI SINABI YUN!?”
Kanina ko pa pinag-iisipan kung papayag ba ako sa alok ni Ian. I mean, wala naman na akong plano na pumatay pa dahil tapos na ang lahat, right? Nakapaghiganti na ako.
Iisa lang ang makakatulong sakin at yun ay ang bulong. Kanina ko pa siya inaantay pero gaya ng pagtulala ko, hindi pa siya nagpaparamdam. Hindi kaya nagalit siya sakin? Dahil hindi ko sinunod ang gusto niya? Arrgh!
Bumangon nalang ako sa pagkakahiga dahil mukhang hindi rin naman ako makakatulog. Maglalakad lakad nalang muna ako sa labas.
Nagsuot lang ako ng maluwag na hoodie at maong shorts. Alas kwatro na rin naman na ng madaling araw kaya tapos na ang curfew. Mag jojogging nalang muna ako.
Lamig ang sumalubong sa akin pag-labas ko ng bahay. Nag-lakad lakad muna ako at ninamnam ang tahimik na paligid. Ganitong-ganito ang gusto ko. Tahimik, yung ako lang, walang mga paepal, walang mag-uutos ng dapat kong gawin, at higit sa lahat, ako ang magdedesisyon para sa sarili ko.
But sometimes hindi ko maiwasan na isipin kung masaya nga ba talaga ako. But who cares? Ang importante, I can now live a life like I want.
Ngayong malaya na ako, gagawin ko na lahat ng mga hindi ko nagawa noon, lahat ng mga pinag-kait sakin. Mag-aaral ulit ako, maghahanap ng mga kaibigan, mamamasyal sa pangarap kong lugar at simula ngayon ay magbabagong buhay na ako--
“Wag po! Maawa kayo,”
Or pwede ding bukas na.
“Manahimik ka!”
Dahan dahan akong sumilip sa isang eskinita malapit sa bakery. Kitang-kita ko kung paano pilitin ng lalaki na gahasain ang babae.
Napakuyom ng sobra ang kamao ko. Bumalik sa ala-ala ko ang kawawang batang ako. Nakikita ko sa kanya ang ginawa sakin ng hayup kong ama. Hindi ko mapigilan na hindi kumulo at mag-init ang ulo ko. Ang pinaka ayoko sa lahat e yung sinasamantala ng iba ang kahinaan ng mga babae!
Tiningnan ko ang paligid. Nakakita ako ng isang piraso ng kahoy. Dahan dahan ang galaw ko para hindi nila ako mapansin lalo na ngayon na may patalim ang lalaki, hindi ko pa naman dala si Luci dahil akala ko ay magiging mapayapa na ang umaga ko, pero mukhang kahit anong iwas ko, nakabuntot na talaga sakin ang kamatayan.
Isinukbit ko ang hoodie ko. Dahan dahan akong lumapit papunta sa likod ng lalaki. Nanlaki ang mata ng babae ng makita niya ako. Sinenniyasan ko siyang huwag mag-ingay
Handa na sanang sirain ng lalaki ang damit ng babae ng natigilan siya sa sinabi ko.
“Masarap ba?” nakangisi kong tanong
“Anong--,”
Buong lakas ko siyang pinalo sa ulo para masiguradong tulog talaga siya. Mahirap na at baka makalaban pa siya, baka dalawa pa kaming mapahamak
Dali dali kong tinayo ang babae.
“Your now okay miss. Now go.”
“M-maraming s-salamat,” maluha luhang sabi niya
Nakangisi kong sinulyapan ang lalaki. “Kaya naman siguro kitang hilahin mula dito hanggang sa bahay ko diba? Hihi,”
Hingal na hingal ako ng makarating ako sa bahay. Buti nalang at medyo madilim pa kaya naman wala gaanong tao. Idinaan ko siya sa likod ng bahay kung saan nakakonekta ang secret door ko para sigurado na rin na walang maiiwang bakas ng gagawin ko.
Nag-dugo kasi ang ulo niya sa sobrang lakas ng palo ko kaya naman habang hinihila ko siya ay nagkalat ang konting bakas ng dugo niya sa daan.
Hay! Kailangan ko pa tuloy maglinis sa daan pero mukhang hindi na rin pala
Pinagmasdan ko ang malakas na buhos ng ulan. Good timing. Akala ko mag-lilinis pa ako sa pagka-haba haba ng dinaanan ko eh.
Buong lakas kong hinila ang lalaki. Higit na mas malaki ang katawan niya kumapara sa akin. Kalbo siya at maraming tattoo sa katawan.
Hindi ko siya kaya pang iakyat sa bodega sa taas dahil nasa pangatlong palapag pa iyon ng bahay kaya naman sa kusina ko nalang siya kakatayin gaya ng ginawa ko kay Anna at Driz.
Kumuha ako ng lubid. Hirap na hirap akong mailagay siya sa lamesa pero napag-tagumpayan ko naman.
Hinigpitan ko ang pagkakatali ng mga kamay at paa niya sa mag-kabilang dulo ng lamesa.
Habang hindi pa siya nagigising ay napagpasyahan ko mung kumain ng agahan. Masyado akong napagod sa pag hila sa kanya kaya siguro nagutom ako.
Nang matapos akong kumain ay umakyat muna ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Kumuha ako ng isa sa mga dress ni Anna. Nagsuot din ako ng maskara na nakita ko sa kwarto ni Themarie.
Namiss ko kasi ang costume ko. Bibili nalang siguro ulit ako sa susunod. Mas feel na feel ko kasi kapag nakadress ako habang pumapatay. Alam niyo yun? Parang mas komportable ako kung nakaganito ako.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Habang pababa ng hagdan ay rinig ko ang pag galaw ng lamesa, marahil ay gising na siya-- at hindi nga ako nag kakamali
“GOOD MORNING!”Nakangising sabi ko. Agad namang sumama ang mukha niya at sinubukang magpupumiglas
“That’s no use. Masyado na kong pro pagdating sa pagtatali ng tao. Alam mo ba kung ilang tao na ang naitali ko ng lubid hmmm? And guess what? Wala ni isa sa kanila ang nakawala,” dahan dahan akong lumapit sa kanya “kung ako sayo, just accept your fate. Sinusundo ka na ni kamatayan at ako….ang mag-hahatid sayo,”
Tumawa ako ng malakas. “Dapat lang sa mga katulad mo pinapatay!”
Katulong ko si Luci na alisin ang lahat ng saplot niya. Mas lalo siyang nagpupumiglas na tinatawanan ko nalang.
“Now, where should I start? Hmmm,”
Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. “Kung putulin ko kaya muna yan?” nginusuan ko ang ari niya
Bakas sa mukha niya na gusto niya akong sipain ngunit hindi niya magawa. Nilagyan ko rin siya ng busal kaya naman kahit anong sigaw niya ay puro ungol lang ang lumalabas sa bibig niya
Wala na akong inaksaya pa na oras ng makalapit ako sa kanya. Hinawakan ko ng mahigpit ang ari niya at walang pag-aalinlangang pinutol. Sumirit ang maraming dugo. Kita ko ang pag luha niya at sakit.
“Huwag kang mag-alala. Tatapusin ko na lahat ng paghihirap mo,”
BINABASA MO ANG
Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)
Horror"It doesn't suit to me to be a princess...or to be a damsel in distress. My profession is to kill, so why not to be a........ psychopath,"