Chapter 23

32 3 0
                                    

THIRD PERSON’S POV (Part 2)

(This is the continuation of the first third person’s POV)

“Bukod sa mga souviner niya,” kinuha ni Detective Choi ang isang notebook na may nakalagay na ‘Death notes’ ni Ella na nakatago sa ilalim ng sahig “Nandito ang mga ebidensiya,” sabay ngisi nito

Sabay silang nagpunta sa headquarter dala dala ang mga ebidensiya. Hindi pa rin maproseso ni ian ang lahat. Gulong gulo siya. Ayaw niyang maniwala pero alam niya ang totoo. Isa siyang pulis. Hindi nagsisinungaling ang mga ebidensiya.

Nang mabuklat nila ang unang pahina ng notebook ay tumambad sa kanila ang iba’t-ibang nakaw na larawan. Mayroong isang mag-pamilya, barkada ng mga estudyanteng masayang naglalakad, mga restaurant at marami pang iba.

Nakaramdam si Ian ng kirot sa dibdib niya pati na rin ang Detective. Napailing ito “Naaawa ako sa mga katulad niya. Naging biktima lang din siya. Kaya lang hindi maganda ang kinalabasan. Ang batas ay batas. Kailangan niyang managot.

Name: Ella C. Viex
Age: 5 and still counting!
Birthday: July 2, 2000
Mother: Gold digger
Father: Rapist
Birthplace: Hangsten Hospital
Favorite color: RED!
BestFriend: LUCIIII at ang Bulong hihi
Hobby: Experimenting

Kapwa napakunot ang noo ng dalawa ng mabasa ang sagot nito sa mother and father.

“Did her father tried to rape her?” kunot noong tanong ni Ian. Napakuyom siya ng kamao

“Wait…. Viex?” napaisip ang Detective. Pamilyar sa kanya ang apilyidong ito. Pilit niya itong inalala. “Around 2005! right!”

Kahit nalilito ay pinagmasdan lang ni Ian ang Detective na nagkakalkal ng mga case files

“Here it is! I knew it!” iniabot niya ang isang file na may nakalagay na Romuldo Viex

“When I’m still in my OJT. Narinig ko na pinag-uusapan nila ang case na yan. Romuldo Viex is found death with his penis missing and when they found it, durog na,”

Hindi makapaniwalang tiningnan ito ni Ian. Labis labis na pagka-awa ang nararamdaman niya dahil sa sinapit ng kaawa awang dalagita

“Hindi nahuli ang may gawa dahil nawala ang ebidensiya. Kita mo na? At her young age nakagawa na siya ng malinis na krimen,” pinagmasdan niya ulit ang notebook

“But who’s Luci and….bulong?” puno ng pagtatakang sabi ng Detective. Nakitingin na rin si Ian sa notebook “May nabanggit ba siya sayo about sa mga kaibigan niya?”

Napaisip si Ian “Wala. She said……nothing,” doon lang napagtanto ng binata na kahit minsan ay walang binanggit ang dalaga tungkol sa personal nitong buhay.

Nang buksan nila ang sunod na pahina ay tumambad sa kanila ang isang note

Lagi akong walang kausap kaya naisipan kong gumawa ng Diary. Isinulat ko dito lahat ng mga naging karanasan ko ng bata pa ako. Ngayon lang kasi ako natutong makapagsulat ng maayos. Yung description ko sa sarili ko halos 5 years old pa ako nang isinulat ko, ngayon itutuloy ko na. Matagal ding nakatago tong notebook na to. Gusto kong may magpaalala sakin sa future ng naging kabataan ko at ikaw diary na pangangalanan kong DEATH NOTE ang gagawa non para sakin. Pinangalanan kitang ganyan kasi puro mga pagpatay lang naman ang ginagawa ko HAHAHAHA

Entry no.1

Hi Death note! Ikukwento ko sayo yung unang napatay ko. Guess what? It’s Romuldo! Hihi. Nagpapasalamat ako kay Luci dahil tinulungan niya ako. Kung wala si Luci ay baka tuluyan na niya akong na-rape. Nagpapasalamat din ako sa bulong, siya ang naging pangalawang nanay ko. Palagi niyang sinasabi sakin lahat ng mga kailangan kong gawin. Hindi niya ako pinapabayaan. Siya ang dahilan kung bakit malinis kong napatay si papa. Pero naiinis ako kasi patay na nga si papa, may bruha namang pumalit dito sa bahay! Sobra akong naiinis sa kanya dahil lagi niya akong inuutusan. Yung mga punyeta niya pang anak, inagaw ang kwarto ko! Gusto ko siyang isunod kay papa kaya lang hindi ko magawa dahil sabi niya, wala daw ibang mag-aalaga sakin kung hindi siya lang, dahil kung wala daw siya ay sa DSWD daw ako mapupunta. Magtitiis nalang muna ako hanggang sa umabot ako ng legal age tapos papatayin ko na siya pati na rin ang mga anak niya.

Nagtinginan ang dalawa. “She’s now in her legal age right?”

Tumango si Ian sa tanong ng detective

“Mukhang tinupad niya talaga ang nakalagay sa diary niya.” napailing ang Detective

Ngunit naguguluhan pa rin ang dalawa kung sino ang tinutukoy ng dalaga na Luci at Bulong. Kung sino man ang mga ito ay tiyak nila na ito ang nag-uutos sa dalaga. Pinagpatuloy nila ang pagbabasa ng diary ni Ella. Halos inabot na sila ng madaling araw kakabasa.

Hindi mapigilan ng dalawa na mapangiwi sa binabasa. Kada entry kasi nito ay may isang larawan na nakalagay. Larawan ng mga ginawa nito sa bawat nakasulat.

“May tumawag kanina Detective. Mayroon daw kidnapping na naganap sa Coast. Sabi daw ng tumawag kanina, kailangan daw nila ng tulong,”

Agad napahinto ang dalawa sa binabasa. Dali dali silang nag-ayos ng sarili. Pareho silang kinutuban. Sa tingin ni Detective ay baka nang-hostage si Ella habang ang tumatakbo naman sa isip ni Ian ay baka isa si Ella sa nakidnap.

Pagdating nila sa Coast ay marami ng mga taong nakikiusyoso. Agad naman nilang nilapitan ang mga kasamahang pulis na nag-iimbestiga

“Anong nangyari?”

“Detective! Mukhang may gagawing illegal transaction ang barkong ito. Mayroong nakitang mga pakete ng shabu at isang sako ng marijuana. At mukhang pati ang mga taong ito balak ibenta ang internal organs base na rin sa statement ng isa sa kanila,”

Dumako ang mga mata nila sa mga kawawang bata na nanginginig sa isang gilid.

“But Detective, those kidnappers found dead. Ang sabi ng babae na yun---,” sabay turo nito kay Donna. “---Mayroon daw silang isa pang kasama na babae--”

Hindi na pinatapos ni Detective ang pulis dahil dumiretso na siya sa mga naging biktima.

“Excuse me. I’m Detective John Choi,”

Nilahad nito ang kamay sa nanginginig na si Donna

“D-donna,”

“You said mayroon pa kayong isang kasama na babae right?”

Tumango ang dalaga

“Ella ba ang pangalan niya!?” singit ni Ian

Muling tumango si Donna. Sabay na nagkatinginan ang dalawa. Kapwa sila napakunot ang noo

“Did she kill those men?” sabay turo ni Detective sa mga ngayon ay bangkay na kidnappers na nilalagay na sa isang itim na bag.

“H-hindi namin alam. P-pero posible ding siya. Siya ang unang nakalabas sa amin. Pagbalik niya sa amin…ganyan na ang naabutan namin. P-patay na silang lahat,”

“Where is she?!” kinakabahang tanong ni Ian

“Umalis na siya sakay ng isang life boat. S-sabi niya….mayroon pa raw siyang kailangang puntahan,”

“Damn!” Detective curse under his breath

“She save us,” nakangiting bulong ni Donna

“She’s a psychopat. She kill her own family,”

Napawi ang ngiti ng dalaga. Nanlaki ang mata niya. “P-pero mabait siya,”

Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon