Chapter 25

41 3 1
                                    

Sinundan ko lang siya sa kanyang paglalakad. Mukhang pauwi na siya. Sinigurado kong pinanatili ko ang distansiya sa aming dalawa. Masyadong malakas ang pandama ng hayop na Detective nato kaya kailangan kong mag-ingat.

Mukhang wala siyang balak na sumakay o ano man. Diretso lang siyang naglalakad at parang animoy tulala. Huminto siya kaya napahinto rin ako. Nagkunwari akong sumandal sa isang poste at tumitingin tingin sa mga sasakyan. Luminga linga siya sa paligid.

Maya-maya pa ay dumiretso na siya ulit sa paglalakad. Sinundan ko lang siya hanggang sa huminto siya sa isang abandonadong eskwelahan. Teka? eskwelahan?

“Do you think you can fool me Miss……….Viex,” nakangisi siyang humarap sakin “Kahit ano pang ayos mo, kilalang kilala na kita. Kabisado ko na ang lahat sayo. Alam na alam ko ang presensiya mo,”

Inalis ko ang mask at shades na nasa mukha ko. Nginisihan ko rin siya

“Hi Detective,” inilabas ko si Luci “Alam mo ba kung gaano ako kasabik na mayakap ka ng mahigpit?………..sa leeg. Sa paano kaya kitang paraan dapat patayin hmmm,”

Humalakhak siya. Napipikon ako sa tawa niya pero hindi ko pinahalata. Umigting ang panga ko. Nag-ngi-ngit na ang ipin ko sa sobrang gigil sa kanya.

“Alam ko.” ngumisi siya “Pangalan ko nga ang huling nakalagay sa mga kailangan mong patayin right? I know that you will came for me,” hindi pa rin mawala-wala ang ngisi sa mukha niya

Ako naman ngayon ang humalakhak “Ikaw lang mag-isa ngayon Detective. Pero ako? Tatlo kami. Si Luci, ang bulong at……..ako,”

Naging seryoso ang mukha niya “Hindi ka man lang ba nakonsensiya sa mga ginawa mo?”

Mas lalo akong natawa “They’re all deserve to die!” nanlisik ang mata ko “Sila ang nagtulak sakin maging ganito! Alam mo ba ang pakiramdam na laging nag-iisa?! Ha? hindi! Wala kang alam!? I’m a mess! Halos sa buong buhay ko wala akong makausap! Sinasarili ko lahat! Ako lang! Kahit simpleng bagay na nagagawa ng mga bata hindi ko man lang naranasan! Maglaro! Magkaroon ng kaibigan! Mag-aral! LAHAT PINAGKAIT SAKIN! At sila ang may gawa non sakin! Naipon lahat ng galit ko! Walang tumulong sakin! Sa araw araw na gigising ako, sukang suka na ako sa mga paulit! Ulit! Ulit! Na nangyayari!” tumawa ako “Pero alam mo? Mabuti nalang at nakilala ko si Luci at ang bulong. Sila lang ang tumulong sakin! Lahat ng to?! sila lang! Pero ikaw?!” dinuro ko siya “SINIRA MO LAHAT!”

“Ang bulong na sinasabi mo at ang Luci na yan,” sabay sulyap niya kay Luci “Hindi sila totoo Ella--”

“NO! FUCK YOU!” sigaw ko

“MAKINIG KA SAKIN ELLA! MALILIGTAS PA KITA! Kaya kitang tulungan!”

Tumawa ako ng malakas na parang ang sinabi niya ang pinaka-nakakatawang bagay sa buong mundo. Maluha-luha pa ako sa kakatawa.

“Wag mo na ako bolahin Detective! Wala ng pwede pang makapagligtas sakin! Wala na!”

Sinugod ko siya. Agad siyang nakailag sa pagtangka kong pagsaksak. Sinipa ko siya sa sikmura. Nag-pipigil siya na masaktan ako na mas lalong kinagalit ko. Anong tingin niya sakin? Mahina?! lumaban ka!!

Nahawakan niya ang kamay ko at pinilipit papunta sa likod. Agad akong napangiwi sa sakit. Nabitawan ko si Luci.

“Sumuko ka nalang Ella,”

Buong pwersa kong sinipa patalikod ang ari niya. Napaluhod siya sa sakit. Wala akong inaksaya pa na panahon at sinipa siya ng malakas sa ulo.

“Damn,”

Bago pa man ako makalapit para makuha si Luci ay nahila niya ako sa paa. Napasubsob ako. Sinipa sipa ko ang mukha niya pero ayaw pa rin niyang bitawan ang paa ko. Pilit kong inabot si Luci. Sinipa ko siya ng malakas at tinamaan ang ilong niya kaya napabitiw siya sakin. Agad akong gumapang papunta kay Luci.

Nang maabot ko si Luci ay pumihit ako paharap sa kanya. “Ikaw ang sumuko Detective at tanggapin mo na ang kamatayan mo,” ngumisi ako. Dinampot ko ang isang tubo sa gilid

Tumayo siya at ngumisi “Pinapalala mo lang lalo ang sitwasyon,”

“Magiging okay na ang lahat kapag napatay na kita,”

Sinugod ko siya. Nagbunuan kaming dalawa. Ilang beses ko siyang nahampas at ilang beses na rin niya akong nasipa. Masakit na ang katawan ko pero nangingibabaw ang determinasyon kong mapatay siya.

Napaupo siya sahig dahil muli ko nanamang natamaan ang ari niya. Buong pwersa ko siyang hinampas ng tubo sa ulo. Tumumba siya at agad na nawalan ng malay. Hingal na hingal ako

Kumuha ako ng isang upuan at don itinali siya. Kumuha rin ako ng isa pang upuan at inilagay sa harap niya, pabaliktad akong umupo.

Nang magising siya ay sinalubong ko siya ng isang ngisi. “So saan mo ako gustong mag simula?” pinaglandas ko si Luci sa mukha niya “Ang tagal kong hinintay to,” napahagikhik ako

Ngumisi siya sakin.

“Siguro dapat kong umpisahan sa labi mo. Alam mo bang iritang irita ako kapag nakikita ko ang nakakabwisit mong pang ngisi ngisi na yan?”

Umapaw lalo ang galit ko ng marinig ko ang halakhak niya. Pero agad ding napawi ang halakhak niya ng saksakin ko siya sa braso. Ako naman ngayon ang humalakhak

“AAHHH!”

Sinabunutan ko siya at agad na sinugatan ang bibig niya papuntang pisngi niya. Mas lalo siyang napasigaw.

“Tumawa ka hangga’t gusto mo dahil ito na ang huling halakhak mo,”

“No mali ka. Dahil sakin pa rin ang huling halakhak,”

Napakunot ang noo ko ng may mga liwanag na tumapat sa amin

“ITAAS MO ANG KAMAY MO!”

Nakaharap pa rin ako sa walanghiyang Detective. Nginisihan niya ako.

“ITAAS MO SABI ANG KAMAY MO!”

“Bago ako mamatay sa gabing to. Isasama na kita!”

Itinarak ko si Luci sa dibdib niya , agad siyang napasuka ng dugo. Umalingawngaw ang dalawang putok……. Nakaramdam ako ng hapdi sa tiyan ko at balikat ngunit hindi ko ito pinansin. Sasaksakin ko na sana ulit siya ng makaramdam na naman ako ng panibagong hapdi sa paa at kamay ko. Napaluhod ako. Nabitawan ko si Luci.

Nanginig ang mga kamay ko. Umagos ang dugo sa bibig ko. Masakit. Sobrang sakit. Tinitigan ko siya sa mata. Sobrang sakit pala na ang taong mahalaga sayo ang mismong papatay sayo. Napangiti ako ng mapait. Umagos ang luha ko. Nabingi ako. Wala na rin akong ibang makita bukod sa kanya na nakatutok pa rin ang baril sa akin.

Napahiga ako sa sahig at napatitig nalang sa kawalan. Namamanhid na ako. Mapait akong napangiti. Dito na siguro matatapos ang lahat…..

May isang bisig na nag-angat sa ulo ko. Umiiyak siya. Nakangiti kong hinaplos ang mukha niya. Minsan na niya akong napasaya, pinaranas niya sakin ang ibang bagay na hindi ko pa nagawa. And I’m thankful for that. Kahit papano naranasan ko ang ngumiti ng totoo. Makakita ng napakagandang dagat. Magsaya ng walang ibang iniisip. Makatulog ng payapa dahil sa tuwing ako lang mag-isa at pipikit ako, palaging bangungot ang sumasalubong sakin. Pag kasama ko siya pakiramdam ko ligtas ako. Ngayon kailangan ko ng mag paalam. Nakakalungkot na dito na matatapos ang lahat. Na sa ganitong paraan na kami mag-tatapos.

“I-im s-so sorry,” hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa mukha niya

Pinag-masdan ko ang mukha niya kahit man lang sa aking huling sandali.

Malungkot ko siyang nginitian “I-it’s okay, it’s o-okay. M-masaya ako na malalagay na ako sa tahimik,” napapikit ako ng makaramdam ng kirot. Nanlalamig na rin ako “Maraming s-salamat sa lahat. M-mahal kita Ian,”

Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon