“Dead on the spot ng matagpuan ang katawan na kinikilalang si Maritez Marquez na kilala sa tawag na Bebang sa bayan ng Hangsten. Ayon sa imbestigasyon ay tinanggalan umano ng dila ang ginang at durog nalang nila itong nakita sa sahig. Mayroon din itong saksak sa leeg. Ayon sa kuha ng CCTV sa bahay ng mga Marquez, ang salarin daw ay nakasuot ng damit na gaya ng kay Cinderella ngunit hindi daw kita ang mukha nito dahil nakasuot daw ito ng puting maskara. Wala rin daw mahanap na fingerprints sa crime scene dahil nakasuot ng puting gloves ang salarin. Isang misteryo pa rin sa atin kung sino nga ba ang salarin kaya pinapayuhan ang lahat ng mamamayan ng Hangsten na mag iingat. Ako po si Jenny nag uulat,”
“Grabe naman yung nangyari kay Aling Bebang. Parang nung nakaraan lang nagluluto pa siya dito satin,” malungkot na sabi ni Anna
“Kung sino man ang gumawa nun ay napakasama niya. Halang ang bituka!” sigaw na sabi ni Themarie
Napangisi ako. Should I be honored to hear that? Wag kayong mag alala at isusunod ko kayo.
Tinapos ko nalang ang paghuhugas ng mga pinagkainan ng mga hampaslupa.
Kalat na kalat na ang nangyari kay Aling Bebang. Tinawag pa nila akong The killer Cinderella. Nakakatawa.
Umakyat na ako sa itaas upang magbihis. Pupunta ako sa kabilang bayan para kunin ang mga papeles sa bahay ni Attorney Jerson, ang attorney ni papa. Ang paalam ko lang kay Themarie ay dadalawin ko si papa.
Ngayon ang kaarawan ko. Hindi ito alam ni Themarie dahil ang tanging alam lang niya ay sa makalawa pa ang kaarawan ko. Anong akala niya sa akin? Walang utak? Tsk. Dahil nasa legal age na ako ay maaari ko ng makuha ang mana ko. Ang hayop na Themarie na yon! Pati mana ko gusto din niyang makuha!
Dinala ko ang disguise ko incase na may mangyari. Ngayon ay araw ng mga patay. And also my birthday. Funny right? Sa lahat ng araw na pwedeng maging birthday ko Nov 1 pa talaga!
Busy ang lahat ng mga bata. Nakakatuwa silang pagmasdan. Ano kaya ang lasa ng isang bata? Maybe I should give it a try eh? Tinawagan ako ni Attorney dahil maaari na raw na maipasa sa akin ang mga mamanahin ko.
Sumakay na ako ng taxi. Ilang minuto lang ang biyahe ay nakarating na ako sa bahay ni Attorney. Kumatok ako ng tatlong beses
“Oh hija nandito ka na pala. Please come in,”
Pumasok naman ako at naupo sa may couch sa sala. Inilapag niya ang mga papeles sa harap ko “Ang mamanahin mo lang sa papa mo ay ang savings na binukod niya para sayo na nagkakahalagang 2 million,” napakunot ang noo ko
“And our Mansion?”
“Sad to say, ibinigay niya kay Themarie ang bahay niyo and his other assets,” malungkot na saad ni Attorney
That old man!! how could he be this cruel!? Ako ang anak niya tapos ibibigay niya lang lahat sa kabit niya? Kahit patay na siya ay parang gusto ko pa rin siyang pagsasaksakin ng paulit ulit
“Kung ganon, paano mapupunta sa akin ang Mansion? Attorney!” frustrated kong sabi “Alam mong ako lang ang nag iisang tunay niyang anak! Dapat sa akin mapunta ang lahat!”
“Sorry Miss. Viex but wala na akong magagawa dahil pirmado na ng tatay mo ang mga dokumento at kahit mamatay si Themarie ay mapupunta pa rin sa mga anak niya ang mga minana niya sa ama mo,”
“And what if they’re all dead?” nakangisi kong sabi
Gulat na napatingin sa akin si Attorney at halatang kinabahan “M-maaaring mapunta na sayo lahat. Y-your not planning to kill them righ---,”
I cut him off “Ofcourse not! Attorney. Hindi ko kayang pumatay ng tao,” natawa ako.
Halos mamutla na si Attorney sa harapan ko
***
Halos nalamukos ko na ang mga papeles na hawak ko habang nakatingin sa puntod niya.
“Hayop kang matanda ka! How could you--- how could you do this to me huh!? kaya siguro tayo iniwan ni mama dahil diyan sa katangahan mo! Alam mo ba ang hirap na dinadanas ko ngayon!! huh!?” napahawak ako sa ulo ko at frustrated siyang tningnan “Yang punyetang kabit mo malapit mo ng makasama diyan sa impiyerno!” I grin “Alam mo bang masayang masaya na si mama sa bago niyang pamilya!? tapos ako eto nag iisa! DAHIL YUN SA KAGAGAWAN MO!” inapak apakan ko ang lapida niya sa sobrang inis ko “Pare pareho kayong mga walang kwenta!” pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala akong pakeelam! “2 million? Really? Mabubuhay na ba ako niyan ha? Alam mo bang hindi ako nakapagtapos ng pag aaral dahil diyan sa kabit mo!! nagpapakasarap sila sa bagay na dapat para sakin! Inabando niyo akong lahat!” napaupo nalang ako at tuluyan ng napahagulgol. Ito na ang huling araw na iiyak ako. Ito na ang huling araw na magiging mahina ako. They will all pay!
Nang batid kong makulimlim na ay umalis na ako. Dumilim na rin ang paligid. Panay ang tawag sakin ng magaling kong madrasta dahil nagugutom na daw sila at wala pa ako! Wag kang mag alala Themarie at pakakainin kita ng espesyal mamaya dahil kaarawan ko
Pumunta muna ako sa isa sa mga comfort room dito malapit sa sementeryo. Nagpalit na ako ng damit. I am now The killer Cinderella.
Sinuot ko rin ang maskara ko. Walang nakakapansin sa akin dahil halos lahat ng mga tao ay naka costume din lalong lalo na ang mga bata. Aakalain lang nilang isa ako sa mga mag trick or treat.
Babalik ako ngayon sa bahay ni Attorney dahil tiyak ko na siya ang magiging hadlang sa gagawin ko. Nang makapasok sa gate nila ay dahan dahan akong naglakad. Nang malapit na ako sa pinto niya ay kinuha ko muna ang Pala na nakita ko kanina sa labas.
Itinago ko ang pala sa likod bago kumatok. Agad siyang ngumiti ng makita ako ngunit agad ding naglaho ang ngiti niya ng marinig ang boses ko
“TRICK OR TREAT!”
Inilabas ko ang pala sa likod ko at tiningnan siya ng may ngisi
Sisigaw na sana siya ng maunahan ko siya. Pinukpok ko ng malakas ang pala sa ulo niya. Nang mawalan siya ng malay ay hinila ko siya papasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)
Horror"It doesn't suit to me to be a princess...or to be a damsel in distress. My profession is to kill, so why not to be a........ psychopath,"