“Miss! Miss! Okay kalang ba?”
Nagising ako ng makaramdam ng may yumuyogyog sa balikat ko. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Nasa pampang na ako
“Nasaan ako?”
“Ito ang Isla Lawig Miss. Tiga saan kaba? Naliligaw kaba?”
“Anong araw na ngayon?”
“Huh? A-ah ika-1 ng disyembre na. Lunes,”
Sa pagkakatanda ko ay umalis ako sa barko na yun ng ika-28 ng nobyembre. It means? Tatlong araw na akong palutang lutang?
Napahawak ako sa tiyan ko ng makaramdam ng kirot.
“Miss! Miss! Okay kalang ba? Namumutla ka!”
Malabo na sa pandinig ko ang boses niya. Nabibingi ako sa kakaibang tunog na naririnig ko. Nahihilo na rin ako. Parang hinahalukay rin ang tiyan ko. Namilipit ako sa sakit
“Tulong! Tulong!”
Hindi ko na alam ang nangyari dahil nawalan na ako ng malay. Ang huli ko nalang natandaan ay ang mga bisig na bumuhat sakin at ang bulungan ng mga tao
*********
Agad akong napahawak sa ulo ulo ko ng makaramdam ng sakit. Hindi ko na alam kung nasaang lupalop nanaman ako napapad.
“Oh gising kana pala! Oh eto kumain ka muna,”
Inilapag ng isang binatilyo ang pagkain sa harap ko. Agad namang kumalam ang sikmura ko. Dali dali kong sinunggaban ang pagkain at sunod-sunod ni sinubo. Napanganga naman siya habang pinagmamsdan ang pagkain ko na parang isang linggong di kumain.
“Siguro ang layo ng pinanggalingan mo at ganyan ka kagutom. Iyan siguro ang dahilan kung bakit nawalan ka ng malay,”
Hindi ko na siya pinansin dahil talagang gutom na gutom na ako. Tatlong araw din akong di kumain. Mabuti nalang talaga at sanay ako na kumain ng once in a day kaya nakayanan ko ang tatlong araw.
Nabulunan ako sa sunod-sunod na pag-subo. Tinapik tapik ko ang dibdib ko. Agad naman siyang nag panic at nag abot sakin ng tubig.
“D-dahan dahan lang Miss,”
“Nasaan ang bag ko?”
“Ah eto oh,”
Sinilip ko ang laman at nandon pa rin naman lahat. Marami akong nakuhang bundle ng pera sa mga gunggong na kumidnap samin. Kalahati ang kinuha ko at ang kalahati naman ay ang binigay ko kila Donna para mapaghati hatian nila. Sa aming lahat, ako ang mas nangangailangan ng pera kaya hindi ko sinabi na mas malaki ang nakuha ko.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Bahagya naman siyang pinamulahanan ng mukha
“Salamat sa pag-ligtas sakin pero kailangan ko ng umalis,”
Hinigop ko lahat ng sabaw na natira. Kumuha ako ng pera sa bag at iniabot sa kanya. Ayaw niyang tanggapin ng una pero ng sinabi kong pasasalamat ko na ito dahil sa pagligtas niya sakin ay kalaunan tinanggap niya na rin.
“Kailangan ko ng umalis,”
“P-pero a-ayos kana ba? Namumutla kapa,”
“Ayos na ako.”
“Gusto mo bang ihatid na kita? B-baka kasi hindi mo kabisado ang lugar nato,”
“Hindi na kailangan. Kaya ko ang sarili ko. Maraming salamat ulit. Kailangan ko ng umalis,”
Naiinis ako sa kabaitan niya dahil may naalala ako pero nginitian ko pa rin siya at nagpasalamat nalang ulit. Alam kong pinaghahanap na ako ng mga pulis. Hindi ko rin alam kung gaano kalayo tong Isla Lawig pero isa lang ang natitiyak ko. Hindi sila titigil lalo na ang Detective na yun hanggat hindi ako nahuhuli.
Pilit kong tinatakpan ang mukha ko ng hoodie na suot ko. Mabuti nalang talaga at ang hoodie ni Ian ang nasuot ko----
“Shit! Kay Ian to! Mas madali nila akong mahahanap nito!”
Dali-dali kong hinubad ang hoodie. Wala na akong pakeelam kahit na naka bra lang ako. Marami namang mga naka bikini sa daan dahil may malapit na beach dito.
Naghanap ako ng tiangge na nagbebenta ng mga ukay ukay na damit. Bumili ako ng bag at iba pang damit na kakailanganin ko lalo na ang mga under wear. Mayroong CR sa malapit kaya doon nalang ako naligo at nagpalit ng damit. Nagtanong tanong din ako sa mga tao kung saan mayroong malapit na salon
Isang maliit na salon lang ito pero maraming mga costumer sa loob. Hindi pa naman siguro nakakarating sa isla nato ang alagad ng Detective na yun. Bumuntong hininga ako at pumasok na sa loob. Agad naman akong nilapitan ng isang bakla
“Anong treatment sayo miss?”
“Hair cut and hair color,”
“Okie. Sit here bebe gurl. Just wait for your turn,”
Halos sa buong oras na nag-aantay ako ay napaparanoid ako lalong lalo na kapag may pumapasok sa pinto. Kinakabahan ako na baka ang susunod na papasok ay isa palang pulis na naka civilan. Mahigpit ang kapit ko sa bag ko. Di ako pwedeng matakot dahil kasama ko si Luci.
Ilang oras pa akong nag-antay. Nang makaharap ako sa salamin ay napagmasdan ko ang itsura ko. Anlaki na ng pinayat ko. Nangangalum mata na rin ako. Nawala na ang dating kulay sa mukha ko. Gusto kong maiyak sa mga nangyayari sakin. Gusto ko ng manahimik nalang at mamuhay sa malayo pero parang pinagkakait sakin iyon ng tadhana. Karma ko na rin siguro ito. Wala ng katiyakan ang buhay ko. Malabo ng malagay ako sa tahimik dahil alam na ng lahat na ako ang may sala. Kahit saan ako mag-punta, alam kong hahanapin nila ako.
Pumikit ako at hinayaan nalang sa bakla ang proseso sa buhok ko. Dalawang oras ang tinagal. Pag dilat ko ay parang ibang tao na ang bumungad sakin. Ang buhok kong dating hanggang bewang ay hanggang leeg nalang. Ang dating kulay itim, ngayon ay blonde na. Nagpalagay din ako ng bangs para mas lalong mahirapan ang kung sino man na makilala ako. Nagbayad na ako at dumiretso na sa labas
Bumili ako ng shades at mask para walang makakilala sakin. Kinuha ko ang cellphone na nakuha ko sa isa sa mga bantay sa barko. Naiwan ko kasi ang cellphone ko sa rest house nila Ian. At kung dadalhin ko naman yun ay tiyak na itatrack nila ako gamit yun
Hinanap ko sa google map ang bayan ng Hangsten. Limang bayan din ang layo nito dito sa Isla. Kung mag travel ako by land, aabutin ako ng tatlong araw. Hindi ako pwedeng mag barko dahil tiyak na pinababantayan nila lahat ng biyahe don dahil sa dagat ako huling nawala at mas mabilis akong mahahanap don. Alam ko ang takbo ng utak ng Detective na yun. Hindi nga ako nagkamali ng hinala sa kanya, na siya ang sisira sa lahat ng plano ko.
Humanda ka Detective dahil isusunod na kita.
BINABASA MO ANG
Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)
Terror"It doesn't suit to me to be a princess...or to be a damsel in distress. My profession is to kill, so why not to be a........ psychopath,"