“This will be your room,”Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto. Hindi gaanong malaki at hindi rin gaanong maliit. Sakto lang. Pinaghalong mint green at white ang kulay. Kitang kita rin sa malaking bintana ang buong tanawin.
Inayos ko na ang mga gamit ko dahil maya-maya daw ay ipapasyal niya ako. Naeexcite na ako! This is my first time. Ngayon nga lang din ako nakalayo ng ganito. Buong buhay ko halos umikot lang sa Hangsten at sa loob ng bahay.
Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ay bumaba na ako. Naabutan ko siyang tumatawa habang nakikipag-usap kay Manang Teresita. Agad siyang nagpaalam kay manang ng mapansin ako
“Let’s eat first,”
Pumunta kami sa likod bahay nila kung saan merong isang motor. Hindi raw kasi kaya ng lakaran ang mga pasyalan dito dahil masyadong malayo. Hindi rin naman namin magagamit ang kotse niya dahil hindi kakasya sa daan
Habang bumabiyahe ay nakatingin lang ako sa ganda ng lugar. Napaka-refreshing. Siguro someday mas pipiliin kong sa ganitong lugar nalang tumira.
Bawat nadadaanan naming mga bahay ay maliliit lang pero halata mo sa mga tao na nakikita namin na kuntento sila sa buhay.
Kalahating oras ang tinagal ng biyahe namin. Hindi ito katulad ng mga retaurant sa Hangsten na puro salamin. Para lang itong bahay kubo…..na lumulutang
Lumapit ako sa dagat kung saan tanaw mo ang iba pang kubo na lumulutang. Karaniwan sa kanila ay magpapamilya o kaya naman ay mga couple
“Let’s go. Nakapag reserve na ako kanina habang nag-aayos ka ng gamit,”
Inalalayan niya akong makasakay sa kubo. Meron ng iba’t ibang putahe ang nakahanda sa loob. Karamihan ay mga seafood.
Nang makasakay na si Ian ay tinanggal na niya ang tali na nakakabit sa kubo. Kinuha niya ang sagwan at iniabot sa akin ang isa.
“D-di a-ako marunong,” nahihiyang sabi ko sa kanya
“Just follow what I do. Madali lang to don’t worry,” sabay halakhak niya
Tawa lang kami ng tawa habang nagsasagwan. Minsan kasi ay magkaiba kami ng direksyon kaya ang ending umiikot lang kami. Sa gitna kami huminto. Wala gaanong mga kubo sa malapit. Napakasarap ng mga pagkain. Nagkwentuhan lang kami ni Ian ng kung ano anong mga bagay bagay.
Pagkatapos naming kumain ay inenjoy muna namin saglit ang dagat. Nakalublob lang ang paa namin sa tubig dahil pareho kaming walang dalang extra na damit. Nang mapagod sa kakatanaw ay napagpasyahan na namin na bumalik
Dinala naman niya ako sa isang bundok kung saan magba-bike ka sa itaas ng lubid. Hindi ko alam ang tawag don dahil first time ko lang iyon makita. Nung una ay takot ako dahil baka mahulog ako but he always assure me. Sa una nakaka-kaba dahil sa sobrang taas pero sa katagalan ay maeenjoy mo na rin.
Sa araw na iyon ay marami pa kaming ginawa. Nagpakain kami ng mga unggoy at marami pa. Pumunta rin kami sa isang hot spring at nagpa full massage. Nanood din kami ng palabas sa kabilang bayan dahil fiesta. Bumili kami ng mga souvenirs at kumuha ng mga litrato. Pagod na pagod ako pag-uwi kaya naman nakatulog agad ako.
Sa pangalawang araw naman namin ay nagpunta kami sa isang beach resort. Nag try din kaming mag surfing pero sumuko agad ako dahil lagi nalang akong nalalaglag sa tubig. Nag jet skie din kami at banana boat. Buong araw halos tawa lang kami ng tawang dalawa tuwing bumabagsak kami sa tubig.
Pinanood lang namin ang paglubog ng araw sa huling araw namin. Pareho lang kaming tahimik at ine-enjoy ang mga sandali. Totoo nga talagang napakabilis ng araw kapag masaya ka. Gusto ko pang mag stay kahit ilang araw pa pero alam kong mayroon pa akong mga bagay na kailangan ayusin.
Alam kong nagtatampo na si Luci dahil lagi ko siyang naiiwan. Halos hindi na rin ako dinadalaw ng kahit anong bangungot. Pansin ko din na basta nasa tabi ko si Ian…..I feel safe. I know this is not healthy.
Tumayo na kami ng tuluyan ng lumubog na ang araw. Kailangan pa naming maghanda at mag ayos para sa pag-alis namin bukas
“Thank you Ian,” hinarap ko siya
“No, thanks to you. Akala ko talaga hindi ka papayag na sumama sakin. I’m hoping for the next time,” he smiled
“Kung hindi ako nag-enjoy….hindi ako sasama but yeah sure…next time,”kapag naayos ko na lahat…
He look at me ang held my hand “If it’s okay to you…,” napakamot siya sa likod ng tenga “C-can I court you?”
Nanlaki ang mata ko “Why?”
“Because I think Im already inlove with you. Hindi naman kita minamadali, I m-mean…I know na kakakilala palang natin but--You can think about it! Hindi naman ako nagmamadali,”
Ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Hindi sa kilig kundi dahil sa kaba. Kaba na paano kapag nalaman niya ang tunay kong pagkatao. Gustong gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat dahil kahit papano ay pinagkakatiwalaan ko siya. Pero takot ako. Takot ako sa magiging reaksyon niya. Alam kong magagalit siya sakin. Hindi niya ako matatanggap! Sino ba namang tatanggap sa katulad kong mamatay tao!? na pati sariling pamilya pinatay!?
Naramdaman ko ang pagdampi ng palad niya sa mukha ko “W-why a-are you crying?”
Napahawak na rin ako sa mata ko. Ngumiti ako ng pilit “I’m just happy,”
Bago pa siya makapagsalita ay hinalikan ko na siya. Ramdam ko ang pagkabigla niya pero kalaunan ay tumugon na rin siya. Wala na kaming pakeelam sa mga nanonood sa aming dalawa.
Ayokong magtanong ulit siya dahil wala pa akong maibibigay na tamang sagot. Marami pa akong kailangang ayusin lalo na sa sarili ko.
Pareho kaming napatigil para maghabol ng hininga. Napahalakhak ako para itago ang awkward sa isa’t isa at para na rin mapigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Niyakap niya ako ng mahigpit, na parang kapag binitawan niya ako ay tatakbo ako palayo sa kanya. Mas lalong nagbadya ang luha ko
Im so sorry Ian but this will probably…….the last.
BINABASA MO ANG
Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)
Horror"It doesn't suit to me to be a princess...or to be a damsel in distress. My profession is to kill, so why not to be a........ psychopath,"