“Nahuli na po ang hinihinalang mamamatay tao na naka-Cinderella in disguise. Siya ay ang kinikilalang si Themarie Mendez na nakatira sa bayan ng Hangsten. Dead on the spot ng matagpuan ang katawan nito dahil sa kalagitnaan ng krimen ay inatake siya sa puso. Ang hinala ng mga pulis ay mayroong sakit sa pag-iisip ang ginang, ayon na rin sa salaysay ng step daughter nito, na tanging nakaligtas sa pagtangkang pag murder ng ginang sa buong pamilya……….”
Nilagok ang mamahaling alak na nakita ko sa kwarto ni Themarie ng may ngiting tagumpay sa labi. Nagpa-party ako ngayon mag-isa dahil sa wakas ay masosolo ko na ang buong mansion.
Pinatay ko na ang TV at nag patugtog ng malakas. Sumayaw akong mag-isa at sumabay sa kanta na parang baliw. Ito palang ang una kong tagumpay at may susunod pa
Kalalabas ko lang sa hospital. Paniwalang-paniwala sakin ang mga pulis na hindi ako ang may sala. Nakakatawa sila. Totoo nga ang sabi nila, bobo ang mga pulis. Hindi sila magagaling! Hindi sila marunong mag imbestiga!
Para na akong baliw na tumatawa habang sumasayaw bitbit ang bote ng alak. Ngunit bigla nalang akong napatigil ng maalala ko si Luci. Si Luci! Baka nalulungkot na siya dahil naiwan ko siyang mag-isa! Kailangan ko siyang mahanap. Hindi pa tapos ang mga plano ko. Hindi pa ako kuntento dahil hindi pa ako nakakaganti sa mga nagpahirap sakin. Nagsisimula palang ako.
******
Natulog akong may ngiti sa labi, at nagising ding may ngiti sa labi.I look around in Themarie’s room. Kaya naman pala laging matagal bumangon ang bruha na yon! Mas malambot pa ng triple ang higaan niya sa higaan ko. Mas malaki rin kumpara sa kwarto ko. Ngayon nalang ulit ako nakapasok dito at totoo ngang pinabago lahat ni Themarie ang nandito. Sa pagkakaalala ko ay ito ang dating kwarto nila mama at papa.
Bumangon na ako at inenjoy ang masarap na almusal. It’s my first time to have a proper breakfast since when I was five. Now I realize, there are a lot of things that stole to me. Family, wealth, money, childhood, properties and everything that belongs to me!
Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako sa kwarto nila Driz at Anna or should I say…..my room! Ghad! I miss my room. Ang walanghiya kasing si Themarie ay pinalipat ako sa bodega sa taas at ibinigay sa mga wala niyang kwentang mga anak but anyway, it’s mine now! Sa bahay na to, ako na ang boss! I laugh with that thought
Bitbit ang pinaka magandang dress na nabili ko sa buong buhay ko ay binuksan ko ang walk in closet. Punong puno ito ng magagarang damit na paniguradong binili ni Themarie gamit ang pera ko. Inilagay ko doon ang pinaka-mamahal kong dress.
Isa-isa ko ring sinukat ang ibang mga dress. Umikot ikot pa ako sa salamin para tingnan ang kabuuan ko. Pumunta ako sa vanity mirror at binuksan ang kabinet sa ibaba. Punong puno ng alahas at make-up. I cannot believe that it’s all mine now.
Marami pa akong nakitang mamahaling gamit sa kwarto ni Themarie pati na rin ang mga pera ko. I smiled happily. Hindi ko makukuha ang lahat ng ito kung hindi dahil kay Luci.
Nawala ang ngiti ko. Baka iniisip ni Luci na ipinagkanulo ko siya? No! Hindi maaari! Kailangan ko na siyang mabawi ngayon!
Pag dating ng hapon ay nagbihis na ako . nakasuot lang ako ng simpleng gray jeans at black hoodie jacket. Nakasuksok ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng hoodie ko.
Pinagmamasdan ko ang galaw ng mga pulis. Ang iba sa kanila ay busy sa pag kukwentuhan, ang iba naman ay busy sa mga papeles sa loob.
Hindi ko alam kung saan nila inilagay si Luci ngunit nagtitiwala ako sa bulong na naririnig ko. Tinulungan ako ng bulong na makapag plano. Humahanga ako sa kanya dahil alam niya ang lahat. Siya ang gumagabay sakin sa lahat.
Nakita ko ang palabas na isang pulis. Dali dali akong tumakbo at sinadyang bungguin siya
“Ouch!”
“Miss are you okay?”
“Na-sprain ata yung paa ko,” napatingin tingin pa ako sa paa ko
“Kaya mo bang maglakad? Dadalhin muna kita sa HQ para magamot natin yung paa mo,”
Nahihiya akong tumingin sa kanya. Peke akong ngumiti “A-hm kaya ko naman siguro,”
Inalalayan niya akong maglakad hanggang sa opisina niya. “Oh boss bawal yan ah!” kantyaw sa kanya ng isang pulis
“Gago,”
Sumulyap siya sa akin “Pasensiya kana miss ah,” nahihiya siyang tumingin sa akin“It’s okay,”
Inilahad niya sa akin ang isang upuan. Nang makaupo ako ay inilibot ko ang paningin ko sa buong silid. May isang mesa roon. Iyon na siguro ang tinutukoy ng bulong na lamesa kung saan nakalagay si Luci.
“Stay here. I just get you an ice pack for your swollen feet,” ngumiti ito sa akin
Kitang kita ko ang maputi at pantay pantay niyang ngipin. Hindi ko man maamin, gwapo siya. Parang hindi siya bagay mag pulis. Mas bagay sa kanya ang mag modelo.
Well built body, kissable pinkish lips, perfect set of jaw, pointed nose, makapal na kilay at pilikmata, at singkit na mata. Halos mawala na ang mata niya kapag ngumingiti siya.
Tumango lang ako sa kanya
Nang makaalis siya ay nagsimula na akong maghanap kay Luci at hindi nga ako nagkamali at nakita ko siya. Nakalagay siya sa isang plastick.
Agad nag liwanag ang mata ko. “Long time no see Luci,” nang makarinig ako ng yabag ay agad kong sinilid si Luci sa likod ng jeans ko.
Ngumiti ako ng pumasok siya. Iniabot niya sakin ang ice pack. “Here. Put this to your feet. Sorry nga pala kanina,” napakamot pa siya sa batok niya
“Okay lang. Hindi rin ako tumitingin sa dinadaanan ko. Sorry din,”
Nakita kong namula ang tenga niya “A-hm if you don’t mind--- I can take you home. Peace offering and para hindi kana rin mahirapan pang maglakad,”
Tinitigan ko siya. Nag dadalawang-isip kung pauunlakan ko ba ang paanyaya niya.
Kusa nalang lumabas sa bibig ko ang salitang “S-sure,” hindi ko alam kung bakit pumayag ako. Wala naman sigurong masama kung ihahatid niya ako at para na rin makumbinsi ko siya na talagang masakit ang paa ko. Tipid na rin sa pamasahe.
BINABASA MO ANG
Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)
Horror"It doesn't suit to me to be a princess...or to be a damsel in distress. My profession is to kill, so why not to be a........ psychopath,"