Inalalayan ko silang makaakyat. Pinauna muna ang mga babae at mga bata.“Ayus kalang ba Ella?” kita ko ang pag-aalala sa mata ni Donna
Tumawa ako. “Wag kang mag-alala. Hindi sakin ang mga dugong ito kundi sa kanila,” inginuso ko sa kanila ang mga bantay na ngayon ay bangkay na
Nanlaki ang mga mata nila. Kita ko ang takot sa mga mata ng bata. “Wag kayong matakot. Dapat lang sa mga katulad nila ang mamatay,”
Kinuha ko ang lahat ng pera na nakuha ko sa mga bantay. Pinaghati-hatian namin iyon.
“Sino sa inyo ang marunong mag-maneho ng barko?”
“Ako,” aniya ni Mang Rubio
“Kayo na po ang bahala magpatakbo nito papuntang pampang. Tumawag na rin ako ng mga pulis kaya wag na kayong mag-alala,” nginitian ko sila
Umalis na ako at hinanda ang isang maliit na life boat na nakita ko
“Saan ka pupunta?” Paulo
“Hindi ako pwedeng sumama sa inyo,” hindi ako pwedeng makita ng mga pulis “Ikaw na ang bahala sa kanila Paulo. Wag mo silang pababayaan lalong lalo na ang mga bata,” nginitian ko siya
Bago pa ako makasakay sa life boat ay isang bisig ang yumakap sakin. “Maraming salamat sayo. Mag-iingat ka,” maluha luhang sabi ni Donna
Tumango ako sa kanila at kumaway bago pinaandar ang sinasakyan ko. Batid ko ang mga katanungan sa isip nila. Kung sino ako? Kung saan ako pupunta? at kung paano ko nagawa ang pumatay ng ganun kadali.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ipapaubaya ko nalang siguro sa mga alon kung saan ako dadalhin.
Nahiga ako at pumikit. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Pinakiramdaman ko ang lamig ng hangin. Ang agos ng tubig. At ang katahimikan. Idinilat ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang mga bituin.
Ang daming tumatakbo sa isip ko. Para na akong mababaliw. Parang gusto ko nalang wakasan ang buhay ko ngunit kung gagawin ko yon ay parang binalewala ko narin lahat ng pinaghirapan ko
Unti-unti nanamang namumuo sakin ang galit. Kasalanan to lahat ng Detective na yon! Hindi siya kasali sa mga plano ko! Hindi ko ito napaghandaan! Ang akala ko tagumpay na ako. Akala ko okay na ang lahat pero nagkamali ako! Alam na ng lahat na ako ang may kasalanan! Panigurado akong pinaghahanap na nila ako!
Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa inis. Ano ng gagawin ko!?
Third person’s POV (Part 1)
“Bakit hinayaan mo siyang makatakas!!?” sigaw ng galit na galit na si Detective Choi
Tahimik naman sa isang tabi si Ian.
“Mahuhuli na sana natin siya! But you let her scape! She’s a psychopat Ian! Nakikinig kaba!?”
“No she’s not. She’s sweet, caring, gentle and too…..innocent,” nakatulalang saad nito
“Naririnig mo ba ang sarili mo Ian!? nakalimutan mo naba kung ano ang trabaho mo? Nakalimutan mo naba ang nangyari sa mga magulang mo? Ha? Katulad lang siya ng mga gumawa non sa mgaula ng mo!”
“She’s not! Hindi niya magagawa ang binibintang niyo!”
“Pero nagawa na niya Ian! hindi lang mata ng kapatid niya ang nakita namin. Yung ibang karne sa loob ng ref niya ay mga laman ng tao!”
Hinila ni Detective Choi ang nakatulala at di makapaniwalang si Ian “Sumama ka sakin. See it to yourself,”
Wala ng nagawa si Ian kundi ang sumunod nalang. Tahimik lang siya buong biyahe pabalik sa hangsten. Ayaw niyan tanggapin ang lahat. Ang lumuluhang mukha ni Ella at ang ngiti nitong puno ng lungkot ang huli niyang naalala na paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya bago ito tumakbo palayo sa kanya.
Umaga na silang nakarating sa Hangsten. Pag dating palang sa bahay ni Ella ay puno na ito ng mga sign na ‘Do not cross’. nagkalat din ang mga kapulisan sa paligid. Maraming taong nakikiusyoso sa paligid. May umiiyak s aisang gilid.
“Nasaan ang mga nakuhang laman ng tao?”
“Nandun na po sa laboratory Detective. Para na rin malaman kung kaninong laman iyon,”
Tinanguan ng Detective ang isang tauhan ng kanilang agency. “Sumunod ka sakin,”
Kahit tulala si Ian ay sumunod pa rin siya. May parte sa sarili niya na ayaw maniwala pero alam rin niya sa sarili niya na kailangan niyang tanggapin.
Umakyat sila sa itaas ng palapag ng bahay kung saan matatagpuan ang basement. Sumalubong sa kanila ang maraming kapulisan na nag-iimbestiga sa paligid.
Agad namang napatakip sa ilong si Ian ng sumalubong sa kanya ang amoy ng nabubulok
“Lumabas muna kayong lahat saglit,”
Nang makalabas ang lahat ay pinag-suot niya ng gloves si Ian. “Look at this,” ipinakita niya kay Ian ang nakuhang mata.
“At hindi lang iyan,” kinuha ng Detective ang isa pang garapon na naglalaman ng iba’t ibang daliri “I know that you know na lahat ng biktima na nakuha natin ay nawawalan ng pinky finger right?”Nakangising ipinakita niya kay Ian ang garapon “This is her signature Ian. Kumukuha siya ng parte ng katawan sa lahat ng biktima niya. For souvenir I think? Baliw na siya,” .
Nalaglag ang panga ni Ian. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Tiningnan pa niya ang laman ng ibang garapon. May dila, buhok, ari ng lalaki at iba pa. Hindi na niya mapigilan ang mapaduwal. Napatakbo siya sa CR sa malapit ngunit mas lalo siyang naduwal sa nakita. Puno ng mga natuyong dugo ang sahig. May mga nakasabit ding mga patay na daga, ibon at iba pa malapit sa salamin na parang pinag eksperimentuhan.
Napangisi sa isipan si Detective. Simula ng makausap niya ang babae ay ramdam na niya ang karakas nito. Malikot ang mata ng babae at panay ang kalikot sa kamay. Pansin niya rin na habang kinakausap nila ito ay parang wala ito sa sarili dahil tumatango ito sa sarili nitong sinasabi, na parang kahit sa sarili nitong sagot ay hindi ito sigurado. Magaling siyang mag-obserba sa galaw ng tao. Nalalaman niya kaagad kung mali at hindi nga siya nagkamali.
BINABASA MO ANG
Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)
Horror"It doesn't suit to me to be a princess...or to be a damsel in distress. My profession is to kill, so why not to be a........ psychopath,"