Bakas sa mga mata ng tao ang pagtataka at pagiging kuryoso kapag napapatingin sila sa akin. Halos kasi walang makita sa mukha ko dahil sa bangs,shades at mask na nagtatakip sa buong mukha ko.
Nasa bayan na ako ng Basilan. Bukas ay makakarating na ako sa Hangsten. Pero sa ngayon ay kailangan ko munang magpahinga dahil halos buong araw akong nagbibiyahe. Kakain lang ako saglit tapos biyahe na ulit. Palapit na rin ako ng palapit sa Hangsten kaya mas lalo akong nagiging alisto sa mga nasasakyan ko lalong lalo na kapag naglalakad ako.
“Isang kwarto. Ngayong gabi lang,”
“I.D po maam,”
Isa pa to sa kinaiinisan ko. Wala akong mapakitaan ng I.D dahil wala naman ako non. Pagod na pagod na ako sa biyahe at pang limang Inn nato na napuntahan ko pero kapag walang I.D ay hindi sila nagpapa-pasok. Arrggh
Gigil akong umalis. Humanap ako ng mas maliit na Inn. Sobrang sakit na ng paa ko sa paglalakad. Wala rin akong sapat na tulog dahil sa tuwing sasakay ako ng tren at bus ay hindi ako natutulog. Mahirap na at baka nasa paligid lang sila.
Nakakita ako ng isang maliit at hindi kagandahang Inn. Nasa tagong parte rin ito at kung hindi mo titingnan ng mabuti ay hindi mapapansin. Malabo kasi ang mga ilaw. Hindi naman big deal sakin kung maganda ba ang tulugan dahil nasanay na rin naman ako sa kwarto ko sa basement.
“Isang kwarto. Ngayong gabi lang,”
Tinitigan ako ng isang matandang babae, kalaunan ay kumuha siya ng isang notebook.
Sana naman hindi niya ako hanapan ng I.D
“Pangalan,”
“Zandra Gonzales po,” narinig ko lang ang pangalan na yan sa isang bus. Sa lahat ng napuntahan kong Inn ay iyan ang sinasabi kong pangalan, yun nga lang…wala akong mapakitang I.D
“1,500 ang isang gabi. Libre na ang pagkain,”
Napanganga ako ng iabot niya sa akin ang isang susi. Nakalagay na rin sa taas non ang numero ng magiging kwarto ko.
“Salamat po!” napahinga ako ng malalim
Sa wakas! Makakapag-pahinga na rin!
Binayaran ko na siya. Ipapadala nalang daw ang pagkain sa kwarto ko. Sinukbit ko na ang bag ko at umakyat sa taas. Tatlong palapag ito at nasa pangalawang palapag ang kwarto ko. Room no. 27. Luma na ang mga materyales. Parang ilang taon ng hindi narenovate pero malinis pa rin naman.
Nang makita ko na ang pinto na may nakalagay na 27 sa itaas ay huminto ako sa tapat nito. Kinuha ko ang susi at binuksan ito. Pagkabukas ko ng ilaw ay sumalubong sa akin ang isang kama at isang lamesa sa gilid. May bintilador din malapit sa paanan ng kama. Sakto lang ang kama. Hindi gaanong malaki at hindi rin gaanong maliit. Mayroong CR pero masyadong maliit pero ayos na.
Nilapag ko ang gamit ko sa kama. Kumuha ako ng damit. Pumasok ako sa banyo at sinimulang maligo. Malamig ang tubig pero ayos lang. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay sakto namang may kumatok sa pinto. Binuksan ko ito at bumungaad sa akin yung matandang nagbabantay kanina sa baba. Iniabot niya sa akin ang pagkain na nakalagay sa tray. Pagka-kuha ko nito ay agad din siyang umalis na walang sinasabi
Medyo creepy siya dahil masyado siyang tahimik but I guess mas gusto ko ang tahimik.
Inilapag ko sa lamesa ang pagkain. Dalawang cup ng kanin at dalawang klase ng ulam. Kumain na ako. Inubos ko lahat dahil masamang nagtitira. Sobrang busog na busog ako kaya nagpahinga muna ako saglit
Nang makahiga ako sa kama ay doon ko lang naramdaman ang sobrang pagod kaya nakatulog din agad ako.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sobrang sarap ng tulog ko. Hindi na ako nagpaalam sa matanda, paggising ko kasi ay wala pa siya sa front desk sa baba. Sinabi ko narin naman sa kanya na isang gabi lang ako, at nakapag bayad na rin naman ako.
Tiningnan ko ang google map sa cellphone. Sasakay nalang ako ng dalawang bus at makakarating na ako sa Hangsten. Pero habang tinitingnan ko ang magiging ruta ko papuntang Hangsten ay namatay ito. Inis ko itong pukpok. Mabuti nalang at natandaan ko ang daan!
Inayos ko ang pagkakalagay ng shades at mask pati na rin ang bangs ko. Halos sobrang alisto ako sa bus at sa mga stop over na madadaanan ko. Nakakapagtaka kasi na walang ni isa man lang na alagad ng Detective na yun na pakalat kalat. Hindi ko gusto ang pananahimik nila. Minsan mas nakakatakot pa ang mga tahimik. Bigla bigla nalang silang nakakagawa ng mga bagay na hindi natin inaasahan. Kailangan kong mag-doble ingat.
“OH YUNG MGA BABABA NG HANGSTEN DIYAN!” sigaw ng kundoktor
Hapon ng makarating ako sa Hangsten. Pinagmasdan ko ang mga larawan ko na nakapaskil sa bawat dingding ng Hangsten. Batid kong kalat na kalat na ang tungkol sakin at maraming taong mga naghahanap sakin dahil sa dami ng nabiktima ko.
Nakayuko akong naglakad. Una kong pinuntahan ay ang puntod ni mama at papa. Pinagtabi ko sila ni papa samantalang ihiniwalay ko naman sila Themarie at Jason. Kahit man lang sa libingan, makita ko man lang silang magkalapit dalawa. Bagay na gusto kong mangyari nooon pa.
Agad akong napaluhod sa harap nila. Tulala ko silang pinagmasdan. Sobrang bigat ng dibdib ko ngayon. Nagbabara na rin ang lalamunan ko dahil sa nagbabadyang luha pero pinipigilan ko lang. Ayokong maging mahina ngayon. Hindi ako iiyak. Wala akong ibang pwedeng maramdaman kundi ang galit lamang. Galit! Pero kahit anong pigil ko ay kumawala pa rin ang impit na hikbi.
“Masaya na ba kayo? Ha? Sana pala una palang hindi niyo na ako ginawa kung hindi niyo rin naman gagawin ang responsibilidad niyo! Alagaan ako! MAHALIN AKO!! Gusto ko lang magkaroon ng tahimik na buhay! Gaya ng iba! Pero pinagkait niyo sakin yun! Kita niyo tong nangyayari sakin? Kasalanan niyo to! Kasalanan niyo! Kayo ang dahilan nito!” sinuntok suntok ko ang lapida nila hanggang sa mapagod ako at mawalan ng lakas. Tumulala nalang ako sa kawalan at hinintay ang pagkagat ng dilim.
Nang dumilim na ay umalis na ako. Pupunta ako ngayon sa bahay sa huling pagkakataon.
Napatago ako sa isang sulok ng matanaw ko ang dalawang pigura na nasa labas ng bahay ko. Napakuyom ako ng kamao ng makilala sila.
“Maniwala ka sakin John, inosente siya. Saksi ako don,”
“Hindi siya inosente Ian. Nakapatay siya ng MGA tao! MGA! At hindi lang basta pagpatay ang ginawa niya! Brutal Ian! Nakaya niyang patayin ang sarili niyang pamilya! Naiintindihan mo ba? Kailangan niyang managot sa batas! Wag kang mabulag Ian dahil lang minahal mo siya! Tandaan mo ang prinsipyo mo. Alalahanin mo ang tungkulin mo sa trabaho na pinangarap mo! Alalahanin mo ang dahilan kung bakit ka nag pulis!
Nag igting ang panga ko sa pang-gigigil.
Gustong gusto na kitang balian ng leeg Detective Choi! Pati ikaw Ian! Inaasahan ba nilang uuwi ako ng bahay kaya diyan sila nag-aabang?! Ano ako? Tanga!? akala ba nila magpapakita ako sa kanila!? no way!
Nang umalis na sila ay dahan dahan akong umalis sa pinagtataguan ko. Sumakay na si Ian sa kotse niya samantalang naglakad lang ang Detective. Ito na ang pagkakataon ko.
BINABASA MO ANG
Cinderella is a Psychopath (Disney Princess series #1)
Horror"It doesn't suit to me to be a princess...or to be a damsel in distress. My profession is to kill, so why not to be a........ psychopath,"