Chapter 5

6.5K 145 5
                                    

Unedited

-----

Chapter 5

Amanda's Pov

"What is happening here?!" Oh no! Patay na! How can i explain this?! Hindi ko pinahalatang natatakot ako sa teacher namin at malamig siyang hinarap.

"Sir! May Cctv naman diba, bakit hindi nalang--"

"I'm not asking you!" Bulyaw saakin ni sir kaya napatalon ako sagulat..

"Wala naman kasing sumasagot sa tanong mo sir, kaya ako nalang ang sumagot--"

"I don't need your explanation!" Sigaw niya pa kaya nainis na ako.. Hindi manlang ako pinapatapos mag salita.

"Sir.. I am just saying the truth." Inis na sabi ko kay sir.. Napalunok ako ng sinamaan niya ako ng tingin..

"Anyone, explain what is the hell happening here?!" Sigaw ni sir kaya natahimik ang nagbubulungan.. May isang babaeng lumapit kay sir at nakataas ang kilay tiningnan niya ako.

"I can explain, sir." Malanding turan niya.

"Speak." Utos ni sir.. Nag simula ng makwento yung babaeng tumaray saakin kanina.

"Iniimbitahan po kasi ni Janine at Joshua si Amanda sa kasal nila.. Tapos po bigla nalang nagalit si Amanda kaya niya po binalian ng kamay si Joshua, sinapak niya naman po si Janine kaya nakatulog." Nakangising kwento niya.. Wtf?! Iniba nalang bigla 'yung kwento.. Babalibagin ko ang babaeng ito kapag hindi ako nakapag pigil.

"Make sure na totoo lahat ng sinabi mo, may cctv tayo. At marami rin ang nakakita." Malamig na sabi ni sir doon sa babaeng nag kwento sakaniya..

"Totoo po lahat ng sinasabi ko sir--"

"Anyone, totoo ba ang sinasabi ng babaeng ito--"

"I can explain the truth." Napatingin kaming lahat sa lalaking lumabas sa likod ng pader.. Wait? Parang familiar 'yung boses niya at yung mukha niya.

"No need to explain, sir.. May cctv na po kami--"

"May Cctv nga kayo, rinig ba diyan ang pinag-uusapan nila?" Nakataas ang kilay na sabi ng lalaking kaharap ko.

"A-ahm, sir.. O-okay lang po kung hindi maririnig ang mga pinag-usapan namin.. Basta ang mahalaga po ay makita kung ano talaga ang totoo." Kinakabahang sagot ko.. Nako, ayaw ko ngang ikwento niya lahat.. Baka hindi ako maka graduate kapag nalaman ni sir lahat ng sinabi ko...

"Okay, Then." Aniya at umalis na.. Binalingan ko si sir na bigla nalang lumamig ang mukha.. Nang lumipat ang tingin niya saakin ay bigla akong umiwas ng tingin.

"I'll let this pass... Kapag nangyari ulit ito, isususpende ko na kayong apat dito sa school." Huling sabi ni sir at naglakad na paalis.. Hay salamat... Buti nalang at dumating si pogi.

"Bye sir.... You! Kapag away namin ni Janine, wag kang makikisali kung ayaw mong busngalan kita!" Mariing bulong ko kay Joshua at umalis na rin doon sa cafeteria kasama si Bea..

Pero bago ko makalimutan ay muli akong bumalik at nilapitan yung babaeng sinungaling.

"Hoy ugly duckling! Ulitin mo pa 'yang kasinungalingan mo, makakatikim ka ng pamatay na sipa sa mukha." Bulong ko sakaniya at umalis na.. Kala niya siguro nakalimutan ko siya..

Habang naglalakad kami ni Bea pabalik ng room ay nakasalubong pa namin yung lalaking gustong magpaliwanag kanina.. Tinitigan ko ng maigi ang mukha niya dahil parang Napaka familiar talaga..

Nang lumagpas na siya saamin ay naamoy ko ang pabango niya.. Nanlaki ang mata ko at napahinto sa paglalakad ng maalala ko kung saan ko siya nakita.

"Bea.. S-siya yung l-lalaki nung gabing naisuko ko ang V-card ko." Turo ko sa papalayong bulto ng lalaking naka one night stand ko.. Kaya pala subrang pamilyar niya saakin..

"A-Ano?! Si sir, Shawn Zigfrid Alvarez, ang nakatalik mo nung gabing iyon?! Ang CEO ng Alvarez Empire Company.. The ruthless and merciless CEO?!" Agad kong tinakpan ang bibig niya ng isigaw niya lahat ng mga sinabi niya.. Buti nalang at walang tao sa dinadaanan namin..

"Wag ka ngang sumigaw!" Mariing bulong ko sakaniya.. Tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya kaya nagsimula na kaming mag lakad muli.

"Ang swerte mo, Bes! Magiging mayaman ka na!!" Pigil ang tiling sabi niya kaya hinampas ko siya sa balikat niya.

"Asa ka! Hindi mangyayari 'yun... One night stand lang ang nangayari saamin, okay! Wag kang O.A." Singhal ko kay Bea at hinila na siya papasok ng room namin.. Tinungo na namin ang upuan namin at nag cellphone...

2 weeks nalang, ga-graduate na ako sa school na ito.. Matatapos na rin ang paghihirap ko.. At mapapatunayan ko na rin kay mommy na saakin nararapat ang mana dahil ako ang anak ng tunay na magmamana..

Gusto kong ipamukha sakaniya na kahit pisong duling ay hindi mapupunta sakaniya.. Tama na ang mga alahas na binigay sakaniya ni daddy.. Tama na ang kotseng binili niya gamit ang pera ni mommy.. Tama na ang bahay na binili niya gamit ang pera ko..

At kapag naka graduate ako ay hahanapin ko ang mga magulang ni daddy para itanong sakanila kung ano nga ba talaga ang nangyari sa tunay kong mommy..

Ngayon ay naniniwala na ako kay lola na buhay nga talaga ang mommy ko.. Dahil nararamdaman kong hindi pa siya patay.. At kapag nahanap ko si mommy ay sabay naming babawiin ang lahat kay mommy Betty..

From now on, Betty nalang ang itatawag ko sakaniya.. Hindi ko na siya tatawaging mommy dahil tinakwil niya na ako.. At hindi siya karapat-dapat sa pwestong iyon, dahil ang mommy ko ang dapat na namamahal sa bahay ng daddy!

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa tinding galit na nararamdaman ko kay Betty! Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo, Betty!

Ako naman ang gagawa ng ikapapahiya mo! Ako naman ang gagawa ng mga ginawa mong pagpapahirap saakin!

Magpakasaya ka muna, Betty.. Dahil kapag natapos ang dalawang linggo ay magsisimula na ako sayo...

Sweet, But Dangerous Couple (Couple Series 1) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon