Chapter 4

7K 162 9
                                    

Unedited

------

Amanda's Pov

"Ano na naman ba ang kailangan mo, Joshua?!" Sigaw ko sakaniya.. Isturbo sa umagahan ko! Pasalamat siya at wala ako sa mood na ibalibag siya.

"Wow! Nakipag One Night Stand ka lang sa stranger naging matapang kana!" Sarkastikong turan niya.. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa pasmado niyang bibig.

"Paano nakakasiguradong nakipag One night Stand ako?! Bakit, May ibidensya ka ba? Ipakita mo nga!" Singhal ako sakaniya. "At kung nakipag one night stand man ako, kasalanan mo 'yun Joshua! Dahil pinilit mong ipainom saakin ang alak--"

"Hindi kita pina-inom ng alak, Amanda! Pinilit mo akong painumin ka kahit sinasabi ko na sayong bawal kang uminom! Ngayon isusumbat mo lahat ng kalandian mo saakin?!" pagsisinungaling niya ng magsilabasan ang mga kapit bahay.. Napapikit ako ng mariin ng marinig ang sari saring bulungan.

"Wag mong baliktarin ang kwento, Joshua! Alam ng mga kaibigan mo na inosente ako--"

"Stop acting innocent Amanda!" Sigaw saakin ni Joshua.. P*tangina! Ako pa 'yung naging mali ah!

"Ano bang sinasabi mo Joshua!!" Singhal ko pabalik sakaniya.. Ang kapal naman ng mukha niyang magalit saakin matapos ng ginawa niyang panloloko saakin.

"Wag ka ngang umarte na parang akala mo napakalinis mong babae! Baka nga hindi ka na talaga Virgin! Baka may naka-"

Bago pa niya matuloy ang sasabihin niya ay malakas ko siyang sinapak.. Gusto kong umiyak dahil sa mga sinabi niya pero ayaw kong ipakitang naapektuhan ako sa mga sinabi niya..

"Now I know!" Naggagalaiting sagot ko. "Hindi mo ako mahal! Dahil katawan lang ang habol mo saakin! Kung noon ko pa pala pinakinggan ang sinabi ng kaibigan ko, hindi sana ako magkakaganito!" Pilit kong pinipigilang hindi mapiyok dahil ayaw kong ipakita sakaniyang nasasaktan ako.

"Get out of here! Wag mong hintaying ilabas ko ang galit ko dahil hindi ako magdadalawang isip na palabasin ang kaibigan ko para ipabali 'yang leeg mo!" Nagsimula na akong maglakad pabalik ng bahay namin ng kaibigan ko dahil hindi ko na kayang pigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.

"Sasama ka saakin Amanda! Hindi kita papakawalan hanggat hindi pa kita natitikman!" Mariing bulong niya saakin at mahigpit na hinawakan ang braso ko.

"I said leave! Mahirap bang intin--" Napaubo ako, ng malakas ako nitong suntukin sa sikmura.. Hindi ako makahinga ng maayos at namimilipit rin ako sa sakit dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya.

"Aalis ako, pero babalikan kita Amanda! Tandaan mo, hindi pa tayo hiwala--"

"Let's break up." Pilit kong sabi sakaniya.. Dahan dahan akong tumayo ng hindi na gaanong masakit ang tiyan ko. "Ahhhhhhhh." Hiyaw ko sa sakit ng sipain niya ako sa mukha.. Napapikit ako ng biglang umikot ang paningin ko.

"Hindi ako papayag--"

"Bea!!!!" Malakas na sigaw ko.. Wala pang ilang sigundo ay malakas na bumukas ang pinto ng bahay at lumabas doon ang kaibigan ko.

"Oh my god! What happened to you Amanda?" Nag-aalalang tanong niya saakin.

"Wag kang makikisali sa away namin Bea kung ayaw mong madamay--"

Pakkkkkkkkk.

Hindi na ako nagulat ng makalas na tumilapon sa lupa si Joshua ng sipain siya sa mukha ni Bea..

Bea is a former Assassin, nag resign siya dahil ayaw niya ng pumatay ulit ng mga tao.. Hindi basta bastang tao lang ang pinapatay niya.. Kung ano ang misyon niya ay 'yon ang susundin niya.. Pumapatay sila ng mga masasamang tao.. Binabayaran sila ng mga taong nagbibigay ng mission nila.

Sweet, But Dangerous Couple (Couple Series 1) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon