Chapter 18
Justine's Pov
Nandito ako ngayon sa hospital para magbantay.. Lagi naman akong pumupunta dito tuwing gabi dahil babantayan ko itong dalawang babae na ito..
Si Elizabeth din ang magbabantay kay Bea kapag gabi, pero mahigpit na utos ni Shawn saakin na bantayan rin daw si Elizabeth.. Parehas pa naman babae.. At baka bigla nanaman daw sumugod ang Paulo na iyon..
Wala na kaming balita sa mag-ama simula ng mangyaring kababalaghan sa dalawa.. Hindi na sila nagpapakita dahil siguro ay nakarma na..
"Hoy Bea! Anong ginagawa mong bruhilda ka?" Tanong ni Liz kay Bea.. To tell you this guys... Ang bilis nila maging close..
"Nanunuod ng Porn." Simpleng sagot niya.. Nagkatinginan kami ni Liz at parehong nanlaki ang mata.
"Hoy! Bawal 'yan sayo!" Suway ni Liz.. Kita kong tumaas ang kilay ni Bea at tumingin kay Liz.
"Bawal saakin? Bakit sayo pwede?" Sarkastikong turan ni Bea.. Ang pasmado talaga ng bibig nitong babaeng ito.. Kababaeng tao, nanunuod ng porn!
"Sus! Ang sabihin mo nag-aaral kalang ng position para may idea ka kapag ginawa niyo." Pang-iinis ni Liz kay Bea.. Ngumisi lang si Bea at kumindat kay Liz.
"Maganda na 'yung maaga kong matutunan.. Para naman alam ko kung ano ang gagawin saakin." Pigil ang tawang sabi ni Bea.. Kita ko ring nagpipigil ng tawa si Liz kaya nangunot ang noo ko..
Hindi ko pinapahalat sa dalawa na nakikinig ako sakanila.. Kunwaring busy ako sa cellphone ko dahil alam kong pag-t-tripan lang ako ng dalawa.
"Ano bang position ang gusto mo?" Ani Liz.
"Wala pa akong alam sa mga position.. Pero lagi kong nababasa sa fb yung 69 ba kamo? Ano ba ibig sabibin sabihin nun?" Nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya..
"Wala akong ideya sa 69 na iyan eh.. Search mo nalang sa Google." Suhestyon ni Liz.. P*tangina! Ang babastos ng bibig!
"Sige--"
"Itigil mo yan Bea." Pagbabanta ko sakaniya.. Hindi nakakatuwa para sa mga babae ang manuod ng porn! Okay ng mabasa wag lang makita!
"Paki mo bang tsonggo ka--"
"Ititigil mo 'yan? O ako mismo ang gagawa sayo niyang 69 na sinasabi mo?" Pagbabanta kong sabi sakaniya.. Kita kong namula siya kaya napangisi ko.. Tumayo ako at utay utay na lumalapit sakaniya..
"Wahhhhh! Ititigil ko na! Lumayo ko saking tsonggo ka!" Tili niya at tinulak ang dibdib ko.. Humagalpak ako ng tawa at bumalik sa sofa.
"Asa ka namang gagawin ko 'yun sayo." Pang-iinis ko sakaniya.. Sinamaan niya lang ako ng tingin..
"Pero curious talaga ako eh! Ano ba kasi' yang 69 na iyan?!" Nakabusangot niyang tanong saakin..
"Wag mo ng alamin... Masama iyon para sayo." Bored na sagot ko at muling naglaro ng worm zone..
Hindi na muli siyang nagsalita kaya nanahimik nalang din ako.. Kabaeng tao, napakabastos.. Hindi manlang mahiya sa sarili.
"Oh? Ano ulit 'yang ginagawa mo?" Tanong ulit ni Liz kay Bea..
"Nanunuod nga ng Porn! Kulit nito!" Iritang sabi ni Bea..
"Akala ko nagbibiro ka lang kanina! Totoo palang nanunuod ka--"
"Eh? Ako? Manunuod ng porn? Asa ka! Naglalaro lang ako." Sagot ni Bea..
"Anong nilalaro mo?" Tanong ko naman.
"Worm Zone." Maikling sagot niya.. Parehas pala kami ng nilalaro... Tsk! tsk! tsk! Dami pang sinabi, naglalaro lang naman pala.
-----
Amanda's PovNang matapos kaming mag dinner ay pumunta na ako sa kuwarto ko.. Hindi kami nagsasama ni Shawn sa iisang kuwarto dahil parehas naming ayaw..
Kasama ko ngayon ang kapatid ko dahil dito muna siya matutulog.. Nang makapag bihis kami ng pantulog ay muli kaming lumabas.. Manunuod kasi kami ng movie marathon.. Nasa salas na si mommy at si Shawn..
"Dito ka sa tabi ko." Tawag saakin ni Shawn.. Lumapit ako sakaniya at tumabi.. Si Janine naman ay tumabi kay mommy.
Nagsimula na ang pinapanuod namin.. Habang tumatagal ay nararamdaman kong hinahaplos ni Shawn ang tiyan ko.. Lihim akong napangiti dahil unang beses niya lang iyon ginawa.
"Anong gender nila?" Biglang tanong ni Shawn.
"Hindi ko pa alam.. Gusto ko kasi kasama kita kapag tiningnan na ang gender nila." Nakangiti kong sagot sakaniya.. Ngumiti din siya sa akin at inakbayan ako.. Sana lagi na siyang ganito.. Kinakabahan kasi ako tuwing naka poker face siya..
"I'll check my schedule tomorrow.. Titingnan ko kung kailan ako free." Turan niya at muling ibinaling ang tingin sa tv.
"Sige." Sagot ko nalang din.. Nagpatuloy na kami sa panunuod dahil malapit na iyon matapos..
Hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa balikat ni Shawn kaya hindi ko na natapos ang pinapanuod namin.
KINABUKASAN ay nagising ako dahil parang may malambot na bagay na dumadampi sa labi ko.. Parang may humahalik doon.. Smack kung tawagin..
Iminulat ko ang mata ko at ganon nalang ang gulat ko ng gwapong mukha ni Shawn ang mabungaran ko.. Ngumiti siya saakin at hinalikan ulit ako sa labi.
"Morning." Bati niya.. Umayos ako ng higa at ngumiti pabalik sakaniya.
"Morning din.. Anong oras na?" Tanong ko sakaniya.. Inilibot ko ang paningin ko at doon ko lang napansin na dito ako sa kuwarto niya nakatulog.
"6:21 in the morning.. Sorry kung nagising kita ng maaga." Aniya.. Tiningnan ko ang kabuuan niya at doon ko lang din napansin na naka business attire na pala siya.
"Ang aga naman ata ng tarabaho mo." Aniko at humikab..
"Aalis ako ngayon.. Siguro dalawang buwan akong mawawala dito." Medyo nalungkot ako dahil sa sinabi niya.. Nasanay na kasi akong lagi siyang nakikita dito sa bahay.
"Saan ka ba pupunta? At bakit matatagalan ang balik mo?" Kunot ang nuong tanong ko sakaniya.
"Sa America ang punta ko dahil may aasikasuhin akong business doon." Sagot niya.. Bumangon ako sa pagkakahiga at hinarap siya.
"Wag mo kakalimutan 'yung pasalubong ko." Nakangiting sabi ko sakaniya.. Tumango lang siya saakin at ngumiti.
"I guess I need to go now." Sabi niya at tumingin sa relo.. Hinalikan niya ulit ako ng matagal sa labi bago umalis.. Humiga ulit ako sa kama niya at muling natulog..
BINABASA MO ANG
Sweet, But Dangerous Couple (Couple Series 1) Completed
RomanceShawn Zigfrid Alvarez, A sweet but dangerous Man.. Ang kinakatakutang CEO ng Alvarez Empire Company.. Maraming galit at maraming humahamang sakaniya dahil sa taglay niyang talino at yaman.. He hates Woman; Dahil ang alam niya sa mga babae ay manlolo...