Chapter 13

4.7K 119 2
                                    

Chapter 13

Amanda's Pov.

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko.. Parang may nag-aaway.. Dahil sa inis ko ay iminulat ko ang mata ko at tiningnan kung sino ang nag-aaway.

"Lumayo ka nga saakin!" Iritang sigaw ni Bea sa kapatid ni Shawn..

"Kapal naman ng mukha mo. Kala mo naman gusto kong lumapit sayo! Dream on!" Sigaw sakaniya ni Justine.. Bakit ba ako nanditi sa hospital? Pilit kong inaalala ang nangyari..

Nanlaki ang mata ko at napabangon.. Natigilan silang lahat ng makita nila akong bumangon.. Naluluha na naman ako dahil sa iniisip ko.

"A-ang baby ko?" Tanong ko sakanila..

"Our baby is safe.. Pero kailangan mong magpahinga.. Muntik ka ng makunan kung hindi ka kaagad namin naidala dito sa hospital." Sagot ni Shawn.. Busy siya ngayon dahil nakaharap siya sa laptop niya at may hawak na ballpen.

"Thanks god." Nakahinga ako ng maluwag dahil safe ang anak ko.. Muli akong humiga dahil medyo nakaramdam ako ng pagkahilo.

"Amanda." Napabaling ako sa gilid ko. "Aalis na kami ni Luca.. Mag-iingat ka ha.. Naka save na rin sa phone mo ang number ko.. If you need anything just call me, okay?" Aniya.. Tumango lang ako sakaniya at ngumiti.. Ngumiti din siya saakin at lumapit..

Nanigas ako dahil sa ginawa niyang paghalik sa noo ko..

"Sige na. Aalis na ako." Paalam niya at tuluyan ng umalis kasama si Luca..

"Wow! Grabe! Hindi ko alam na bati na pala kayo ni Janine.. At ang nakakabigla, hinalikan ka pa sa noo." Hindi makapaniwalang bulalas ni Bea kaya natawa ako.

"Come here.. May iku-kwento ako sayo." Agad naman siyang lumapit saakin at umupo sa upuang inupuan ni Jnaine kanina..

"Start." Utos niya saakin.. Tinarayan ko muna siya bago ikinuwento ang lahat.. Natatawa ako kapag sinasabi ko sakaniyang magkatapid kami ni Janine dahil kita talaga sakaniya ang pagkagulat.

"Alam mo.. Kung kasama mo ako kanina, sinapak ko na 'yang Megan na' yan... Katulad nung pagkakasapak ko sa kapatid mo." Nanggigigil na sabi niya.. Ikinuwento ko kasi sakaniya niya yung nangyari kanina.. Kung paano landiin ni Megan si Shawn..

"Ang OA mo talaga.." Natatawang turan ko.. Natigilan kaming lahat ng malakas na tumunog ang tiyan ko..

"Fudge! Kaninong tiyan 'yun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Justine..

"Are you hungry?" Nag-aalalang tanong ni Shawn at lumakad papalapit saakin.. Simpleng tango lang ang isinagot ko..

Natigilan kaming tatlo ng biglang ngumiti si Shawn at mahinang tumawa.. Shocks! Nakakainlove ang tono ng pagtawa niya..

"Justine, let's go." Tawag pansin niya sa kapatid niyang tutulalang nakatingin sa kaniya.

"Saan tayo pupunta?" Ani Justine.

"Kukuha ng pagkain." Simpleng sagot ni Shawn at mulang tumingin saakin.. "Babalikan kita." Aniya at hinalikan ako sa, sa, sa ano.. Kyahhhhhh! Sa lips!

"S-sige." Namumulang sagot ko at umiwas ng tingin.. Lumakad na sila ni Justine palabas ng pinto kaya dahan dahan akong bumangon..

Nang mawala na sila sa paningin ko ay saka ko lang pinakawalan ang kanina ko pa palang pinipigil na hininga..

"Kyahhhhhhh! Ang swerte mo talagang bruha ka!" Tili ni Bea.. Lihim akong napangiti at wala sa sariling napahawak sa labi ko.

"Ang lambot." Wala sa sariling sambit ko..

Blagggggggg

Sabay kaming napatingin sa pinto ng malakas na bumukas iyon.. Iniluwa nun ang galit na galit na matandang lalaki.

"You!" Galit na sinugod ako ng matanda pero agad din siyang pinigilan ni Bea.

"What the hell is wrong with you?!" Sigaw ni Bea..

"Don't fucking ask me! Ask that slut who dare to hurt my daughter!" Sigaw ng lalaki at dinuro ako.. Ano namang kasalanan ko sa lalaking ito!

"You dumbass! Wala kaming alam sa anak mo!" Sigaw rin ni Bea pabalik sa lalaki..

"Ng dahil sakaniya nakunan ang anak ko! She dare to hit Megan! She deserves to die!" Nanlaki ang mata ko ng inilabas nito ang baril galing sa pantalon niyo at tinitok iyon saakin.. Biglang himarang si Bea kaya mas lalong nanlaki ang mata ko.

"Bea! Wag mong idadamay ang sarili mo!" Naluluhang saway ko kay Bea.

"Mamamatay muna ako bago ka niya mapatay!" Sigaw ni Bea.. Hinanap ko ang cellphone ko para tawagan si Shawn.. Nang makita ko iyon ay agad kong pinindot ang Number ni Shawn.. Wala pang tatlong ring ay sinagot niya na iyon..

"What?" Mahinhing sagot niya..

"H-help--"

Bangggggg.

Wala sa sariling nabitawan ko ang cellphone ko ng marinig ko ang putok ng baril..

"B-bea." Sambit ko sa pangalan ni Bea.. Dumudugo ang tagiliran niya..

"R-run Amanda.. H-hindi ko na siya kayang pigilan--"

Banggggg

"Bea!!!!!!!" Malakas na sigaw ko ng barilin ulit siya nito sa hita.. Dahil sa galit ko ay bumaba na ako sa kama at malakas na sinapak ang lalaki na ikinatumba niya..

Itinutok nito ang baril sa akin pero wala akong pakialam..

"You dare to challenge me huh!" Naggagalaiting aniko at sinugod siya.. Nang pihitin niya ang gatilyo ay mabilis kong naiwasan ang bala ng baril na..

"Fvck! Are you really a human?!" Sigaw nito sa pagmukukha ko.

"Tandaan mo ang mukhang ito, Paulo! You dare to messed up with me! Little did you know that I am a former assasin leader!" Sinugod ko ulit siya at pinagsusuntok sa mukha.. Umatras ako ng kunti at malakas na sinipa ang kamay niyang may hawak na baril kaya tumilapon iyon sa harap ng pinto.

"Amanda!" Napalingon ako sa pintuan ng biglang sumulpot si Shawn at si Justine.. Mabilis na lumapit saakin si Shawn ng muntik na akong matumba dahil sa pagkahilo..

"A-anong nangyari?" Takang tanong ko ng mawala ang pagkahilo ko..

"Your eyes.. Earlier, your eyes is color red.. But now, its black.. How can you do that?" Takang tanong niya..

"S-si Bea." Aniko ng maalala ko si Bea..

"You brute!" Napabaling ang tingin ko ng malakas na sipain ni Justine sa mukha si Paulo..

"Tumawag ka ng pulis." Utos ko kay Shawn.. Tumango lang siya at mabilis na kinuha ang cellphone niya at nag dial.. Habang ako naman ay nilapitan ang naghihingalong si Bea.

"Don't die, please... Hold a sec, okay?" Humihikbing aniko at tumayo para tumawag ng doctor.. Agad akong lumabas ng kuwartong iyon at naghanap ng doctor.

"Doc! Help my Bestfriend.. Nabaril po siya." Aniko sa nakasalubong kong doctor...

"Where?" Tanong niya.

"Sa kuwarto ko po." Sabi ko at tumakbo na pabalik sa kuwarto ko.. Ramdam ko namang sumunod siya saakin..

"Oh my god." Rinig kong napasinghap siya ng makita niya ang kaibigan ko... "Dalhin natin siya sa E.R." Ani doktora.. Pero bago pa namin mabuhat si Bea ay inunahan na kami ni Justine..

"You stay here.. Ipaliwanag mo sa mga pulis ang nangyari.. Ako ng bahala kay Bea." Ani Justine at umalis na...

"Amanda, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Shawn.. Umiling ako at lumapit sa kama.

"Alam mo, naiisip ko, kung bakit lagi nalang may nangyayaring masama... May nagawa ba akong mali p-para mangyari ang lahat ng ito? K-karma ko na ba ito? Tell me Shawn, Malas ba ako?" Nagsimula na akong humagulgol.

"Shhh.. Don't say that okay? Hindi ka malas." Aniya at niyakap ako.. "I'll make them pay for what they did to you.. Binubuhay nila ang demonyo sa loob ko." Hindi ko na narinig pa ang panghuling sinabi niya dahil binulong niya nalang iyon..

Sweet, But Dangerous Couple (Couple Series 1) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon