Chapter 36
Amanda's Pov.
Tanghali na ng magising ako dahil sa pananakit ng katawan ko.. Nananakit din ang nasa pagitan ng hita ko..
Namumula ako sa tuwing na-iisip ko ang mga nangyari kagabi.. He's so wild..
Kasama ko ngayon si mommy at ang mga bata.. Sina Bea kasi ay pumunta ng mall.. Hindi manlang ako niyaya!
"Mom, bakit po hindi pinapasok ni Shawn ang mga bata?" Tanong ko kay mommy habang sinusuklayan ang buhok ni Crystal.
"I don't know." Kibit balikat niyang sagot.. Nanahimik nalang ako at ipinagpatuloy na ang pag-aayos ng buhok ni Crystal..
Naghihinala na talaga ako dyan kay Shawn.. Parang may something, na hindi ko maipaliwanag..
----
Liz's PovNandito kaming apat ngayon sa mall.. Hindi namin kasama si Amanda dahil tulog pa iyon...
Habang naglalakad kami ay may nakita akong pamilyar na bulto ng tao.. Pinakatitigan ko iyon ng maigi..
"Guys, let's make a deal." Nakangising sabi ko.. Kunot noong binalingan nila ang tinitingnan ko..
"Game." Sabay sabay nilang sagot.. Gumilid muna kami bago ko ipinaliwanag ang lahat..
Na una akong naglakad sakanila patungo kina Xena.. Yes! It's Xena with a GUY!
Nasa likod ko lang ang tatlo.. Muli kong binalingan ang tatlo at kinindatan..
Naglakad ako papalapit kina Xenahas at kunwaring hindi sinasadyang nabangga ko ang braso niya para mahulog ang cellphone niya..
"What the fuck! Are you blind?!" Inis na sigaw niya saakin.. Tinaasan ko lang siya ng kilay..
"Hala ka Liz.. You broke her Cellphone." Maarteng sabi ni Violet..
"Joshua?" Kunwaring gulat na sabi ni Janine at lumapit kay Joshua KUNO! "Kumusta kana EX? Akala ko nabulok ka na sa kulungan, ipapalibing na sana kita-- I mean, ililibing na sana kita." Nakangising sabi ni Janine..
"Shut up Janin--"
"Kabit mo siya?" Turo ni Janine kay Xena.. "Paano na si MEGAN? Diba WIFE mo si Megan--"
"Megan is dead, okay?!" Bulyaw niya kay Janine.
"Then CONDOLENCE.. Sana IKAW na ang sunod na MAMATAY." Natatawang sabi ni Janine at binalingan si Xena. "Isama mo na rin pala ang babaeng ito."
"Enjoy lang kayo.. Dahil mamaya, malalagutan na ng hininga ang kaibigan niyo." Nakangising sagot ni Xena.
"Himala, sumagot si Xenahas." Sabad ni Violet na ikinatawa namin..
"Btw, hindi niyo kilala ang kinakalaban niyo mga girls.. Dahil sisiguraduhin kong mapapatay ko si Amanda at isusunod ko kayo--"
"Doon ka nagkakamali... Ikaw ang mali ang kinakalaban... Akala mo ba ganon mo lang kami kadaling mapatay? Very very wrong.. Makipag laban ka na saamin, wag lang kay Amanda.. Hindi niyo siya Kilala." Walang emosyong sabi ko.. Ang ayaw ko sa lahat 'yung minamaliit ang pagkatao namin..
" Of course I know her.. She's a useless bitch, who seduce my man--"
Pakkkkkk
Isang malakas na sapak ang ibinigay sakaniya ni Janine.. Ngayon ko masasabang maraming natutunan si Janine sa mga itinuro sakaniya ni Sabrina.
"You have no right to say that to my sister! Let me remind you, ikaw ang lumandi sa asawa ng ate ko--"
Blaggggg
Malakas na tinulak ni Xena si Janine, dahilan para matumba ito sa sahig.
"What the fuck did you do to my fiancée?!" Sabay sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon..
"Luca?" Gulat na turan ni Xena..
"You bitch!" Galit na sigaw ni Luca at mabilis na sinakal si Xena..
"L-let me g-go." Nahihirapang sabi ni Xena... Hindi na namin sila pinansin.. Agad naming tinulungang tumayo si Janine.
"L-Luca.. A-ang b-baby n-natin!!! Luca." Humahagulgol na sabi ni Janine.. An'dami na ng dugong nakakalat sa sahig..
Natataranta na kaming tatlo dahil hindi namin alam ang gagawin namin.. Si Luca ay hindi nakikinig kay Janine dahil patuloy pa rin nitong sinasakal si Xena.
"Ang baby ko!!!!!!!!" Malakas na sigaw ni Janine para matauhan si Luca.. Mabilis na binitawan ni Luca ang leeg ni Xena at lumapit saamin.
"Fuck!" He cursed.. Binuhat niya si Janine at patakbong lumabas ng mall..
Buti nalang ay malapit na kami sa exit ng mall.. Kung hindi ay baka matagal pa bago kami makalabas dito dahil sa lawak ng mall na ito.
Sinakay namin sa kotse ko si Janine.. Si Luca na ang nag drive ng kotse ko..
"T-tatawagan ko si Amanda." Aniko.. Kinuha ko ang cellphone ko sa shoulder bag ko at dinial ang number ni Amanda.
"Hello?" Sagot ni Amanda sa kabipang linya..
"A-Amanda.. Si Janine kasi A-ano." Hindi ko masabi-sabi ang dapat kong sabihin dahil kinakabahan ako.
Amanda's Pov
"Anong nangyari kay Janine?!" Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng sabihin saakin ni Liz ang nangyari sa kapatid ko.
"Dinudugo si Janine.. P-papunta na kami ngayon ng hospital." Sagot niya..
"Pupunta rin ako dyan." Aniko't pinatay na ang tawag..
"Ano daw ang nangyari sa kapatid mo?" Natatarantang tanong ni mommy.
"Dinudugo daw si Janine.. Mom, dito ka lang, bantayan mo ang mga anak ko." Paalam ko sakaniya.. Bago ako umalis ay hinalikan ko muna siya sa pisnge at ang mga anak ko.
Mabilis akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot iyon patungong hospital kung saan ako nanganak..
Nang makarating ako doon ay nakita ko si Liz na nakatayo sa entrace ng hospital..
"Nasaan ang kapatid ko?" Agad na tanong ko sakaniya.
"Nasa loob." Sagot niya at hinila na ako papasok..
Nang dumating kami doon ay kinaka-usap na ng doctor si Luca..
"I'm sorry." Yun ang huling sinabi ng doctor bago umalis..
"Arggghhhh!" Malakas na sigaw ni Luca at pinag susuntok ang pader.. Nilapitan ko siya at pinigilan.
"Calm down!!" Sigaw ko sakaniya.. Matamlay ang matang tinitigan niya ako.
"This is all my fault! Kung hindi ko sana siya pinabayaan hindi--"
"Don't blame yourself." Mahinahong pagpapakalma ko sakaniya. "You need to calm down.. Kailangan mong kumalma para sa kapatid ko."
"Paano ako kakalma kung--"
"I said calm down!!" Hindi na ako nakapagpigil at sinigawan ko na siya... Piste!
Kumalma na siya at pumasok sa silid ni Janine.. Impis na ngayon ang tiyan niya.. Hindi na katulad ng dati na medyo umbok..
"Anong sabi ng doctor?" Tanong ko kay Luca at nilapitan ang walang malay kong kapatid.
"Hindi kinaya ng bata.. Our child is gone."Malungkot na pahiwatig niya at nilapitan din si Janine..
"Paano--"
"Tinulak siya ni Xena." Agad na pinutol ni Bea sa sanang itatanong ko.. Agad nag-init ang ulo ko ng marinig ang pangalan na iyon.. Hindi ko sakanila pinahalatang nagagalit ako dahil malalaman nila kung ano ang gagawin ko.
"Oh? Really?" Nakangising sabi ko.. Lintik lang ang walang ganti! "I need to go... Baka hinahanap na ako ng mga anak ko." Pagpapalusot ko sakanila.. Agad naman silang tumango bilang sagot.
"You are really making me angry, Xena!" Nanggigigil na bulong ko sa sarili ko..
Humanda ka na Xena.. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kapatid ko at sa pamangkin ko.. Tatapusin ko na ang kasiyahan mo sa mundong ito!
BINABASA MO ANG
Sweet, But Dangerous Couple (Couple Series 1) Completed
RomanceShawn Zigfrid Alvarez, A sweet but dangerous Man.. Ang kinakatakutang CEO ng Alvarez Empire Company.. Maraming galit at maraming humahamang sakaniya dahil sa taglay niyang talino at yaman.. He hates Woman; Dahil ang alam niya sa mga babae ay manlolo...