Chapter 9

5.6K 119 1
                                    

Chapter 9

Janine's Pov.

Narinig ko lahat ng pinag-usapan ni ate Megan at ni Daddy.. Naikuyom ko ang kamao ko dahil nalaman ko rin kung sino ang ama ng batang dinadala niya!

Galing mong umarte ate! Sa pagkakaalam ko, walang tumagas na dugo sayo ng malakas kang sipain ni Amanda.. Doon na nga ako naghinala, kung buntis ka ba talaga!

Ngayong nalaman ko ang lahat ng sekreto mo, ako na mismo ang magsasabi kay Amanda na buhay ang mommy niya.. Or let's just say, ang mommy namin..

"Mom!" Pasigaw na tawag ko kay mommy sa kusina..

"Yes, darling?" Nakangiting tanong saakin ni mommy..

"You said you want to meet Amanda? Right?" Nakangiting tanong ko sakaniya at uminom ng tubig.. Nakita kong nagningning ang mata ni mommy kaya lalo akong napangisi.

"Yes." Sagot niya..

"Then, let's go.. Alam ko kung nasaan siya nakatira--"

"Janine!!" Natigilan ako sa pagsasalita ng biglang sumulpot ang baliw kong kapatid.

"What?" Malamig na tanong ko sakaniya..

"We talk about this, right?" Naggagalaiting sambit ni Megan.

"Look! I didn't even say yes to your plan Megan.. So shut up!" Sigaw ko sakaniya.. Pumagit saamin si mom at masama akong tiningnan.

"I said call her ate! Mas matanda--"

"Buwan lang ang itinanda niya saakin, mom! Wala kami sa korea!" Inis na sabi ko..

"Let's go mom.. Let's meet ATE Amanda." Sabi ko kay mommy at diniinan ang word na ate.. Hinila ko na si mommy palabas ng kusina habang iniwan naman namin ni mommy ang nagpupuyos sa galit na si Megan..

Kung hindi ko pa pinakialaman ang mga gamit mo sa drawer mo, hindi ko pa malalaman na balak mo na pala akong patayin para masolo mo si mommy at ang-- oh well, wala nga pala ako mamanahin.

Sumakay na kami sa kotse ko at pinaharurot iyon patungong Green Emerald Village..

----
Amanda's Pov.

"Liz, paano niyo nalaman na nasa mansion ako?" Takang bulong ko kay Elizabeth.

"Pinuntahan kasi kita dito sa Green Emerald Village.. Pero wala akong naabotan kaya tinungo ko ang Mansion niyo." Sagot niya at muling sumimsim ng kape.. Napatango tango nalang ako at pasimpleng tiningnan ang gwapong nilalang sa harap ko na seryusong nakatingin sa laptop.

"Ehem!" Tikhim ko para kunin ang atensyon ni Shawn.. Nang tumingin siya saakin ay nagsimula na akong magsalita.

"Pwede bang dito nalang ako tumira? Magpa-iwan ka nalang ng guard dito kung wala kang tiwala saakin... Hindi ko naman sayo itatakas ang anak ko, after all ikaw naman ang ama niya." Mahabang lintanya ko.. Hindi siya sumagot kaya napahawak ako sa sintido ko.

"Look! Kailangan kong hanapin ang mommy ko! Pati na rin ang parents ni Dad.. Kaya please lang, payagan mo na a--"

"Shut up.. Nag-iisip pa ako, kung papayagan kita or hindi." Pagputol niya sa sasabihin ko kaya nanahimik nalang ako.

Maya-maya ay nakarinig ako ng busina kaya lumabas ako.. Nangunot ang noo ko ng lumabas doon ang gwapong nilalang.. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko siya.

"Justine Alvarez?" Wala sa sariling sambit ko..

"Yes." Natatawang sabi niya.. Buti pa ang isang 'to marunong ngumiti.. Yung nasa loob laging naka poker face.

Sweet, But Dangerous Couple (Couple Series 1) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon