Chapter 31
Amanda's Pov
Madaling araw ng makarating kami dito sa pinas.. 3:09 a.m palang.. Nagpasundo kami kay Justine dahil siya lang ang pwedeng maka-alam na nandito kami.
Habang hinihintay naming dumating si Justine ay tinawagan ko muna ang number ni Violet... Nang walang sumagot ay muli ko itong tinawag.. Limang ring ang nakalipas ng sagutin niya na iyon.
"Ano ba?! Isturbo ka sa tulog ko!" Iritang sabi niya.
"Ano kamo?" Nakangising tanong ko.. Gaga talaga ang babaeng ito.. Hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"Amanda.. Hehe, ikaw pala." Halata sa boses nito ang pagkapahiya kaya bahagyan akong natawa.
"Nasaan ka?" Tanong ko.
"Nandito sa pinas." Sagot niya.
"Tanga.. What I mean is, kung nasa bahay ba kita natutulog?" Sarap batukan ng babaeng ito.
"Nandito ako sa Green Emerald Village." Inaantok na sagot niya.
"Sinong nagbabantay sa bahay?" Takang tanong ko.. Nako nako, kapag nanakawan lang ang bahay ko, mayayari talaga saakin ang babaeng ito.
"Nandoon si Manang.. Marami din ang guard doon." Sagot niya.
"Okay.. Bye.. Sleep well." Natatawang turan ko at pinatay na ang tawag..
"Sinong tinawagan mo?" Takang tanong ng kapatid ko at humikab.
"Si Violet.. Btw, doon muna tayo sa bahay ko-- este bahay natin tutuloy." Binago ko na pala ang nasa contract.. Paghahatian namin ni Janine ang mana dahil kapatid ko siya..
Maya-maya ay may humintong kotse sa harap namin.. At alam kong si Justine na 'yon dahil kilala ko ang kotse niya.
Limabas siya doon at nakipag beso saamin.. Kinuha niya ang mga gamit namin at nilagay iyon sa compartment..
"Hop in." Nakangiting sabi niya saamin at sumakay na sa kotse niya.. Sumakay ako sa passenger seat at sa back seat naman si Janine.
Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng biglang bumuhos ang malakas na ulan..
"Kung minamalas ka nga naman." Rinig kong bulong ni Justine.. Hindi ko nalang siya pinansin at ipinilig ko nalang ang ulo ko sa bintana.
Maya-maya ay nakarating na kami sa gate.. Ayaw kaming papasukin ng mga guard kaya no choice ako.
"May payong ka ba?" Baling ko kay Justine.
"Nandiyan sa backseat." Turo niya sa likod.. Binalingan ko si Janine at sinabi sakaniyang hanapin ang payong..
Nang makuha ko na ang payong ay bumaba na ako ng kotse at naglakad patungong guardhouse.
"Guard, pabukas ng gate." Nakangiting utos ko.. Nanlalaki ang matang tiningnan ako ni Guard.
"Hala ma'am, sorry po.. Akala ko po kasi ibang tao." Hinging pasensya niya.. Natatawang tumango lang ako sakaniya.
"Okay lang.. Buksan mo na, para maipasok na 'yung kotse." Turan ko.. Tumango lang siya saakin at kumuha ng payong.. Bumalik na ako sa kotse at sumakay sa loob.
Nang bumukas ang gate ay pinaandar na ni Justine ang kotse at pinasok sa loob.
Bumaba na kami sa kotse at pumasok sa loob ng bahay.. Sinalubong kami ng mga katulong at binigyan ng tuwalya.
"Bakit hindi pa kayo natutulog?" Takang tanong ko.
"Nanunuod po kasi kami ng K-Drama.. Tapos tumawag po 'yung guard kay manang na dumating ka daw po." Nakayukong sagot niya.. Tumango lang ako at binalingan si Justine.
BINABASA MO ANG
Sweet, But Dangerous Couple (Couple Series 1) Completed
Roman d'amourShawn Zigfrid Alvarez, A sweet but dangerous Man.. Ang kinakatakutang CEO ng Alvarez Empire Company.. Maraming galit at maraming humahamang sakaniya dahil sa taglay niyang talino at yaman.. He hates Woman; Dahil ang alam niya sa mga babae ay manlolo...