Chapter 23
Amanda's Pov
"Gusto mo pa ba?" Tanong saakin ni Shawn.. Pinapakain niya kasi ako ngayon, sabi ko kaya ko na, pero ayaw niya pumayag...
"Busog na ako... Ikaw naman ang kumain." Sagot ko.. Maya-maya ay pina-inom niya naman ako ng tubig..
"Justine, a-ano, k-kain ka na." Rinig kong utal na sabi ni Bea kay Justine...
"Okay." Sagot ni Justine.. Mag sasalita sana ako ng marinig kong biglang bumukas ang pintuan.
"Oh my god! Is that you cousin?" Ani boses babae.. Wait! Parang napakapamilyar ng boses na iyon ah.
"Violet?"
"The one and only." Sagot niya.. Siya nga! Ang maarte kong pinsan! Bagay silang magsama ni Janine..
"Sino siya?" Rinig kong tanong ni Janine.
"Are you bingi? Kakasabi niya lang sa beautiful name ko eh!" Conyong sagot niya kay Janine.
"What the h*ck! I'm not bingi okay!" Conyo ding sagot ni Janine.. See! Magpinsan nga sila!
"Anong ginagawa mo dito, Violet?" Tanong ko na lamang at baka mag-away ang dalawa kapag walang sumabad.
"Visiting my ugly pinsan." Sagot niya.. Kung nakikita ko lang itong babaeng ito, ibabalibag ko ito!
"Tsk! Mas pangit ka dyan, okay!" Rinig kong singhal ni Bea kay Violet.
"Hoy tyanak! Wag--"
"Tyanak? Sinong tyanak?" Malamig na tanong ni Bea kay Violet.
"S-si Xena... Kalma ka lang, Bea." Bakas ang takot sa boses ni Violet.. Naging kaklase namin si Violet noong last year namin sa college.. Takot na takot yan kay Bea.
"Sinong Xena?" Boses naman iyon ni Liz..
"Yung pesting kaaway ko! Pasalamat siya at hindi ako marunong mangarati! Hay nako, kung marunong lang talaga ako, tinadyakan ko na iyon palabas ng earth!" Inis na sagot niya..
"Dapat hindi ka pumapayag! Sapakin mo!" Si Bea 'yun.. Close sila ni Violet kapag sa biruan.. Minsan ko na kasing dinala si Bea sa bahay ng lola ko; nanay ng mommy ko..
"Gaga! Nag-aaral na nga ako ng martial arts eh." Natatawang turan ni Violet.
"Seryuso?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bea.
"Yup! Btw, mag-uusap pa tayo mamaya." Ani Violet.. Hindi ko alam kung sinong tinutukoy niya kaya hindi ko nalang sila pinansin..
"Violet, kumusta ang bahay ko?" Siya kasi ang pinatira ko sa bahay ko.. Wala na doon si Betty dahil nga pina-alis ko na..
"Maayos naman." Simpleng sagot niya.. Tumango nalang ako at humiga na..
"Inaantok ka na ba?" Tanong ni Shawn..
"Oo." Sagot ko na lamang.. Gabi na ngayon kaya tulog na ang tatlong bata..
Bukas na ako lalabas ng hospital.. Inip na inip na akong umuwi dahil nababagot na ako dito sa hospital..
Megan's Pov
"Dad, kailan natin gagawin ang plano natin?" Tanong ko kay Daddy..
"Sa isang araw.. Kukunin natin ang anak nila.. Papipiliin natin si Shawn. papatayin natin ang anak niya, o papakasalan ka niya.. At kapag pinili niya ang pakasalan ka, mapapasaakin na ang kumpanya niya.. HAHAHAHA." Maladimenyong tawa ni Daddy.. Can't wait for that plan..
"What about Amanda?" Tanong ko ng maalala ko si Amanda..
"Let me handle that slut." Ani daddy..
BINABASA MO ANG
Sweet, But Dangerous Couple (Couple Series 1) Completed
RomanceShawn Zigfrid Alvarez, A sweet but dangerous Man.. Ang kinakatakutang CEO ng Alvarez Empire Company.. Maraming galit at maraming humahamang sakaniya dahil sa taglay niyang talino at yaman.. He hates Woman; Dahil ang alam niya sa mga babae ay manlolo...