Chapter 38

3.1K 66 0
                                    

Chapter 38

Joshua's Pov

"Our plan is failed!! Hindi sumipot si Shawn!!!!" Malakas na sigaw ni Xena.. Hindi ko siya pinansin dahil wala na akong po-problemahin.. Hawak ko na ang pakay ko kaya kahit anong oras ay pwede kong itakas si Amanda palabas ng pinas..

"Hmm." Sabay sabay kaming napalingon kay Amanda ng umungol ito..

Nang imulat niya ang mga mata niya ay gulat siyang nakatingin saamin.. Nginisian ko siya at nilapitan.

"How's your sleep, babe?" Nang-aakit na tanong ko sakaniya.. Tingnan natin kung hindi ka pa rin mahuhulog saakin, kapag pina-inom ko na sayo ang gamot na binigay saakin ng mommy ni Shawn..

"Don't call-- what the fuck?!" Galit na binalingan niya si Xena ng malakas siya nitong sampalin..

"That's for hurting me!" Galit na sabi ni Xena at akmang sasampalin na naman niya si Amanda ng pigilan ko siya.

"Don't hurt my woman! Baka gusto mong saktan ko rin si Shawn?" Malamig na sabi ko sakaniya.. Inis na binawi niya ang kamay niya saakin..

"Psh! Palibhasa nakuha mo na ang gusto mo! Tandaan mo, may kontrata tayo na tutulungan mo ako kahit anong mangyari!" Iritang saad niya at umalis na sa kuwartong ito..

"Why so silent, babe?" Pang-iinis ko sakaniya.. Nginisian niya lang ako na ikinapagtaka ko..

"You think i am that fool--" Hindi ko na siya pinatapos dahil agad kong isinubo sakaniya ang gamot..

"After an hour, mapapasaakin ka na." Nakangising sabi ko at umalis na rin sa kuwartong iyon.. Ibinilin ko muna siya sa mga tauhan ko.

Amanda's Pov

Nang makalabas na siya ay mabilis kong idinura ang gamot na isinubo niya saakin..

"Kala niya naman ma-iisahan niya ako." Wala pang ilang minuto ang nakakalipas ay mabilis kong natanggal ang tali sa kamay ko.

"Isang malaking pagkakamali ang pagdakip nila sa isang tulad ko."

----
Violet Pov

"Mauuna na kami." Paalam ni Bea.. Akmang aalis na siya ng pigilan ko siya sa kamay.

"Saan ba kasi ang lokasyon?" Iritang tanong ko sakaniya.. Kanina ko pa kasi tinatanong ang bruhildang ito, at kahit isang sagot ay wala akong nakuha.

"Sa lumang bahay ng mga Agustin." Aniya't naglakad na paalis..

Ngayon kasi ang araw ng paglusob nila kina Joshua at Xenahas.. Kami lang ni Janine ang hindi kasama sakanila..

Kinana lang nakalabas ng hospital si Janine.. Galit na galit siya kay Xena dahil nawalan siya ng anak..

Kasama namin ngayon sina Tita Lacey at ang mga bata.. Pero kanina ko pa napapansin na wala dito si Cyle.

"Nakita mo ba si Cyle?" Tanong ko sa tulalang si Janine...

"Baka nasa kuwarto niya lang." Wala sa sariling sagot niya... Tumango nalang ako bilang sagot.

Tinungo ko na ang kusina para magluto ng pananghalian namin.. Iniwan ko muna doon sina Janine at ang mga bata.

Kasama si Luca kina Shawn dahil gusto niyang siya mismo ang pumatay kay Xena...

Habang nagluluto ako ay patakbong lumapit saakin si Crystal na ikinapagtaka ko.

"Tita!!! Nawawala si kuya Cyle!!!" Malakas na sigaw niya at muling tumakbo paalis ng kusina..

Mabilis kong pinatay ang stove at tumakbo palabas ng kusina.. Tinungo ko ang kwarto nila para tingnan doon si Cyle..

Sweet, But Dangerous Couple (Couple Series 1) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon