Chapter 11

5.1K 111 1
                                    

Chapter 11

Amanda's Pov

Sa mga nagdaang linggo ay maayos naman at wala nang naganap na kaguluhan.. Nagtataka nga ako kung bakit hindi ko na nakikita ang mag kapatid na iyon.. Pati na rin pala si Joshua..

Siguro nagpatayan na ang mag kapatid dahil kay Joshua.. Kapag naiisip kong nag-aaway sila ay gusto kong tumawa ng subrang lakas.

Nandito ako ngayon sa doctor ko para mag pa-check up.. Masyado na kasi akong na-I-stressed dahil sa trabaho.. Dumadanak na ang mga costumer namin dahil malapit na ang December..

"Ms. Deogracia.. Kailangan niyong magpahinga dahil hindi nakakabuti sa bata... Pwede kayong makunan dahil sa stressed na nararamdaman niyo." Nag-aalalang sabi ng doctor ko.. Nilukob ako ng takot dahil sa sinabi niyang pwede akong makunan..

"Lumalaki na rin ang tiyan mo.. Kaya kailangan mo munang itigil ang pag-ta-trabaho." Dugtong pa niya.. Napakapit ako sa umbok kong tiyan at napa buntong hininga..

"Sige po Doc.. Maraming salamat po.. Aalis na po ako." Pasalamat ko at umalis na.. Sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot iyon pauwi ng bahay namin ni Bea.

----
Janine Pov.

"Jani!!" Napatakbo ako ng mabilis ng biglang sumigaw si Luca..

"Bakit?" Kinakabahang tanong ko sakaniya..

"Look at this, Love." Itinuro niya ang nasa laptop niya kaya lumapit ako sakaniya at tiningnan kung ano ang tinutukoy niya.

"Oh? Ano namang gagawin ko dyan?" Mataray na tanong ko sakaniya..

"Ipagluto mo ako ng ganito." Nakangising sabi niya.

"Hoy, Mr. Luca Salvatore.. Ilang beses ko bang sasabihin sayong hindi ako marunong magluto?" Singhal ko sakaniya.. Tama kayo ng nabasa.. Ang attorney ni Amanda ay Boyfriend ko.. Siya ang tumulong saakin nung araw na wala akong matutuluyan.

-Flashback-

Paika-ika akong naglalakad dito sa gilid ng kalye dahil hindi ko alam kung saan ako tutuloy.. Hindi ako tanga para bumalik sa bahay na iyon.. Alam kong may nakahandang tao doon para patayin ako.

Dahil sa inis ko ay naibato ko ang cellphone ko sa kalsada.. Nag-umpisa na naman akong hamagulgol dahil hindi ko alam kung anong mangyayari saakin..

Hindi ko mapuntahan si Amanda dahil wala ang kotse ko.. Gabi na ngayon at natatakot na ako..

Nang may maramdaman akong sumusunod saakin ay mas binilisan ko pa ang paglakad ko.. Nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa takot..

Muntik na ako mapasigaw ng may biglang humila sa akin at takpan ang bunganga ko.. Nagpumiglas ako dahil baka kung ano na ang gawin niya saakin.. Nag-umpisa na namang tumulo ang luha ko dahil sa naiisip kong baka ito na ang katapusan ko..

"Stop crying Janine! It's just me." Medyo nakahinga ako ng maluwag ng makilala ang boses ng taong humila saakin..

"Why are you doing this to me?" Mahinang tanong ko..

"Dahil bigla kitang nakita kanina.. At kanina ko pa nakikita ang lalaking sumusunod sayo.. He's planning to kill you." Mahinang sagot niya..

Maya-maya ay lumabas na kami sa pinagtataguan namin at mabilis na tumakbo.. Hila hila lang ako ni Atty. Luca dahil hindi ko alam kung saan kami tutungo.

Nang makarating kami sa isang sasakyan ay agad niya akong pinasakay sa passenger seat.. Sumakay na rin siya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan niya.

"Saan ka nakatira?" Tanong niya ng makalayo-layo na kami sa lugar na iyon.

"Hindi na ako pwedeng bumalik sa bahay." Malungkot na bulalas ko at tumingin sa labas ng bintana.. Narinig ko siyang bumuntong hininga kaya tumingin ako sakaniya.

Sweet, But Dangerous Couple (Couple Series 1) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon