Chapter 20
--2 months later--
Amanda's Pov
Ngayon ang araw ng uwi ni Shawn.. Sinusunduin na siya ni Justine sa Airport kaya nagbihis na ako.. Didiretso kasi kami sa doctor ko kapag naka palit na ng damit si Shawn..
"Ang laki na talaga ng tiyan mo, Buntis." Hindi makapaniwalang bulalas ni Liz. "Can i touch your tiyan?" Conyong sabi niya.. Tumango lang ako sakaniya bilang sagot.. Lumapit siya saakin at marahang hinaplos ang tiyan ko.
"Yucks! Can I touch your TIYAN?! Are you really nag-aral ba talaga?" Pang-iinis sakaniya ni Janine.. Pare-pareho kaming natawa dahil sa sinabi ni Janine.
Close na saamin si Janine.. Ewan ko ba, lagi nilang iniinis 'yang kapatid ko.. Masiyado kasing maarte..
"Anong pangalan ang ibibigay mo sakanila?" Biglang singit ni Bea.. Natigil naman ang dalawa sa pag-aasaran at tumingin din saakin..
"Hindi ko pa alam eh.. Siguro kapag nalaman na namin ang gender nila." Sagot ko nalang..
"Nandyan na si Shawn." Ani Liz.. Napatingin ako sa pintuan at nandoon na nga si Shawn.. Tumayo ako at sinalubong siya..
"K-Kumusta ang biyahe--hmm." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sunggaban niya agad ako ng halik..
"I really miss this sweet lips." Aniya.. Namumulang iniiwas ko ang mata ko sakaniya na ikinatawa niya.
"PDA!"
"My virgin eyes!"
"My virgin ears!"
Reklamo ng tatlo kaya nagkatawanan kami ni Shawn.. Kinindatan niya muna ako at naglakad na papasok ng kuwarto niya.
"Alam ko na talaga kung bakit twins yang anak mo." Makahulugang sabi ni Bea..
"Manahimik ka nga--ouch!" Napangiwi ako ng biglang sumipa ang kambal sa tiyan ko.. Nag-aalalang lumapit naman saakin ang tatlo.
"Okay ka lang?" Nag-aalaoang tanong ni Janine.. Ngumiti ako sakanila at tumango.
"Sumipa 'yung kambal." Natutuwang sabi ko.. Ngumiti lang din ang tatlo at sabay na hinawakan ang tiyan ko.
"Let's go." Yaya ni Shawn.. Sabay sabay kaming tumango sakaniya at naglakad na palabas..
Sa kotse ako ni Shawn sumakay.. At' yung tatlong babae naman ay sa Kotse ni Justine.. Gusto kasi nilang sumama, dahil gusto rin nilang malaman agad ang gender ng kambal..
Nang makarating kami sa Doctor ko ay agad niya akong pinahiga sa kama at itinaas ang t-shirt ko.. Kinakabahang hinawakan ko ang kamay ni Shawn.. Ngumiti lang siya saakin at hinalikan ang likod ng kamay ko.
"Ang healthy ng baby niyo.. Look, pareho silang lalaki." Masayang turan ni Doctora.. Nagkatinginan kami ni Shawn.. Kita ko ang sayang dumaan sa mga mata niya kaya lihim akong napangiti.
"Wait! Something is wrong." Kunot ang noong sabi ng doctor kaya kinabahan ako.. "The twins are hiding something-- no! Kailangan mong dumaan sa C-section, hindi makabubuti sayo kung hihintayin pa natin ang isang buwan para lumabas ang bata.. Maaring mamatay ka kasama ang mga anak mo." Nag-aalalang sabi ni Doctora kaya hindi ko mapigilang mapaluha..
" Shawn." Tawag ko sa pangalan niya at nag simulang humikbi..
" Hushhh.. It's okay.. Everything's gonna be alright." Pagpapakalma niya saakin..
"Kailangan na natin siyang dalhin sa delivery room." Ani Doc.. Tumango lang sakaniya si Shawn at tinulungan akong makatayo..
Lumakad na kami patungong delivery room.. Nanginginig ako dahil hindi ko alam kung anong mangyayari.. Hindi ko kayang mawala ang kambal ko..
Janine Pov.
"Anong sabi ng Doctor?" Nakangiting salubong ni Liz kay Shawn..
"The twins are in danger." Malamig na sagot niya... Sabay sabay kaming napasinghap dahil sa balitang sinabi ni Shawn..
Kaya pala sila natagalan sa loob dahil may nangyayari na palang masama sa kambal... Fudge! Sana maging okay lang ang lahat..
Agad kong inilabas ang cellphone ko at tinawagan si mommy.
"Nak?" Sagot niya makalipas ang tatlong ring..
"Mom... N-nasa panganib si Ate at ang Kambal." Nanginginig na balita ko kay mommy... Rinig kong napasinghap siya kaya napa buntong hininga nalang ako..
"Pupunta na ako dyan." Ani mom.
"Sige po." Nagpaalam na si Mommy kaya ibinaba ko na ang tawag... Paikot ikot lang ako dito sa harap ng pinto dahil sa mga naiisip ko.
"Tumigil ka nga sa kakaikot mo Janine! Kami ang nahihilo sayo." Sita saakin ni Bruhildang Bea.
"Edi wag kang tumingin." Pananaray ko sakaniya..
Maya-maya ay hinila niya ako papalayo kina Liz.. Kunot ang nuong binalingan ko siya at nagtatanong na tingin ang binigay ko sakaniya.
"You need to calm down.. Kailangan ka ng ate mo kaya kailangan mong kumalma." Mariing bulong niya saakin.
"Hindi ko alam kung paano! Ngayon na lang nga kami nag kaayos tapos may mangayayari pang masama--"
"Hushh.. Walang mangyayari sa ate mo, okay? Hindi niya kayo iiwanan." Turan niya at mahigpit akong niyakap..
Bumalik na kami sa pwesto namin kanina at tahimik na naghintay sa doctor.. At dahil naka ramdam ako ng pagka-uhaw ay nag-paalam na muna ako sakanilang bibili lang ako.
Pumasok ako sa isang store at bumili ng limang tubig.. Idadamay ko na rin sila, baka nauuhaw na rin ang mga iyon...
Nang makabayad ako ay akmang lalabas na ako ng makasalubong ko si MEGAN.. Nanlalaki ang mata kong nakatigin sa umbok niyang tiyan..
"Megan.. B-buntis ka." Hindi iyon tanong.. Dahil alam ko kung sino ang ama nun.. Hindi lang ako makapaniwala na hindi niya ipinalaglag ang bata.
"This is all your fault! Kinidnapped mo si mommy! Papatayin kita!!!" Akmang susugod siya sa akin ng umiwas ako.. Dali dali akong umalis ng store na iyon..
At sa hiling pagkakataon ay muli ko siyang binalingan... Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makitang dinudugo si Megan..
Mabilis ang ginawa kong paglakad pabalik ng hospital.. Nang makarating ako ay si Bea nalang ang naabutan ko doon..
"Nasa loob na sila.. Safe ang kambal at ang ate mo." Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya..
Pumasok na kami sa loob at binigyan sila ng tubig.. Hindi tinanggap ni Shawn ang tubig dahil busy siya sa kakatingin sa anak niya..
"Bakit tatlo ang kuna?" Takang tanong ko.. Lumapit ako kay Shawn at ganon nalang ang gulat ko ng makita ang baby.
"Triplets? How come?" Takang tanong ko kay Shawn.
"The twins is hiding their sisters." Malungkot na sagot niya at muling binalingan ang walang malay na si Ate.
"Kailan daw siya magigising?" Tanong ko at nilapitan si Ate.
"We don't know." Kibit balikat niyang sagot..
"Uwahhhhhhh.." Sabay sabay kaming napatingin ng biglang umiyak ang babaeng anak ni Ate at Shawn..
"Buhatin mo siya." Utos ko kay Shawn.. Tiningnan niya ako ng naka kunot ang noo.
"Hindi ko alam--" Hindi ko na siya pinatapos at kinuha nalang ang baby..
"Ganito." Turo ko sakaniya.. Ng ilang minuto ay ibinigay ko na sakaniya ang baby..
"Woah." Manghang sambit niya ng mabuhay niya ang baby..
Tittttttttttttttttttttttt
Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng mag-isang linya ang guhit sa monitor..
"A-ate." Nagsimula na akong humagulgol.. "No!!!!!!"
BINABASA MO ANG
Sweet, But Dangerous Couple (Couple Series 1) Completed
RomanceShawn Zigfrid Alvarez, A sweet but dangerous Man.. Ang kinakatakutang CEO ng Alvarez Empire Company.. Maraming galit at maraming humahamang sakaniya dahil sa taglay niyang talino at yaman.. He hates Woman; Dahil ang alam niya sa mga babae ay manlolo...