Chapter 7
Dumiretso ako sa powder room na may bigat na nararamdaman. Inilagay ko ang pouch bag ko sa sink at napatingin sa salamin. I gritted my teeth. Hindi ako makapaniwala na mababastos ako ng ganoon. Ano ba ang aasahan ko? Eh, bar ito. May mga tao talaga na bastos.
Bumuntonghininga ako at saka binuksan ang gripo. Binasa ko ang mukha ko ng kaunting tubig at saka tumingin muli sa salamin. Ngunit, halos napasigaw ako nang nakitang kumalat ang eyeliner sa may bandang mata ko.
Hindi pala ito waterproof!
Nagmumukha tuloy akong panda dahil sa itim na kumakalat. Wala pa naman akong dalang tissue o wipes! Kaya nagpalinga-linga ako at naghanap rito sa powder room. Imposibleng walang tissue rito, eh.
Isa-isa kong binuksan ang mga pinto ng CR upang maghanap ng tissue. At nang buksan ko ang panghuling pinto, nakita ko ang isang babae na tumatae. Nanlaki ang mata ko sa gulat at napaatras.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAH!" sigaw ng babae at padabog na sinara ang pinto.
"Sorry!" Kinagat ko ang ibabang labi ko at sinampal ang sarili. Nakakahiya!
Nang nakakita ako ng tissue, bumalik na ako sa puwesto ko kanina at pinunasan ang kalat sa gilid ng mga mata ko.
"Hayst!" Bumuga ako ng hangin at saka itinapon ang gamit na tissue sa trash bin. "Bakit ko pa kasi naisipan na mag-eyeliner?"
Sinamaan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin at natigil nang narinig ko ang marahas na pagbukas ng pinto mula sa isang CR. Nakita ko sa repleksyon ng salamin ang paglabas ng babae na nahuli kong tumatae. Galit na tingin ang kanyang ipinukol sa akin bago siya lumabas.
Sinampal ko muli ang sarili ko sa inis.
"Tanga mo kasi, Katarina! Nandito ka para magsaya, hindi para manilip at magpabastos!" Binuksan ko ang pouch ko at kinuha ang lipstick para mag-retouch.
Nang natapos akong mag-retouch, lumabas na ako sa powder room na parang walang nangyari. Hindi na ako bumalik sa puwesto nila Cheska. Instead, nagtungo ako sa counter kung saan nagpapasikat ang isang bartender.
Umupo ako sa high chair at inilagay ang siko sa metal na lamesa. Nang nakaupo ng maayos, tiningnan ko ang mga inumin na may iba't ibang kulay. Tiningnan ko ang bartender na seryoso sa ginagawa.
"May pangmalakasan ka bang alak riyan?" tanong ko habang nasa mga alak pa rin ang tingin.
Sinulyapan ako ng bartender na may mayabang na ngiti sa labi. Akala niya naman yata ay interesado ako sa mga imbento niya.
"Yes," sagot niya agad.
Nagulantang ako nang lumapit siya sa akin at itinaas ang isang baso na may alak na kulay blue. Hindi ko nga alam kung ano'ng klaseng alak.
Inilahad niya ito sa akin habang may ngisi pa rin sa labi. Tinanggap ko naman at mariing tiningnan.
"Iyan ang bukod tanging alak na pangmalakasan," pagmamalaki niya at sinandal ang sarili sa counter. "Iyan ang latest liquor dito."
Inamoy ko ito at wala naman akong naamoy na baho. Anong klaseng alak ito? Tiningnan ko siya na may pagtataka sa mukha. Mabuti at napansin niya agad ang pagtataka ko.
Bumuntonghininga siya at tinuro ang alak na bigay niya sa akin.
"Ako ang nag-imbento ng alak na iyan at ikaw ang unang makatitikim." Ngumisi siya lalo. Napailing na lamang ako. Ang yabang-yabang ng aura niya. Mapapangiwi ka na lang talaga. "Kaya magpa-autograph ka na sa akin bago ako sumikat."
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)
RomanceWhat if bigla na lang kayong nagkita ng ex mo pero hindi sa magandang paraan? Hindi sa magandang sitwasyon at hindi sa tamang panahon? What if bigla ka na lang ikasal sa isang bilyonaryo slash ex-boyfriend?