Chapter 27
Isang oras akong nagmukmok sa kuwarto. Ang gusto ko lang naman ay ang umuwi sana sa bahay dahil gusto kong kunin ang gamit ko at siyempre ay ang makaiwas muna kay Ashton. Ayoko muna siyang makausap lalo na dahil sa nangyari kahapon na hindi ko tanggap. Hindi ko tanggap na nasaktan ako.
Gusto ko rin umuwi pata makahingi ng sorry kay Ate. Hindi niya pa rin sinasagot ang mga tawag ko at ang mga text ko. Ang sabi ni Kuya Jude, busy raw si Ate kaya hindi raw ako ma-reply-an.
Pero alam ko na nagsinungaling lang si Kuya. Nagtatampo pa rin si Ate sa akin. Saksi kasi siya sa pinagdaanan ko noon. Saksi siya sa gabi-gabi ko na pag-iyak lalo na noong naghiwalay kami ni Ashton. Kaya hindi ko masisisi si Ate kung bakit naiinis na siya sa akin.
Umayos ako ng higa sa malawak na kama at saka bumuntonghininga. I wonder kung nandiyan pa ba ang mga kaibigan ni Ashton? Baka umuwi na? Isang oras na ang nakalipas, eh? Paano ba nagba-bonding ang mga mayayaman?
Nang nakarinig ako ng yapak mula sa labas, dali-dali kong tinakpan ang sarili ko ng kumot at saka pumikit. At nang marinig ko ang pagbukas ng pinto, bumilis ang tibok ng puso ko.
Narinig ko ang pagkawala niya ng hininga.
“Alam kong gising ka pa. Stop pretending and face me.”
Mas lalo lamang akong pumikit dahil sa narinig. I can’t face him right now! Napalunok ako.
“Katarina,” hindi makapaghintay niyang sabi sa pangalan ko.
Medyo gumalaw ako.
“Ayoko. Gusto kong matulog.” Hinigpitan ko ang hawak sa kumot.
Lumubog nang kaunti ang kama. Mukhang umupo siya malapit sa may paanan ko. Naitikom ko tuloy ang bibig ko.
“Are you avoiding me?”
Napasinghap ako at lumuwag ang pagkahawak ko sa kumot dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
“H-Hindi…” sagot ko, medyo paos pa.
“Don’t lie to me. Dahil ba sa nangyari kahapon?” mahinahong tanong niya. “Kasi kung tungkol sa nangyari kahapon. I’m sorry. Wala lang iyon. Sabrina is my friend. She’s fragile and—”
“Huwag na natin siyang pag-usapan pa, Ashton.” Kumuyom ang kamao ko.
Bakit pa ba namin isinali ang babaeng iyon sa usapang ito? Kumukulo ang dugo ko. At hindi ba siya marunong makiramdam? I know wala na kami at pagpapanggap lang ang lahat ng ito, pero isa ang babae iyon sa dahilan kung bakit kami nawasak noon.
“Then, are you jealous?”
Sa tanong niya na iyon, inalis ko ang kumot sa katawan ko at bumangon. Inis ko siyang tiningnan.
“What?”
He smirked. “Magdidiriwang ako kung totoong nagseselos ka, Katarina.”
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Baliw ba siya?
“Kasi kung totoong nagseselos ka, ibig sabihin hindi pa ako tuluyang nawala sa puso’t isip mo.”
Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko kasi tanggap ang sinabi niya.
“Hindi!” agad kong sambit at inayos ang buhok kong nagulo. “Bakit naman ako magseselos sa babaeng iyon? Hindi kaselos-selos ang babaeng iyon! W-Wala akong paki kahit mag-date pa kayo! Wala! You married me para may maipakita ka sa magulang mo na may asawa ka na, right? Para malaman din ng mga taong kilala ka? So, kung magde-date kayo ni Sabrina, do it secretly! Ako. I will just do my job as your wife hanggang sa matapos ito!”
Kahit gaano pa kahaba ang sinabi ko, hindi pa rin nawala ang ngisi sa kanyang labi. Mas lalo lamang itong lumaki.
Umusog siya sa kanyang inuupuan hanggang sa nakalapit na siya sa akin. Napalunok ako at para akong mauubusan ng hininga dahil sa ginawa niya lalo na ang paglapit ng mukha niya sa akin.
Napasinghap ako nang naramdaman ko ang kanyang hininga sa tainga ko.
“Alright. I have a job for you, baby,” bulong niya sa tainga ko na nagbigay sa akin ng kiliti. “You must say yes to this.”
Binalingan ko siya at muntik ko na siyang mahalikan dahil sa pagbaling ko. Halos hindi nga ako makahinga lalo na nang magtama ang paningin namin. Napalunok ako at saka umiwas ng tingin.
“A-Ano iyon? You want me to cover up your date with Sabrina?” Nilingon ko siya at saka nginisian.
Nawala ang ngisi ni Ashton sa sinabi ko at napalitan ng pagtataka. Hindi pa nga ako nakapagsalita ulit ay napatili na lamang ako nang tinulak niya ako kaya napahiga ako sa kama at napasinghap ako nang dinaganan niya ako. Ang kanyang kamay ay nasa kabilang gilid ng ulo ko na.
“A-Ano a-ang ginagawa mo?” Nilakihan ko siya ng mata.
Nagsalubong ang kilay niya.
“You think I will do that?” hindi makapaniwala niyang tanong.
Nilapag ko ang palad ko sa dibdib niya para hindi niya ako tuluyang madaganan.
“Nagtatanong lang ako!”
“Pero insulto iyon sa akin, Katarina,” aniya at saka umiling sa akin. “Palagi mong sinasabi na e-date si Sabrina. Like, fuck! Wala akong gusto sa kanya.”
“Oh, talaga?” sarkastiko kong tanong.
“Talaga!” Umigting ang panga niya. “Wala siya sa akin. Kaibigan ang turing ko sa kanya and just like I said, she’s fragile, Katarina! At akala ko ba ay huwag na natin siyang pag-uusapan pero ikaw itong nagbi-bring up ng topic tungkol sa kanya.”
Hindi ako makapagsalita. Bigla akong na-guilty. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at naikuyom ko ang kamay ko na nasa dibdib niya.
“Let’s stop fighting and let’s date.”
Namilog ang mata ko at napatingin sa kanya. “Ano?”
“Narinig mo ako, hindi ba? Your first job is to date your husband. Magdi-date tayo, Katarina,” aniya at saka umalis na siya sa pagkadagan sa akin.
Ako naman ay nanatiling nakahiga. Hindi makapaniwala sa narinig.
Magde-date kami?
“At huwag mong isipin na dini-date kita para sa imahe ko. It’s not like that, Katarina. Kaya magbihis ka at aalis na tayo.”
At iniwan niya ako na mag-isa sa kuwarto na tulala.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)
RomanceWhat if bigla na lang kayong nagkita ng ex mo pero hindi sa magandang paraan? Hindi sa magandang sitwasyon at hindi sa tamang panahon? What if bigla ka na lang ikasal sa isang bilyonaryo slash ex-boyfriend?