Chapter 34
Naging maganda ang gabi namin. Nanood kami ng movie sa Netflix kagabi. Nagpaluto rin siya ng pop corn at bumili ng ice cream at pizza for late night snacks. Kaya ang resulta, mahimbing pa rin ang tulog ni Ashton sa tabi ko.
Napangiti na lamang ako nang maalala ko kagabi. It was peaceful. Talaga namang nasulit namin ang oras naming dalawa. Nag-a-adjust pa rin kami lalo na ako. Hindi ko ma-express nang tama itong nararamdaman ko dahil nandito pa rin ang takot. Pero alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin siya kaya nga naging marupok ako.
Tumayo ako at napag-isipan na lutuan si Ashton. Ngayon ang distribution ng relief goods at kailangan ko pang tawagan ang sasalubong sa donations sa Norte.
Habang pababa ako sa hagdan ay humina ang pagbaba ko nang makita ko si Sabrina. Biglang napawi ang saya na nararamdaman ko. Nakaupo siya sa sofa na parang may hinihintay. Nagpatuloy ako sa pagbaba at saka nagtungo sa kanya. Agad napatayo si Sabrina nang makita ako at saka ako inirapan.
“Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ko at humalukipkip.
Maarte niyang inilapag ang kanyang mamahaling bag sa center table at saka mataray akong tiningnan.
“I am here for Ashton. Duh!”
Nagtaas ako ng kilay. “Ano naman ang kailangan mo sa asawa ko?”
Natawa siya sa tanong ko at humakbang palapit sa akin. Ngayon ko lang napansin na bihis na bihis pala siya.
Nagtagisan kami ng tingin bago siya nagsalita na parang isang galit na sisiw.
“Asawa mo?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Hindi pa rin ako makapaniwala na mag-asawa kayo! So sudden! As far as I know, dalawang taon na kayong wala ni Ashton! Wala na kayo dalawang taon na ang nakalipas! Ako ang kasama niya sa dalawang taon namin sa ibang bansa kaya I know! I know! Siguro nagpapanggap ka lang o may ginawa ka kay Ashton because you are desperate! Siguro nilandi mo siya kaya ganiyan siya ngayon!”
Tuluyan na akong nawala sa mood.
“Hindi mo pa rin ba tanggap, Sabrina? Kaibigan lang ang tingin sa iyo ni Ashton. Iyan ang dapat ipasok diyan sa maliit mong kokoti.”
Napasinghap siya sa sinabi ko.
“Sabi mo nga dalawang taon na ang nakalipas…” Inangat ko ang gilid ng labi ko. “Dalawang taon ngunit mahal pa rin namin ang isa’t isa. Ikaw yata ang desperada, Sabrina. Hanggang ngayon buntot na buntot ka pa rin sa taong ayaw sa iyo. Dalawang taon kayong magkasama, Oo! Ngunit hindi ka niya mahal! Hindi ka niya gusto! Kasi kung gusto ka niya talaga, hindi na sana kami nagkita ulit.”
Nakita ko sa kanyang mata na nasaktan siya sa sinabi ko. Pero dapat lang niya na malaman.
“Asawa ko si Ashton…” Pinakita ko sa kanya ang bagong singsing ko. “At hindi mo iyon masisira.”
Umawang ang labi niya at napakurap-kurap. Maya-maya ay nagulat na lamang ako nang tumawa siya na parang baliw at saka umupo pabalik sa inuupuan niya kanina. Kumulo ang dugo ko sa klase ng pagtawa niya. Nakakainsulto! Hindi ba siya marunong rumespeto sa taong kasal na?
“Sinisira mo ang umaga ko, Katarina.” Tinaasan niya ako ng kilay. “Hindi ikaw ang gusto kong makaharap ngayong araw. I am here for Ashton and not you. So, get lost!”
“Aba!” Napanganga ako. “Ang kapal ng mukha mong paalisin ako rito. Sirain ko kaya iyang pagmumukha mo. Makikita mo.”
“Gosh! Kilos squatter!” maarte niyang sabi.
Kinuyom ko ang kamao ko at naglakad na lamang patungo sa kusina. Padabog kong sinampa ang magkabilang kamay ko sa lamesa kaya napatalon sa gulat ang mga naroon.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)
Любовные романыWhat if bigla na lang kayong nagkita ng ex mo pero hindi sa magandang paraan? Hindi sa magandang sitwasyon at hindi sa tamang panahon? What if bigla ka na lang ikasal sa isang bilyonaryo slash ex-boyfriend?