Chapter 14

88.4K 2.7K 267
                                    

Chapter 14

"Usap-usapan ang nangyari kanina. What was that, Katarina? Totoo ba iyon?" pinaghalong gulat at pagtatakang tanong ni Cheska sa akin sa kabilang linya.

Tumawag kasi siya sa akin habang nandito pa ako sa bahay ni Ashton. Inasikaso ako ng mga kasambahay at pinilit pa akong kumain kahit hindi naman ako gutom. Mabuti at wala rito si Ashton dahil ayoko muna siyang makita.

Bumuga ako ng hangin at saka tamad na sumandal sa couch. Kinagat ko ang labi ko at saka nagbaba ng tingin. "Yes," sagot ko.

Napapikit ako. Kinailangan ko pa bang sabihin sa kanya na ikakasal na ako kay Ashton? Hindi niya naman kilala si Ashton. Hindi ko kinuwento kay Cheska ang previous relationship ko dahil ayaw kong pag-usapan pa.

She gasped. "T-Talaga, Kat? Omg!" Tumili siya. "Bigatin iyon! May-ari iyon ng mall na pinagtrabahuan natin. Akala ko ba ay wala kang jowa. Hindi ka man lang nagkuwento," medyo nagtatampo niyang sambit sa huling sinabi niya.

I could imagine her pouting like a baby. Napangiti tuloy ako at napamulat. Ngunit sa pagmulat ko, bumungad sa akin ang nakakunot-noo na si Ashton. Bigla akong naging balisa dahil sa kanyang titig. Nagdadalawang-isip ako kung ano ang uunahin ko.

Napalunok ako at agad nag-iwas ng tingin. Hinigpitan ko ang hawak ko sa phone ko at kinagat ang ibabang labi.

"H-Huwag kang mag-alala, Ches. Sasabihin ko sa iyo ang lahat kapag kaya ko na. Sa ngayon, believe what you believe," iyon ang huli kong sinabi bago ko ibinaba ang tawag.

Agad kong inilapag sa lamesa ang luma kong phone nang nakita ko siyang naglakad palapit sa puwesto ko. Umayos ako ng upo at saka tinaasan siya ng kilay.

"Ano?" Inirapan ko siya.

Tumigil siya sa harap ng center table at saka inilagay ang kamay sa kanyang baywang. Salubong ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin.

"Bakit hindi ka kumakain?" kunot-noong tanong niya sabay lingon sa matandang kasambahay na kalalabas lang ng kusina. "I told you, Manang Lolita!"

Umawang ang labi ko at sinulyapan ang matanda na ngayon ay nagulat sa inis na si Ashton. Bigla tuloy akong nakonsensya at hindi ko rin maiwasang mainis kay Ashton dahil nagalit siya sa matandang wala namang kasalanan.

"P-Pasensya na, hijo, pero busog pa raw si Ma'am," medyo nauutal niyang sambit sabay baling sa akin.

Tumango ako at saka tiningnan ng masama si Ashton. Mas lalo lamang nangunot ang noo niya sa akin.

"Busog pa ako." Inilagay ko sa tiyan ko ang isa kong kamay. "Kaya huwag mong pagalitan si Lola!"

"Pinagalitan?" Tinaasan niya ako ng kilay sabay sulyap kay Manang Lolita. "Manang, umalis ka muna. Mag-uusap lang kami."

Nagbaba ng tingin ang matanda. "Sige, hijo."

Napalunok ako nang napansin na kami na lamang dalawa. He stepped forwards while his eyes darkened. Napalunok ako lalo at nagpalinga-linga. Nakaupo lang ako sa sofa at wala akong mapupuntahan. Kaya nang humarap muli ako, napasinghap ako nang nasa harapan ko na talaga siya. At dahil nakatayo nga siya, kinailangan ko pang tumingala.

Hindi ko maiwasan na amuyin siya dahil mabango. He smirked and leaned closer to me. Napasinghap ako at mas lalong napasandal sa sofa.

Ano ang gagawin ko?

Nakangisi nga siya pero malamig ang kanyang mga mata. Lalo na nang tuluyan niya na akong na-corner. Ang kanyang kamay ay nasa magkabilang-gilid ko na. Sa gilid ng mata ko, kitang-kita ko kung paano nag-flex ang muscles at pagiging visible ng ugat sa higpit ng kapit niya sa sofa.

Marrying Mr. Billionaire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon